Thursday, December 28, 2006

PHILIPPINE CHURCH OF GOD CONVENTION 2006

December 28, 2006

Morning Devotion- 6:00-7:00 A.M.

Nanguna si Sis. Julie Yangco sa pag-awit ng Devotional hymns. Si Sis. Dada Valdivia ang nanguna sa panalangin.

Si Bro. Rey Fabian ng Paniqui, Tarlac ang nagbigay ng Devotional na mensahe. Ang kanyang teksto ay ang Phil. 1:21. Ang pamagat ng kanyang mensahe ay "Living For Jesus". Kanyang binigyang diin na ang isang tao ay kailangang isabuhay si Kristo. Pag isinabuhay natin si Cristo lahat ng hihingin natin ay kanyang ipagkakaloob. Si Cristo ang maging halimbawa natin sa ating buhay dito sa sanglibutang ito.

Christian Festival - 8:00-10:00 A.M.

Nahati sa apat na grupo ang mga delegado. Ang unang grupo ay LOVE pinangunahan ni Bro. Greg Escullar ng Candoni, Negros Occidental. Ang pangalawang grupo ay HOPE sa pamumuno ni Bro. Bernie Neri ng Kalilangan, Bukidnon. Ang pangatlo ay ang JOY sa pangunguna ni Bro. Bernard Lustado ng Marinduque. At ang pang-apat ay FAITH sa pangunguna ni Sis. Meldy Santiago.

Nagkaroon ng Bible Drill, Bible Hunt at Bible Character na ang Grupo ng LOVE ang nanguna sa mga ito.

MORNING WORSHIP - 10:00-11:45

Si Sis. Julie Yangco ang nanguna sa pag awit ng mga Himno. Si Ed Corraton ang nanguna sa panalangin. Nagbigay ng tanging awit si Sarah Marzan ng Bicutan. "My Precious Jesus" ang pamagat ng kaniyang inawit.

Si Uncle Ollen Craig ang nagbigay ng mensahe na may Pamagat na "Spiritual check up". Sinabi niya sa kanyang mensahe na kailangan suriin natin ang ating sariling buhay espiritual. Mayron pa ba tayong gana sa espiritual na bagay? Nagbabasa pa ba tayo ng Salita ng Dios? Nanalangin pa ba tayo? Nagpapatotoo pa ba tayo.? Kailangan ingatan natin ang ating kaligtasan.

AFTERNOON WORSHIP - 2:00-3:00 P.M.

Si Bro. Rudy Delos Reyes ang nagbigay ng mensahe na may pamagat na "Christ our Example". Ang kanyang teksto ay I Pedro 2:21. Ang Panginoon ay mapagkumbaba kaya kailangan din tayong ganon sa Kanya. Maging halimbawa din natin Siya sa pagtitiis, kabanalan, pagakakaisa at pag-ibig.

EVANGELISTIC SERVICE - 7:00-9:30 P.M.

Si Sis. Rose Marzan ang nanguna sa pag-awit ng mga himno at si Sis. Judith Batalla ang nanalangin. Nanalangin din si Bro. Eddie Rodil. Nagbigay ng tanging awit si Sis. Amor Omongos na may pamagat na "I Know What Jesus Did For Mw". Umawit din ang Christian Mothers ng Paniqui, Tarlac sa pangunguna ni Sis. Julie Yangco.

Nagbigay ng mensahe si Bro. Greg Tyler ng USA. Ang topic niya ay "We Have an Altar". May altar ang bawat kristiano sa kanyang buhay. Dito natin kinatatagpo ang Dios. Dito natin nagaalay at naghahandog sa ating buhay. Dito tayo nanalangin, nagapapasalamat. Sa altar dito tayo nagkakasundo para sa pagkakaisa.

No comments: