18th Anniversary Church of God San Rafael, Bulacan - By Sis. Marilou Dela Cruz
18th
San. Rafael, Bulacan
Papuri at pasasalamat sa Dios sa taong lumipas at sa panibagong taon na muling kahaharapin natin ngayon. Parang kailan lang Jan. 2007 palang, 17th year pa lang ang gawain ng Dios dito na nagpasimula noong taong 1990. Ngayon ito na muli Jan 2008 at18th year na ang Gawain ditto. Napakadakila ang pagibig ng Dios di talaga kayang lubusang maipaliwanag. Salamat sa pagtatagumpay sa tulong niya.
Bago pa dumating ang takdang araw ng pagdiriwang Enero 20 ay naghahanda na ang mga kapatid dahil isang maliit na lugar lamang ang kapilya dito gumawa sila ng dagdag na silungan na kung tawagin ay damara. Bagaman kapos sa materyal na maaring gugulin ngunit tunay na totoo ang mga pangako ng Dios na di tayo iiwan ni pababayaan man. Sa tamang panahon sa takdang oras naroon ang tulong at tugon Niya.
Enero 19 ng gabi dumating na si Bro. Jet na mula sa
Sa takdang oras, ika-walo ng umaga nagpasimula na ang gawain sa pangunguna ni Sis. Marita. Nag-awitan ng mga himno at sinundan ng Lingguhang Pag-aaral sa pangunguna ni Bro. Jun Resureccion ng Sta. Maria, Bulacan. Ang paksa ng pagaaral ay tungkol sa Pagibig na Halimbawa ni Joseph sa lumang Tipan. Nagkaroon ng talakayan, paliwanagan at mga kuro-kuro patungkol sa pag-iibigang magkakapatid.
Nagtapos ang pag-aaral bago ika-10 ng umaga. Napaka-gandang pagmasdan at pakinggan na sama-samang nag-aawitan ang mga mag-kakapatid sa Panginoon sa gitna ng bukid sa ilalim ng tolda o damarang ginawa ng mga kapatid. Matahimik ang paligid, maririnig ang mga awitan ng mga ibon at pagaspas ng hangin sa mga punong kahoy. Malayo sa usok at ingay ng mga sasakyan. Kay sarap makinig ng Salita ng Panginoon.
Nagpasimula ang sebisyong pagsamba matapos ang pananalangin sa mga nagdaos ng mga may kaarawan. Sa pangunguna ni Sis. Malou nagpatuloy ang pagaawitan ng mga himno. Ang tema sa pagdaraos ng Gawain ay mula sa aklat ng mga Awit 27: “Wait on the Lord with strength and faithfulness “. Nagbigay ng mga pagbati at tanging awit ang mga kapatid na mula sa ibat-ibang lugar. Tulad ng mga kapatid na mula sa Bicutan,
Sa ika-11 ng umaga oras ng pagbabahagi ng Salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Bro. Jet. Ang paksa ng kanyang mensahe ay “ Full Salvation, What it Make Us”, I Pedro 5:10. Sa oras ng panawagan sa altar ay may mga ilang kaluluwa ang lumapit sa Dios upang magsisi at maghandog ng kanilang sarili. Ginanap ding ang Banal na Pagpapagaling kaya ganap na ika 12;30 ng tanghali natapos ang serbisyo. Purihin ang Dios muling pinagpala ang gawain dito. Isa sa mga lumapit sa altar ay ang Nanay ni Sis. Malou sya ang taga panguna dito. Salamat sa Dios at mga kapatid na patuloy ang pagibig at pagsuporta sa gawain ng Dios sa lugar na ito.
Sa Dios ang papuri at kaluwalhatiaan! Amen!
No comments:
Post a Comment