IKA-9 NA ANIBERSARYO NG IGLESIA NG DIOS SA SIGNAL VILLAGE, TAGUIG CITY- Ulat ni Bro. Christian Layante
Ang gawain ng Panginoon ay pinasimulan sa pagpapaawit ni Sis. Lanie Layante para sa Morning Devotion at katulad ng mga sama-samang gawain ngmga kapatid sa iba’t-ibang kongregasyon ay napagpala na ang mga kapatid sa mga awit pa lamang. Sinundan ito ng panimulang panalangin ni Bro. Frank Palencia na tunay na naninindigan para sa ikatatagumpay ng gawain kaya naman ang Iglesya sa Signal ay patuloy na nagtatagumpay sa tulong na rin ng Panginoon.
Ang Sunday School ay pinangunahan naman ng isa rin sa mga magulang sa Iglesya na si Bro. Lino dela Cruz. Ang topic ng pag-aaral ay "Sons of God." Salamat sa Panginoon na marami ang napagpala. Muling nanariwa sa isipan ng bawat isa kung ano ba ang uri ng pamumuhay na dapat makita sa isang nagsasabing Anak ng Diyos. Sa mga nakakalimot, ito’y malinaw na pagpapaalala at magsilbi nawang kalakasan sa mga nanghihina.
Muling napuno ng awit ng mga Kristiyano ang panambahan sa pangunguna ng isa ring magulang na si Sis. Zeny dela Cruz, maybahay ni Bro. Lino dela Cruz. Purihin ang Panginoon! May mga magulang na patuloy na naninindigan sa Iglesya.
Si Bro. Jose Layante ang tumayong deacon. Isang magulang na bunga rin ng gawain sa Saudi Arabia at ginamit ng Panginoon upang kami na mga anak niya ay makakilala rin at tumanggap sa Kanya. Sinundan ito ng panalangin ng isa ring kapatid na si Bro. Bonifacio Jordan na atin pang idalangin na lalo pang pagpalaing ispiritwal ng Panginoon at magkaroon ng matibay na pananalig sa Kanya. Sa pagtatapos ng gawain, si Bro. Boni ay lumapit para sa pagpapasalamat at paghiling ng panibagong kalakasang ispiritwal sa panginoon. Salamat sa Panginoon!
Ang kongregasyon ng Quezon City at Sta. Maria, Bulacan ay naghandog ng tanging awit. Ang kanilang pag-awit ay laging inaabangan ng mga kapatid sa bawat pagtitipon. Nakakahamon ang kanilang kasiglahan sa paglilingkod!
Nagpahayag ng kanilang pagbati at pasasalamat si Sis. Meldy na matagumpay na ginagamit ng Panginoon sa Sta. Maria, Bulacan, si Bro. Manny Romasanta na magulang sa lugar ng San Pablo, si Sis. Nancy na maybahay ni Bro. Nelson ng Marinduque, Sis. Wilma Batalla ng Baguio City at si Bro. Eddie Rodil na lingkod ng Panginoon sa lugar ng Metro Manila.
Si Sis. Sarah Rose Marzan, isang kabataan na bunga nga mga magulang na tapat na naglilingkod ay naghandog ng tanging awit. Marami nawang kabataan ang patuloy na mahamon sa kanya. Ganundin sa mga magulang, mahamon nawa na ang kanilang mga anak ay matagumpay na maakay sa paglilingkod.
Bilang panghuli, si Bro. Jet Batalla ang ginamit ng Panginoon upang magpahayag ng Kanyang mensahe sa kalagitnaan ng Mananampalataya. Ang pamagat ng kanyang mensahe sa araw na iyon ay "Ang Daan na naging Makapangyarihan ang Diyos." Purihin ang Panginoon! Ang lahat ng mga dumalo mula sa mga kongregasyon ng Bicutan, Quezon City, San Pablo, Batangas, Bulacan, Binangonan, Tarlac at maging ang mag bisita ay pinagpala ng Panginoon. Marami ang lumapit. May lumapit para sa kapatawaran, at may mga lumapit para sa pagpapanumbalik ng kalakasang ispiritwal. Ganundin para sa lubusang pagpapakabanal.
Purihin ang Panginoon! Hindi Siya nagkukulang sa atin. Salamat na mayroon Siyang tapat na mga lingcod at salamat sa tagumpay ng bawat gawain!
Amen! Patuloy po tayong magdalanginan sa isa’t isa.
No comments:
Post a Comment