Tuesday, January 30, 2007

FUTURE SITE OF OUR CHAPEL (BAGUIO CITY)

Ang Iglesia sa Baguio City ay malilipat sa Lubas Proper La Trinidad, Benguet. Nahipo ang puso ni Bro Melton Ladiocan na ipagkaloob ang kanyang manang lupa mula sa kanyang ama upang mapagpatayuan ng panambahan sa lugar na ito. Ito ay may sukat na 165 sq. meters. May nakatayo ng building ngunit di pa tapos ito. Kaya ipanalangin natin na magkaloob ang Dios ng magugol sa pagpapagawa ng kapilya dito.



God willing dito gaganapin ang pinaplanong Christian Youth Convention sa darating na Abril sa taong ito. Ipanalangin natin ang planong ito na matupad sa tulong ninyo lalong lalo na ng Panginoon.

1 comment:

CHURCH OF GOD said...

Salamat po sa Panginoon na magkakaroon din ng katuparan ang vision ko noon patungkol sa spiritual gathering o retreat ng kabataan na katulad nito. Pinlano po namin ito (w/ Ate Judith) noong November last year pero hindi natuloy dahil sa unavailability of most of the CYF members in Metro Manila. I trust that the Lord will make this happen now para maging active na muli ang mga kabataang Cristiano hindi lang sa Metro Manila kundi pati sa buong Pilipinas. Salamat sa Dios sa pagdinig niya sa mga panalangin.

Sis. Jane Anne
Metro Manila