Wednesday, May 13, 2009

15TH ANNIVERSARY OF THE CHURCH OF GOD AT DUBAI -

Sa mga kapatid naming sa Panginoon diyan sa Pilipinas,

Pagbati mula sa pangalan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesus.

Nais kong ibalita sa inyo na idinaos naming ang ika-15 anibersaryo ng Iglesia ng Dios dito sa Dubai noon April 24, 2009 na ginanap sa Consulate General of the Philippines. Nagpapasalamat kami sa Panginoon sa naging tagumpay ng aming anibersaryo. Maraming mga mga pagpapala at mga biyayang ipinagkaloob ng Dios na aming natanggap. Salamat na aming nadama ang pagkilos ng Espiritu Santo sa mahalagang araw na yaon. Salamat na nananatiling tagumpay ang kaniyang Iglesia dito. Ang amin tema ay “Christ our Example” (I pet. 2:21). Mahigit 50 ang dumalo sa kaniyang gawain at 12 dito ang lumapit sa Panginoon. Ang mga kaluluwang ito ay mga Overseas Filipino Workers na hindi naging mabuti ang kalagayan sa kanilang mga amo. Tuwing araw ng Huwebes ay mayroon kaming Bible Study doon at ilan sa kanila ay aming nkakapiling. Sila’y ating isama sa ating mga panalangin na nawa’y maayos na ang kanilang mga kalagayan dito.

Patuloy po tayong magdalanginan upang manatili ang pag-ibig sa mga kapatid at pagkakaisa ng kaniyang Iglesia at nawa’y lumago pa ang kaniyang Gawain hindi lamang dito kundi lalo na jan sa ating bansa. Muli ay nagpapasalamat kami sa inyong mga panalangin at daing patungkol sa mga banal dito sa Dubai.

Kalakip ng email na ito ang ilan sa mga larawan na kuha sa anibersaryo.

Ipinaaabot ng mga kapati ang mainit na pagbati at pangungumusta sa inyong lahat.

Purihin ang Panginoon.


Ang inyong kapatid at kamanggagawa kay Kristo

Bro. Arthur Logan

(See pictures at www.cogphoto.blogspot.com)