Wednesday, February 20, 2008

7TH ANNIVERSARY CHURCH OF GOD BINANGONAN, RIZAL - Sis. Jenny Facunla

“Upholding a glorious Church – Holy and Unwrinkled”. Eph. 5:27

Ito ang naging tema sa pagdiriwang ng ika- pitong anibersaryo ng Iglesia ng Dios dito sa Binangonan, Rizal noong Enero 27, 2008, na dinaluhan ng mga kapatiran mula sa Metro Manila at ilang kaluluwang pinaunlakan ang mga paanyaya ng Panginoon.

Tunay na ang presensya ng Panginoon ay nasa Kaniyang mga anak. Ang pag-awit ng himno at debosyon ay sinimulan sa pangunguna ni Sis. Jenny Facunla. Ito ay sinundan ng pagbasa ng Banal na Kasulatan.

Pinangunahan ni Bro. Bert Domondon ang Paaralang Lingguhan na may Paksang , “Moses, an Example in Leadership”. Ang mga tanong at susog ay nagsilbing pagpapala, hamon at karagdagang kaalaman sa mga kapatid.

Matapos ang pag-aaral at pagbati sa mga kapatid na may kaarawan sumunod ang Worship Service na pinangunahan ni Bro. Nino Dumrique. Narinig ang mga ulat at mga special song ng mga kapatid na nagmula sa ibat-ibang kongregasyon kalakip ang kanilang pagbati at mga ibayong hamon.

Isang hamon at pagpapala ang mensahe na ibinahagi ni Bro. Jet Batalla, na ginamit ng Dios na malinis na kasangkapan sa pangangaral ng Ebangelio. Ang pamagat ng mensahe ay “Church of God, A Glorious Church”, Eph. 5:27. Purihin ang Panginoon at may apat na kaluluwa ang lumapit sa altar pagkatapos ng mensahe.

Ang mga kapatid sa Binangonan ay lubos na nagagalak at nagpapasalamat sa mga kapatiran at higit sa Dios sa tagumpay ng Kaniyang gawain sa lugar na ito. Patuloy po tayong magbigay hamon at magdalanginan sa ikaluluwalhati ng Iglesia ng Dios. Pagpalain tayo ng Dios.

No comments: