Showing posts with label PRAYER REQUEST. Show all posts
Showing posts with label PRAYER REQUEST. Show all posts

Friday, December 08, 2006

MGA KAPATID SA TAIWAN

Idalangin natin mga kapatid sa Taiwan na magpatuloy sila sa Panginoon. May nagagnap na mga Bible Study sa mga Filipino sa bansang yan. Nasa larawan sila Bro. Joseph Pagar, Sis. Jennifer Eugenio at Sis. Armela Palasigue na umuwi dito sa Pilipinas. Idalangin din natin si Bro. Jessie Dacoco nasa Taiwan din. Nawa gamitin silang malinis na kasangkapan sa pagpapalagana ng ebangelio sa bansang yan.

Thursday, November 09, 2006

ANG NALALAPIT NA CHURCH ANNIVERSARY NG QUEZON CITY

Idalangin natin ang anibersaryo ng Iglesia ng Dios sa Quezon City na gaganapin sa Nov. 19, 2006. Nawa maging matagumpay ang gawain nayan. Ang Dios nawa ang magligtas ng mga kaluluwa at magpatibay sa mga kapatiran diyan sa lugar na yan. Idalangin natin ang kanilang pastor na si Bro. Boyet Faustino na lalo siyang gamitin na malinis na kasangkapan sa pangangaral ng Kanyang Ebangelyo.

ANG DIYOS AY NAGPAPAGALING

Purihin at pasalamatan natin ang Dios sa pagpapagaling niya kay Bro. Charlie Caburian. Siya ay pinagaling sa UTI noong Nov. 3, 2006. Dahil sa pagtitiwala niya sa Panginoon, ayaw niyang uminom ng gamot at magpa Doktor. Kaya pinapirma siya ng waiver ng mga pinuno ng Juvenile sa Muntilupa. Kung sakaling may mangyari sa kanya wala silang pananagutan. Ngunit ang Dios ay gumawa ng himala pagkatapos ng limang araw siya ay lubusang pinagaling ng Panginoon. Ito'y isang malaking hamon sa atin na magtiwala sa kapangyarihan ng Dios. Dakila ang kanyang katapatan sa kanyang mga anak. Purihin ang Dios.
Idalangin natin ang magkapatid na ito na bago mag convention mabigyan sila ng parol. Pag may susuporta sa kanila at mangangalaga sa kanila maaring sa lalong madaling panahon ay mapapalaya sila bago matapos ang taong ito. Sa araw na ito nakausap ko ang parol section sa La Trinidad, Benguet na kung may papatnubay sa kanila at susuporta sa kanilang pangangailangan sila ay bibigyan na sila ng parol. Kaya idalangin natin ang magkapatid na ito na ang Dios ang tutugon sa kanilang pangangailangan. Nawa humipo siya ng mga taong tutulong sa kanila. Nakita ko ang katapatan ng magkapatid na ito. Alam ko ang Dios di sila pababayaan. Idalangin natin sila mga kapatid.

Sunday, September 03, 2006

PRAYER REQUEST of Adrian Bagayan (Former student of Bro. Jet)

Sir, Kumusta dito ako sa SANYO nagtratrabaho. Sir prayer request ko po na ingatan ng Diyos ang aking nanay sa Italy, at patuloy nyo po akong idalangin na lumago sa pananampalataya,at magamit ng Panginoon sa ikalalago ng kanyang iglesia. Sir gandang gabi & God bless.

Tuesday, August 29, 2006

ANG NALALAPIT NA ANIBERSARYO NG IGLESIA NG DIOS SA AURORA

Idalangin natin ang pagdiriwang ng pagkatatag ng Iglesia ng Dios sa Dipaculao, Aurora sa Sept. 10, 2006. Nawa makapag balik-loob ang mga nag back slide sa lugar na yan. Idalangin natin ang tagumpay ng gawaing ito ng Panginoon. Idalangin natin ang mga gumagawa dyan na sina, Bro. Elmer at kanyang asawa si Sis. Myla.

Tuesday, August 22, 2006

PRAYER REQUESTS

Idalangin natin ang mga kapatiran natin na nasa ibang bansa na nakatira at nagtratrabaho na doon. Nawa ingatan sila ng Panginoon sa kanilang buhay. Dalangin natin na makapanatili at magtagumpay sila sa kanilang buhay espiritual.

  • Ang mga kapatiran sa Amerika ay sila Bro. Lucindo "Dong" Canlas at ang kanyang pamilya na nasa Suisun City, California, Bro. Bernie Novilla at ang kanyang Pamilya na nasa Hawthorne, California, Sis. Maryfe Esteban Campos & family na nasa San Jose, California, Sis Melit Dela Cruz nasa Oregon State. Idalangin natin na pakapagbalik-loob si Anita Neri Agustin na nasa San Jose, California.
  • Sa Canada ay ang pamilya ni Bro. Ding at Sis Bel Del Leon
  • Sa Dubai ay ang pamilya ni Bro. Arthur Logan at mga kapatiran doon.
  • Sa Taiwan ay sila Bro Jessie Dacoco at ang kanyang asawa na si Sis. Cristy, Bro. Joseph Pagar, Sis. Armela Palasigue, Jennifer Eugenio
  • Sa Hong-kong ay sila Sis Lyn Mangoma, Sis Minerva Mangoma at Analyn Garcia
  • Sa Singapore ay si Nanay Dora Baniza na asawa ni Tatay Rodrigo ng km. 4, La trinidad, Benguet.
  • Sa Italy ay Pamilya ni Bro. Eddie Santos

Kung mayron kayong mga prayer request mag email lang po kayo sa jet_batalla@yahoo.com. God bless you.

Sunday, August 13, 2006

BICUTAN CHURCH OF GOD ANNIVERSARY

"Idalangin natin ang pagdiriwang ng pagkatatag ng Iglesia ng Dios Sa Bicutan, Taguig, Metro, Manila sa araw na ito, Aug. 13. Nawa pagpalain ng Dios ang gawaing ito sa pangunguna ni Bro. Arthtur Marzan. Idalangin natin ang tagumpay ng gawain. Nawa mag-ligtas Siya ng mga kaluluwa sa araw na ito."