Showing posts with label Mga Patotoo. Show all posts
Showing posts with label Mga Patotoo. Show all posts

Friday, September 28, 2007

MY TESTIMONY - Bro. Eddie A.Santos


I was born in a big family , two elder sisters and four brothers me being the youngest. My Father Tatang Tacs(Anastacio) as they call him was a good provider for he was able to sent us all six (6) in college and had all finished our bachelors degree. My Mother as they call her Nanay Paz is just a plain housewife and a housekeeper and I never saw her went to other houses and just mind her own business do all the caring for us and cooking and father do the budgeting. As a young boy I grew up in a Methodist church and was active then for I even join in their literary presentation during Christmas time but when I reached the age of a teenager I stopped entering their church instead went to the Catholic church for most of my friends were Catholics. My Family was never active in any church or denomination for my father and my mother never did I saw them enter in any of these sects or denominations but my grandfather the father of my mother who was a school teacher is a Methodist church member. So we were not obliged by our parents to go to any of these churches. During my young age I got sick so terribly that I was in delirium the ceiling of my room looks so vast and by that time I saw mother in her knees praying and in the morning I was well and I know God heard the prayer of my dear mother. My parents also accepted the Lord later in their years.

Starting with my experience with the Lord , after I graduated in college and had passed the board exam for civil engineers. I was full of ambition in life I went to the city of Manila in search for a job and I got one, while waiting then to be assigned to Bicol province on a big industrial project unfortunately I resigned for the reason that I was being hunted by someone that I had done wrong and I went back to Paniqui and it was then that brother Rey saw me and invited me but was so hesitant and always say to him some other time but he always drop by our house on his way to lacayanga to a night service in the house of Pastor Luzong’s son Garding. It started that way and then to a Sunday service to Pastor’s Luzong’s house where I was move by the Holy Spirit and I found myself in the altar seeking and asking forgiveness to the Lord I believed I was forgiven and was added unto the Church of God. All my ambitions in life to be a successful engineer totally changed and I found myself with bro. Jet, Bro. Arnold(bokwa),Bro. Ging, Sister Mercy (Sergio’s wife), Sis. Myrna luzong studying theology and homiletics in the tailoring shop of Pastor Luzong where he was our teacher. We have bible services every night and we were doing visitation on every houses with the leadership of Pastor Luzong. We were trained to stand in the pulpit and apply what we learned in homiletics. Until I met Sis. Nimpa sister of Bro. Ging who was then having her vacation she had just finished Nursing and waiting for the result of her board exam. I was captivated by her charm and we got married the first marriage officiated by Pastor Luzong in his ministry in the Church of God.

Things run so fast that we found ourselves with three children to support give their material needs and send to school. They were reared in the church of God and had also accepted the Lord as their personal Savior and we were so proud for that. I hope they continue to live like a church of God should be. Eva rose is now in her fourth year in college taking medical technology and Nehemiah Ed is now in his second year in engineering and Gracie Anne is with us here in Italy and now in her second year in high school, Gracie is so talented that she always got excellent grades. I hope that someday we will be back again to our beloved country and again together with brethren in the Church of God.


In Christ love,
Bro. Eddie

Tuesday, November 21, 2006

ANG AKING PATOTOO - Bro. Leonardo Fidelino

Ito ang tunay kong karanansan na nangyari noong di ko pa nakikilala ang Diyos. Marami akong mga bisyo tulad ng sugal, pambabae, pag-inom ng alak. Lahat ng mga ito ay lagi kong ginagawa sa araw-araw dahil ang akala ko tama ang lahat ng mga ito kaya ko ginagawa.

Hanggang isang araw binigyan ako ng Dios ng isang pagsubok na hindi ko malilimutan. Isang gabi nangyari ang isang sakuna sa buhay ko na tandang tanda ko pa ang lahat. Ako ay naka taga ng isang tao. Hanggang sa ako ay makulong sa Boac Provincial Jail sa probinsiya ng Mariduque. Mula noon ay naranasan ko ang hirap at kalungkutan. Hanggang sa madala ako sa sampaguita sa Bilibid National Prison sa Muntinlupa. Doon ko nakilala ang mga iba't ibang relihiyon.

Isang araw ng sabado nakinig ako sa pagaaral ng salita ng Dios sa pangunguna ni Bro. Lino Dela Cruz at iba pa niyang kasama. Mula noon para bang nabuksan ang aking isipan at tumanim sa aking puso ang mga narinig kong salita ng Dios. Unti unti akong nagbago kaya nagpapasalamat ako sa Dios at kay Bro. Lino sampu ng kanyang kasamahan dahil sa kanila natagpuan ko at nakilala ang ating tagapagligtas na Panginoong Jesu-cristo. Ngayon ay ganap ng nabago ang buhay ko. Natagpuan ko na ang katahimikan at kapayapaan sa aking buhay. Salamat sa Dios na ang aking pamilya ay nakasama samng kong muli at ngayon masaya kaming lahat na nagpupuri sa Dios. Sa ngayon ang aking pamilya ay nananabik na laging makinig sa salita ng Dios. Purihin ang Panginoon.



(Si Bro. Nardo ay taga Bagacay Buenavista, Marinduque)

Monday, November 20, 2006

ANG PATOTOO NI SIS. JANE ANNE

Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, mga magulang at mga kaibigan, ibig kong ipatotoo sa inyo ang dakilang pag-ibig na ipinakita ng Panginoon sa akin. Nawa ay maging pagpapala ito sa lahat ng makakabasa lalo na sa mga kabataan at makita nating lahat na totoong may Dios na nagmamahal sa kabila ng ating paglimot.

Ibig kong ipakilala ang aking sarili sa inyo, ako si Sis. Jane Anne Dela Cruz-Barrido, mula sa kongregasyon sa Quezon City at nag-iisang anak ni Sis. Dada Valdivia. Ako ngayon ay may asawa na at isang anak na lalaki.

Tinanggap ko ang Panginoon sa aking buhay sa murang edad. Sa aking kabataan ay nasumpungan ko ang tunay na liwanag na nagmumula sa Dios. Binigyan Niya ako ng katalinuhan upang maintindihan ko ang Kanyang mga salita. Naranasan ko ang kapayapaan sa piling ng ating Panginoon. Isa itong karanasan na hindi natin kayang gawin sa ating mga sarili lamang. Dahilan sa maaga kong pagkakilala sa Panginoon kung kaya hindi ako katulad ng mga kabataan na nalulong sa masamang bisyo, happenings, nightlife, etc… Ako noon ay larawan ng isang tunay na Cristiano, may mahabang buhok, mahabang damit, walang alahas sa katawan at walang kolorete sa mukha, mga bagay na dahilan upang ako ay maging kapansin-pansin. Kapansin-pansin hindi sa paraang hahangaan ako ng iba kundi upang punahin at usisain ang aking panlabas na anyo. Ang mga bagay na ito’y hindi naging madali para sa akin sapagkat nasa gitna ako ng maraming pumupuna. Nag-aral ako sa eskwelahan na marami ang mayayaman at magagaling pumorma. Sadyang kapansin-pansin ang katulad kong kakaiba ang gayak at mahinhin kumilos. Kung tawagin nila ako ay “Juana” na ginawang makaluma ang aking pangalan. Ang lahat ng ito’y tiniis ko para sa Panginoon. Alam kong hindi ako nag-iisa na nakaranas ng mga ganitong pagpuna, maaaring mayroon ding mga kabataang nahulog dahilan sa pressure ng sanlibutan. Sa mundo na puno ng taong tumitingin sa panlabas na anyo at hindi sa puso, mahirap kumilos ang mga may mahinang pananampalataya sa gitna nila. Subalit hindi ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit tumalikod ako sa Panginoon. Tulad ng ibang kabataan ay nakaranas ako ng eros love sa isang hindi mananampalataya. Dito ako sinubok sa aking pananampalataya at gumawa ang diablo kaya ako nahulog at bumalik sa kasalanan. Sabi nga sa Biblia, huwag tayong makipamatok sa mga hindi mananampalataya. Sa halip na makaakay ako ng mga kaluluwa papunta sa Panginoon, ako ang nahila pabalik sa kasalanan. Dahil dito ay maraming tao akong nasaktan, kabilang na ang aking ina. Unti-unting hinanap ng aking puso ang gawain ng sanlibutan. Pinaputulan ko ang aking buhok at nagsuot ako ng damit na hindi kalugod-lugod sa Panginoon. Nakapagsalita rin ako ng mga salitang hindi nararapat. Nawili ang aking puso sa mga paghanga at papuri ng maraming tao, kinainggitan at inidolo ako ng mga kabataang tulad ko. Tumaas ang tingin ko sa sarili ko, nakalimutan ko ang mabuhay na may Dios. Punong-puno ng galit ang aking puso sa mga taong nakasakit ng aking damdamin. Nakikita ko ang kamalian ng iba at ito ay naiipon sa aking puso. Hindi na ako nagdarasal at umasa na lang ako sa aking sariling kakayahan. Natagpuan ko ang aking sarili na malayong-malayo na sa Panginoon. Matagal na panahon akong nawalay sa Kanya at ang kapayapaang dati ay nasa aking puso ay nawala sa akin. Hinanap ko ito sa aking sariling pamamaraan subalit hindi ko ito natagpuan. Nanatili ang bigat sa aking puso. Nagkaroon ako ng kakaibang takot sa aking isipan at ang takot na ito ay umaalingawngaw sa aking pag-iisa. Takot akong dumating ang Panginoon sa mga oras na wala ako sa Kanya. Takot akong mamatay dahil tiyak na sa impiyerno ang punta ko. Mas mabigat ang magiging parusa ko dahil minsan ay nakakilala na ako subalit muling tumalikod. Sa tuwing kumukulog nang malakas at gumuguhit ang liwanag sa kalangitan ay labis ang aking pangamba, baka iyon na ang hudyat ng pagwawakas ng mundo at wala na akong panahon para magsisi. May mga gabing hindi ako makatulog dahil sa mga takot na ito. Bagaman at nalalaman kong malayo ako sa Panginoon, hindi ko agad nagawang lumapit sa Kanya dahil mas pinahalagahan ko ang mga bagay na hindi ko maisuko sa Panginoon.

Sa kabila ng pagtalikod ko sa Dios, kailanman ay hindi Niya ako pinabayaan. Ako ay maluwalhating nakatapos ng pag-aaral, nagkaroon ng mataas na posisyon sa trabaho at hindi kami nagkulang sa mga materyal na bagay. Ninais kong makapag-asawa ng isang mabait at responsableng lalaki at iyon ang ibinigay Niya sa akin. Ginusto ko ang isang anak na lalaki, hindi siya agad na ipinagkaloob sa amin subalit ayon sa Kanyang kagandahang loob ay ibinigay din Niya ayon sa Kaniyang panahon. Nakapagpundar kami ng pansamantalang tirahan sa sanlibutang ito. Nakikita ko ang kabutihan ng Panginoon subalit wala akong ginawa na sapat upang maibalik ang pasasalamat sa Kanya.

Isang araw ng Linggo, July 2, 2006, sa pagitan ng 9:00 hanggang 10:00 ng umaga sa aming maliit na hardin na ito ay isang kamanghamanghang bagay ang nangyari sa akin. Ako ay kasalukuyan noong naggugupit ng bermuda grass nang makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. Makailang ulit akong nagpalakad-lakad papasok at palabas ng bahay. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, tila ako’y nalulungkot subalit may pagkasabik sa kung anong bagay na hindi ko nalalaman, hindi ako mapakali, balisa, may sumusumbat sa aking konsensya, pagod subalit malakas, naiinitan ngunit giniginaw. Hanggang sa muli akong naupo at ipinagpatuloy ang paggugupit ng damo. Sa ilang saglit ay tila nawala ako sa kamalayan subalit patuloy pa rin ako sa aking ginagawa. Nakita ko ang image ng Panginoon sa aking tagiliran sa gawing kaliwa kung saan ako nakaharap habang naggugupit ng damo. Nanatili akong nakatungo at hindi ako makatingin sa Kanya. Bagaman at tila wala akong malay ay gising na gising ako. Ang Kaniyang kasuotan ay puting-puti na nagliliwanag sa kaputian. Walang kahit anong bagay sa mundong ito na maihahalintulad sa kaputian ng Kaniyang damit. Ang Kaniyang mukha ay walang anyo at napakaliwanag sa Kaniyang kaluwalhatian. Siya ay hugis tao ngunit Espiritung nakalutang sa hangin at malapit Siya sa akin. Sa aking pagkakaupo ay bahagya lang na mataas ang posisyon Niya. Narinig ko ang kanyang tinig, isa itong maganda at buong-buong boses ng isang lalaki. Sinabi Niya sa akin, “Ibinigay ko sa iyo ang mga bagay na ninasa ng iyong puso, ano pa ang dahilan kung bakit hindi ka pa bumabalik sa Akin? Ano kaya kung kunin Ko ang isa sa mga mahal mo sa buhay?” Pagdaka’y nakita ko ang aking asawa na nadisgrasya sa kanyang trabaho sa barko. Sa ilang saglit ay nakita ko ang aking anak na mahina ang katawan at nababalot ng lampin ngunit lumakas hanggang sa nilagnat nang husto. Sumunod ang aking ina na nakaupo sa isang ospital at nanghihina dahil sa karamdaman. Ang huli ay ang aking lolo at lola na nagkasakit ngunit pinagaling din. Pagkatapos ng ilang sandali ay bumalik ako sa aking sarili. Nakita ko ang pangitaing ito na tila nanonood ako ng TV. Ako ay labis na natakot at hindi ko napigilan ang pag-iyak ng mga sandaling iyon. Lahat sila ay lubhang mahalaga sa akin at ayaw kong mawala ang isa man sa kanila nang wala sa panahon. Umakyat ako sa aking silid at napasubasob sa pag-iyak. Hindi lang ako umiyak kundi ako ay tumangis ng buong pagsisisi sa aking nagawang pagtalikod sa Dios. Ito ang ipinakitang paraan ng Dios upang ako ay bumalik at hindi Niya kunin ang isa sa mga mahal ko sa buhay. Umiyak ako sa Panginoon at halos mawalan ng ulirat. Pakiramdam ko ay isa akong basahan sa harapan Niya na walang silbi at hindi man lang marapat pagtuunan ng pansin. Pero sa kabila nito ay pinili ako ng Panginoon upang ipakita ang Kanyang kaluwalhatian. Pagkatapos nito ay naramdaman ko ang Kaniyang pagpapatawad at gumaan ang dati kong nabibigatang puso. Sa aking pagtayo ay nakadama ako ng pangako na hindi Niya kukunin sa ngayon ang mga taong mahalaga sa aking buhay.

Nakita ko ang Kaniyang kaluwalhatian. Ito ay totoo sapagkat sukat na nabagong muli ang aking buhay. Ang Kaniyang babala ay nagbigay ng takot sa akin sapagkat bago nangyari ang araw ng Kaniyang pagpapakita ay totoong nagkaroon ng disgrasya ang aking asawa. Bagaman at hindi ko nalalaman kung ito ay malala o hindi ay labis akong nag-alala sapagkat nasa malayo siya. Nang mga sandali ring iyon ay kasalukuyang may lagnat ang aming anak. Ang aming anak ay ipinanganak kong kulang sa buwan, siya ay walong buwan lamang. Siya ay naiwan pa sa ospital sapagkat inobserbahan pa kung kakayanin ng kaniyang katawan ang iuwi siya sa aming bahay. Siya’t napakaliit at payat na payat. Ako ay lubhang nabahala sapagkat matagal kong hinintay ang magkaroon ng anak at baka mawala rin siya sa amin. Ang aking ina naman ay matagal nang may breast cancer at diabetes. Nagkaroon na rin ng kumplikasyon sa ibang parte ng kanyang katawan. Ilang araw bago magpakita sa akin ang Panginoon ay inatake siya ng matinding sakit na dulot ng kanyang breast cancer habang nasa Samar. Naroon siya upang gumawa sa Panginoon. Ang bagay na ito ay hindi ko nalaman. Lubha akong nabagabag sa sinabi ng Panginoon na kukunin Niya ang isa sa aking mga mahal sa buhay sapagkat ilang araw na akong binabagabag ng masamang pakiramdam. Dahilan sa pagbabalik ko sa Panginoon ay isang pangako ang iniwan Niya sa akin at iyon ang aking inaasahan – hindi Niya kukunin ang aking mga mahal sa buhay nang wala sa panahon!

Maraming salamat sa ating Panginoon sa mga himalang ginawa Niya sa buhay ko. Purihin ang Dios magpakailanman!

Thursday, November 16, 2006

MGA PATOTOO NG MGA BILANGGO SA PANIQUI MUCIPAL JAIL

1. "Ako po ang inyong kapatid na si Angel Fuego Jr. ay nagpapatotoo na magmula ng mapasok ako sa kulungang ito ay nalaman ko ang aking pagkukulang sa Panginoong Dios sa pamamagitan ng kanyang taga paghatid ng kanyang Banal na Salita. Dito ko pinagsisihan ang aking mga kasalanan. Maluwag ko Siyang tinanggap sa aking puso at kaisipan. Magmula ng ginawa ko ito ay ngakaroon ng liwanag ang aking isipan at naging panatag ang aking kalooban. Naniwala ako na pinatawad Niya ako ng walang pagaalinlangan. Ito po ang aking patotoo".

(Siya ay Taga Licor, Pob. Norte, Paniqui, Tarlac)

2."Noong ako ay malaya marami akong nagawang pagkakasala sa Dios. Ngayon nangyari sa akin ito. Dito sa loob ng kulungan ko narinig ang Salita ng Dios at marami ang nagbago sa akin at alam ko na pinatawad na ako ng Paniginoon".

(
Patotoo ni Sonny Balboa ng Samput, paniqui, Tarlac)

3."Noong ako ay hindi pa nakukulong ako ay makasalanan. Sinusuway ko ang turo ng aking mga magulang na yon pala ay para sa aking kabutihan. Ngayon ako ay nakulong nagsisisi na ako sa aking mga kasalanan. Napatawad na ako ng aking Panginoon na aking na tagapagligtas sa aking buhay".

(Patotoo ni Lynol Supnet ng Ramos Subdiv. Paniqui, Tarlac)

Note: Si Bro. Rey Fabian ang masipag na nangangaral ng Salita ng Dios sa Bilangguan na yan.

Thursday, October 12, 2006

PATOTOO NI TATAY RODRIGO BANIZA

Ako po si Rodrigo Baniza, nakatira sa km. 3, Pico, La Trinidad Benguet. Ito ang aking patotoo. Noong hindi pa ako tumatanggap sa Panginoon ako ay napakasamang tao. Buti na lang at nakilala ko rin ang Panginoon at binago niya ang aking buhay.

Pumasok ako sa isang sekta ng mga Pentecostal ngunit hindi sila nagtututo ng katulad sa turo ng Iglesia ng Dios. Ayon sa kanila kahit kristiano ka na nagkakasala ka pa rin. Ngunit noong narinig ko ang itinuturo sa Iglesia ng Dios na ang isang cristiano ay di na nagkakasala. Kaya tinanggap ko ang Panginoon at inalis na ako sa kasalanan.

Alam ko na ang Iglesia ng Dios ang nagtuturo ng totoong tunay na Salita ng Dios. Ito ang nakita kong kaibahan nila sa lahat ng mga sekta ng relihiyon. Kaya kung di pa kayo tumanggap sa Panginoon, tanggapin ninyo Siya bilang sariling taga-pagligtas sa inyong buhay. Kayong mga nakikinig dito sa The Way of Truth Broadcast nawa tanggapin nyo Siya. Purihin ang Panginoon.

(Si Tatay Rodrigo Baniza ang unang bunga ng ating Radio Ministry dito sa Benguet. Pumayag siya na gumawa kami ng pansamantalang kapilya sa gilid ng kanilang bahay. Basahin ninyo ang tungkol sa isyu na Mt. Zion. Ipanalangin natin sya at ang buong sambahayan niya na nawa sila rin maligtas)

Monday, October 02, 2006

ANG AKING PATOTOO - Sis. Daisy Sevellena

Purihin po ang ating mahal na Panginoon. Ibig ko Siyang pasalamatan sa kabutihan at kadakilaan Niya sa aking buhay. Maraming salamat sa ating Panginoon na maibahagi ko rin po yong himala na ginawa ng ating Panginoon sa aking buhay, na dati rin akong isang makasalanan, ngunit nang ako'y makakilala sa ating Panginoon ay binago Niya ang aking buhay. Nagkaroon ng kabuluhan ang aking buhay sa harapan ng Dios. Ibig ko pong ipahayag sa inyo ang aking buhay noong ako ay hindi pa nakakakilala sa ating Panginoon at hindi pa nakapakinig ng kanyang Evangelio.

Ako ay ipinanganak sa bansang Malaysia, doon na rin ako lumaki, bale taga Mindanao po ako. Subalit hindi ko kapiling ang aking mga magulang. Ang lola ko ang nagalaga sa akin, kaya laki ako sa lola. Lumaki ako at nagkaisip na hindi ako nakadama ng pagmamahal ng mga magulang. Solong anak po ako. Naging rebeldeng anak ako napabarkada, sinungaling, mabisyo at umuuwi ng dis oras sa gabi. Pinag-aral ako ng lola ko ng nursing ngunit hindi ko natapos ito. Hanggang dumating yong panahon na pinalo ako ng Panginoon. Binigyan ako ng pagsubok sa buhay. Naranasan kong magmahal sa isang lalaki na hindi naman pala kami puede sa isat isa at dahil doon nabalitaan kong siya'y nagpakamatay. Sa mga oras na yon naging magulo ang isip ko. Naisipan ko din ang magpakamatay. Salamat na lang sa Dios na may malapit akong pinsan na pinayuhan ako na huwag kong gawin ang bagay na iyon. Gusto kong magpakamatay dahil halos lahat ng kamaganak ko, ako ang sinisisi sa pagkamatay niya.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na makaalis sa bahay namin at sumama ako sa isa kong tita sa pagluwas sa Myanila. Pumasok ako sa promotion at doon ko nakilala si Laila na dati ng tumanggap sa Panginoon. Marahil niloob ng Dios na mawala ang promotion at nagpasya si Sis. Laila na pumunta kami sa lugar ng Paniqui, Tarlac. Doon ko nakilala sina Bro. Jet at Sis Judith na tunay na mga naglilingkod sa ating Panginoon.

Purihin ang Panginoon sapagkat isa sila sa ginamit ng Panginoon upang magkaroon ng kabuluhan ang aking buhay. Sapagkat inilapit ko sa Dios ang aking buhay at hiningi ko sa Dios ang kapatawaran ng mga nagawa kong mga kasalanan. Sumampalataya ako sa kanya na ako'y pinatawad sa lahat ng kasalanang ginawa ko. Labis akong nagpapasalamat sa ating Dakilang Dios na binigyan nya ako ng kalakasan sa buhay kong ito upang magpatuloy. Alam ko na hanggat narito ako sa mundong ito hindi ako pababayaan ng Dios. Kaya't huwag tayong manghimagod sa paglilingkod sa Kanya. Matuto tayong magtiis sa mga pagsubok sa sanglibutan ito. Kumapit tayo at magtiwala sa Kanya dahil walang ibang makapangyarihan sa lahat kundi Siya lamang. Purihin ang Panginoon.

(Si Sis. Daisy ay ginagamit ng Panginoon ngayon sa ating Radio Ministry bilang anchorwoman ng The Way of Truth Broadcast)

Friday, August 25, 2006

PAGKALAYA SA KASALANAN AT BABILONIA-Patotoo ni Bro. Bernard Lastado

Pagbati sa inyo sa ngalan ng ating Panginoong Jesucristo! Ako po ang isang kapatid sa Panginoon, Bro. Bernard Lustado,ng Iglesia ng Dios sa Mariduque. Nagpapasalamat ako sa Dios na sa gawain Niya’y makabahagi kahit di karapatdapat sa kanyang harapan. Salamat sa Kanya na sa buhay ko’y pinatunayan ng Panginoon ang pangako Niya na kung ang isang tapat na puso’y naghahanap sa Dios ay masusumpungan Siya. Nawa’y maging hamon ang kasaysayn ng aking buhay bilang isang manananpalataya.

Taong 1975 nang ako’y isilang sa isang ordinaryong pamilya. Dalawang taon na gulang palang ako ng dapuan ng sakit na polyo. Ginawa ng aking magulang ang lahat upang ako’y maipagamot, subalit hindi niloob ng Dios na makalakad pa ng maayos. Nagkaisip ako sa kalagayang ganito at maraming beses na dumating sa buhay ko ang magkaroon ng awa (self-pity) sa sarili at may panahong tumawag pa ako kay Satanas upang makalakad dahil hindi ako kayang tulungan ng relihiyong kinamulatan ko. Kahit na may kapansanan ay nagsisikap ako na maging relihiyoso sa pagbabakasakaling matulungan sa minsa’y itinuring kong masaklap na kalagayan. Hanggang isang araw ay nakita ko ang aking sarili na kabilang na rin sa sekta ng relihiyon sa ganon ding dahilan ang ako’y makalakad.



Ang pag-anib ko sa ibang relihiyon o sekta ay para bang nagpalubag –loob sa dati kong damdamin, inakala kong ito na marahil ang tama subalit hindi pala. Nang amarinig ko ang aral ng Iglesia ng Dios nakita kong ako pala ay nasa kasalanan pa rin. Mahigit sampung taon akong inalipin ng mapanlinlang na katuruan ng sektang aking kinaaniban sapagakat hindi nila itinuturo na ang tao ay maaring maalis sa kasalanan at maka-pamuhay na hindi nagkakasala. Inakala ko noon na tunay na akong anak ng Dios, hindi pa pala. Dahil kahit na ako’y umaawit at tumutugtog ng papuri sa Dios at nangangaral ng salita ng Dios, patuloy pa rin akong nakakagawa ng kasalanan na ilan ay hayag at marami ay lihim. Kahabaghabag ang kalagayan ko sa harapan ng Panginoon dahil lahat ay walang kabuluhan ang aking mga ginagawa para sa Panginoon dahil sa maling pananampalataya.



Salamat sa Dios sapagakat Siya ang gumawa ng paraan upang ako at ang asawa at mga anak ay makalaya sa pandaraya ng Diablo. Salamat sa Dios sapagakat hinahanap Niya ang mga kaluluwang tunay na umiibig sa Kaniya. Salamat sapagkat napatunayan ko na ang Dios ay makapangyarihan, kaya Niyang magbago ng buhay ng tao, kaya Niyang alisin ang kasalanan sa puso ng tao at kaya ng Dios na tulungan ang sinumang nagsisisi na namuhay na hindi na nagkakasala sa kasalukuyang sanglibutang ito. Isang kahangahangang aral itong aking nasumpungan, isang purong ebangelyo na hindi itinuturo at hindi ipinamumuhay ng kahit aling sekta ng relihiyon, ang mamuhay ako ng may kabanalan sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito. Nawa’y maranasan din ng iba ang dakilang karanasang ito, ang kaligtasan at kabanalan ng buhay.



Sa ngayon ay 30 taong gulang na ako at wala nang nararamdamang awa sa sarili sapagkat sa langit na bayan ng mga banal ay wala ng kapighatian, wala ng kahirapan, sakit, pagluha at kapansanan. Wala ng negatibo doon. Salamat sa Dios ang aking sambahayan ay kasama ko ngayong naglilingkod sa Dios sa kabila ng aking kapansanan. Tunay na kapayapaan at kapanatagan ang dulot ng kaligtasan. Salamat sa mga kapatid na ginamit ng Dios upang marinig ko ang aral ng Iglesia ng Dios, sina Bro. Lino Dela Cruz at Bro. Nelson Plata matatapat na lingkod ng Dios sa Marinduque. PURIHIN ANG DIOS!

Tuesday, August 15, 2006

ANG PATOTOO NI PASTOR VICTORIANO T. LUZONG

"Isang dakilang bagay na maranasan ko ang kaligtasan mula sa kasalanan. Mayroon ng 45 taon ngayon ng ipagkaloob sa akin ng mapagmahal na Dios ang biyayang ito. Sa tulong Niya hindi ko na bibitiwan ang kaligatsan na ito anomang mangyari. Ang pagibig Niya ay walang kapantay at hindi malirip ng pagiisip. Naniniwala ako na ang aking pagka-ligtas ay dahil sa "banal na katalagahan" (divine providence). Ito ikinagalak kung ipatotoo:

"Nang ako'y magbibinata na, nagkaroon ako ng sakit na ikamamatay. ang panahon na yaon ay bago nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at ng bansang Hapon dito sa Pacifico. Ang naging karamdaman ko ay desinterya. Sinabi ng doctor na tumingin sa akin ay wala na raw akong pag-asang gumaling at mamamatay na raw ako. Kaya't hindi na niya ako binigyan ng gamot at umuwi na siya. Ngunit sa susunod na araw ay gumaling ako. Isang himala ang pagpapagaling na ginawa ng Panginoon sa akin, na pinagtaka ng aking mga magulang. Yaon ang unang maka-Dios napagpapagaling(divine healing) na ginawa sa akin ng Dios. Nangyari ito na walang panalangin o pananampalataya man. Ang Dios ang nagpagaling sa akin!"

"Nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa, nakisama ako sa mga gerilya upang bumangon laban sa kanila. Nang mapalaya na ang bansa mula sa mga Hapones, itinayo muli ang pamahalaang komonwelt. Hindi kinilala ito at ng pamahalaan ng Amerika ang aming gerilya "outfit" na "HUKBALAHAP", sa halip inusig pa kami, kaysa ganting-palaan. Isa na ako sa mga na "wanted". Humanap ako ng kanlungan sa Lungsod ng Baguio at duon ko natagpuan ang Panginoong Jesucristo bilang sariling Tagapagligtas, ng taon 1949. Dahil sa aking walang hanggang pasasalamat sa Kaniyang kahabagan, ipinagkaloob ko ang aking sarili upang paglingkuran Siya sa Kaniyang kaharian sa pagkakaroon ng bahagi sa pangangaral ng katotohanan at ng ebangelio sa ating bayan, at saan man lugar ako isugo. Salamat din sa pagtawag Niya ng maraming mga kabataan sa paglilingkod sa kaniyang Iglesia. Mayroong isang putong ng buhay ang naghihintay para sa mga matatapat."

"Nagiisip ako ng iba't-ibang paraan kung paano ko Siya mapaglingkuran at makatulong sa pananampalataya ng mga banal. Ito siguro ang ibinigay ng Dios na maging misyon ko sa buhay." AMEN

(Kuha ito sa isyu ng ANG DAAN NG KATOTOHANAN, Abril, 1994)