Monday, October 09, 2006
Noong Oct. 1, 2006 lumipat ang Iglesia ng Dios sa La Trinidad sa kanilang bagong panambahan sa JA #221, Km. 3, Pico, La Trinidad, Benguet. Tinawag namin itong Mt. Zion sapagkat nasa itaas ito ng burol Dito nakatira si Tatay Rodrigo Baniza ang unang bunga ng Radio Ministry. Pumayag siya na dito na kami manambahan. Gumawa kami ng pansamantalang panambahan sa gilid ng kanilang bahay. Tolda ang ginawa naming bubong at sako ang inilagay naming dingding. Masaya kaming sumamba sa araw na 'yon sapagkat nakapagbalik loob si Sis. Ayesa Vega at muling lumapit si Tatay Rodrigo. Ako (Bro. Jet) ang naging Sunday School Teacher at naging preacher. Si Sis. Wilma(white dress) ang naging deaconess. Nagbigay naman ng tanging awit si Sis. Lovelyn Hogat. Inaanyaahan namin kayong dumalo tuwing Linggo sa oras na 9:30 hanggang 11:30 ng umaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment