Monday, November 20, 2006
Ang ika-14 na taong anibersaryo ng Iglesia ng Dios sa Quezon City ay naganap noon Nov. 19, 2006. Ito ay dinaluhan ng iba't ibang Igelsia lokal na malapit sa Metro Manila. Ang Iglesia ng Dios mula sa Sta Maria, San Rafael, Norzagaray probinsiya ng Bulacan. Nakarating din ang mga taga Batangas at taga Rizal Province. May kinatawan din ang mga taga Dagupan, Tarlac, Benguet, Marinduque, Samar at Nueva Ecija.
Si Bro. Boyet Faustino, pastor ng Quezon City ang nag Sunday School. Ang pamagat ng pinag aralan ay "Sowing Beside All Waters". Nahamon ang mga magaaral na mag patotoo ng personal sa mga kaluluwa.
Si Bro. Eddie Rodil ministro ng Mariduque Congregation ang nanguna sa Sunday Worship. Nagbigay ng ulat sa gawain sa Bulacan si Sis. Meldy Santiago pastor ng Sta. Maria, Bulacan at isang tanging awit. Nagulat din si Bro. Luis Gamboa pastor ng Ibaan, Batagangas ukol sa gawain doon. Nagbigay din ng tanging awit ang Quezon City Congregation.
Si Bro. Jet Batalla ng Baguio City ang nagbigay ng mensahe na may pamagat na "Kayo ang Gusali ng Dios". Hango ito sa I Cor. 3:9. Ipinangaral niya na ang Templo ng Dios noon ay isang gusali na itinayo ni Haring Solomon. Ito ay literal na gusali na doon nanahan ang Dios. Ngunit sa ating kapanahunan ang templo ng Dios ay hindi na isang gusali na tayo ng tao kundi isang espiritaul na gusali yon ay ang mga tao na naligtas sa kasalanan. Sabi nga ng Bibliya na tayo ang Templo ng Dios. Sapagkat ang Dios ay hindi na titira sa gusali na gawa ng tao. Ang Iglesia ng Dios ay siyang templo ng Dios ngayon. Noon si Solomon ang nagtayo ngayon ang Panginoon Jesus ang nagtayo ng kanyang Iglesia. Lahat ng kasama dito ay naligtas sa kasalanan (Acts 2:47). Purihin ang Dios sa mensahe na ito sapagkat kami ay napagpala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment