Tuesday, November 04, 2008

14TH ANNIVERSARY OF THE CHURCH OF GOD IN DUBAI - Bro. Arthur Logan






Sa aming mga kapatid diyan sa Pilipinas,


Greetings in the Holy Name of our Lord Jesus Christ. Kumusta na po kayong lahat!Ibig naming ibahagi sa inyo ang idinaos na anibersaryo ng Iglesia ng Diyos dito sa Dubai noong October 10, 2008 sa Phil. Embassy. Ang tema ay "Mapasaatin ang kaisipan ni Kisto"Eph 2:5. Mayroong 40 kaluluwang dumalo at 14 sa kanila ang lumapit sa Panginoon.



Salamat sa Panginoon dahil sa Kanyang tulong at biyaya ay naging matagumpay ang aming serbisyo sa Embassy. idinaos din namin ang aming "Breaking of the Bread at Feet Washing" sa panambahan sa Sharjah. Kami'y nagagalak na lubos sa tagumpay ng aming anibersaryo. Kami'y nahamon at lalong napalapit sa Panginoon at sa mga kapatid. Pinupuri namin ang Diyos sa Kanyang dakilang pag-ibig. Nagpapasalamat din kami sa panalangin at pagmamalasakit ng mga kapatid diyan sa Pilipinas. Nawa'y patuloy tayong magdalanginan na higit na lumago ang gawain ng Panginoon sa lugar ng Pilipinas at sa ibang bansa.God bless us all!



Ang inyong kapatid kay Kristo,


Brother Arthur Logan


No comments: