17TH YEAR ANNIVERSARY OF THE CHURCH OF GOD AT SAN RAFAEL, BULACAN
Ang ika-17 taong anibersaryo ng Iglesia ng Dios sa San Rafael ay naganap noong Enero 28, 2007. Masiglang naghahanda ang mga kapatiran sa lugar na ito ng dumating ang mga kapatid na mula sa Sta. Maria at Norzagaray, Bulacan. Kasunod nila ay ang mga kapatid na mula sa Paniqui, Tarlac na sina Bro. Jet, Sis. Mryna Asuncion, Bro. Manet, Bro. Sergio Santos at Sis. Nora Bandola. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga taga Quezon City, Signal Village, Taguig City at Bicutan, Taguig. Mababakas ang kagalakan sa mukha ng mga kapatid habang nagbabatian ng banal na halik ang bawat isa. Nang maibigay na ng pagkakataon sa mensahero na si Bro. Jet ay nagbigay din siya ng maikling pagbabalik tanaw sa kanyang pag-gawa sa lugar na ito. Siya ang ginamit ng Panginoon sa mga unang taon sa pasimula ng gawain dito. Marami ang tumanggap pero marami din ang tumalikod. Ngunit salamat sa Dios na may naiwang tapat na nagpatuloy sa paglilingkod sa Dios sa lugar na ito. Kung kayat may paisa-isang naidagdag at muling nagbunga ang pagpapapagal ng mga tapat na lingkod Niya.
Ang Mensahe ng Panginoon ay "The Beauty of the Chruch of God can be seen in the Evening Time". Mula sa talata sa aklat ng Ezekiel 34;10-12 at Apoc.14:1-5. Ang kagandahan ng Iglesia ay makikita sa madilim na panahon na ito. Na kung saan laganap ang sekta ng mga relihiyon. Ngunit sa gitna ng kadiliman ay magliliwanag ang kagandahan ng tunay na Iglesia. Makikita ang kagandahan ng pagkakaisa, kagandahan ng kaligtasan. Walang kabilang sa Iglesia na hindi ligtas dahil ang kaligtasan ang paraan upang mapabilang sa Iglesia. Makikita din ang kagandahan ng kalinisan at pagsunod. Ang mga anak ng Dios ay malinis ang pamumuhay at masunurin sa kaloooban ng Dios. Ang kagandahan ng kabanalan at pagibig ay makikita sa Iglesia sa huling araw. Ang kabanalan at pag-iibigan ang namamayani sa ating kalagitnaan . Walang ingitan at pagaaway sa ating kalagitnaan. Ang lubusang napabanal lamang ang makakarating sa Langit. Ito ang binigyang diin sa kanyang mensahe.


No comments:
Post a Comment