Ang ika-11 Anibersaryo ng
Iglesia ng Dios sa Sta. Maria, Bulacan ay ginanap noong December 3, 2006. Dinaluhan ito ng maraming mga kapatid mula sa ibat ibang Iglesia Lokal sa Manila, Quezon City, Rizal, Batangas, Tarlac, San Rafael at Norzagaray Bulacan, at maging sa Baguio City. Ang tema ng kanilang anibersaryo ay
“ Living the Truth of the Gospel”
Masiglang pinasimulan ni Sis. Tita Pantino ang devotional singing at sinundan ito ng panalangin sa pangunguna ni Bro. Jet Batalla. Isang pasasalamat sa dakilang Dios na buhay na Syang nagtayo ng Kanyang Iglesia Lokal sa lugar na ito. Si Bro. jet ang ginamit ng Panginoon upang maipanagaral ang tunay na ebanghelio dito kung saan may mga tupa ang Panginoon na naghahanap ng tunay na pastulan. Buhat sa gitnang silangan, sa bansang Bahrain ay naligtas si Sis. Meldy Santiago sa pamamagitan ng pagbabahagi ni Bro. Ed Luzong sa kanya ng Salita ng Dios. Siya ay ngpasyang umuwi ng Pilipinas noong 1995 at dito ay nagpasimulang magkaroon ng regular na pananambahan ng Iglesia ng Dios sa tulong ni Bro. Jet na pumupunta tuwing Linggo mula sa paniqui Tarlac at sa pinuhunanang mga panalangin ng mga kapatid kay Cristo. Purihin ang Panginoon sa Kanyang Dakilang Pagibig!
Si Bro Jun Resurreccion, ang nagturo ng Sunday School sa Topic ng “Hearing the Voice Of God” kung saan ay binigyan ng pansin ang kahalagahan na makilala ang tinig ng Dios kung Syay nangungusap. Ang Panginoon kung minsan any nagsasalita sa pamamagitan ng tinig ng Kanyang mga ministro kung sila ay nangangaral na wari bagang ang Dios ang nagsasalita, kung minsan naman ay sa mahimalang pagkakataon na direkatang maririrnig ang Kanyang tinig sa isang pangitain o vision katulad ng naging karanasan ni sis. Jane Anne ng Quezon city. Si Sis. Judith ang nangauna sa opening prayer at si sis. Armela Palasigue naman sa closing parayer. Sa unang bahagi pa lamang ng serbisyo; sa mga awitan at pag-aaral ay nadarama na ang pagpapala ng Dios sa kalagitnaan ng mga anak ng Dios na Banal.
Pinangunahan ni Sis. Meldy Santiago ang worship service. Ang espiritu ng pananambahan ay damang-dama samantalang ang awit ng pagsamba ay inaawit ng may buong paggalang at kagalakan. Tunay na walang ibang dapat tumanggap ng karangalan at kaluwalhatian kundi ang Panginoon sa Kanyang katapatan. Ang mga pastor ng bawat kongregasyon ay bumati at nagbigay ng words of encouragement sa mga kapatid. Umawit si Sis. Sarah Marzan, isang kabataan mula sa Bicutan kongregasyon, napagpala ang bawat isa sa patotoo niya bago sya umawit na may pamagat na” I know what Jesus did for me”. Ang mga kapatid mula sa Batangas ay umawit gayundin ang mga kapatid sa Signal. Nagbigay din ng maikling patotoo si Sis. Wilma Batalla mula sa Baguio City. Umawit ang mga Christian mothers “Stepping in the steps of Jesus” at ang isang solo mula sa kabataan sa kongregasyon ng Sta. maria. na si Sis. Anne Garcia, anak ni Bro. Vher Garcia na naligtas sa Saudi Arabia. Nagbigay ng pagpapala ang inawit nyang “I know who Holds Tomorrow”. Si sis. Judith Batalla mula sa Paniqui, Tarlac ay bumati at nagpatalastas tungkol sa nalalapit na Convention sa December 28- January 1. Taun-taon, ksunod ng Anibersaryo ng Iglesia sa Sta. Maria ay ang pagkakatipon ng mga Cristiano mula sa ibat ibang lugar ng bansang Pilipinas na ginaganap sa Mother Church sa Paniqui Tarlac.
Ang mensahe ng Panginoon na ipinangaral ni Bro. Jet Batalla ay may pamagat na “ The Church of God: The Pillar and the Ground of Truth” mula sa 1 Timoteo 3:15. Hinamon ang bawat mga kabilang sa Iglesia ng Dios na patuloy na ipamuhay at ipaglaban ang katotohanan na tunay na pinapanagaral at isinasabuhay lamang sa Iglesia ng Dios. Ang Iglesia ng Dios ay hindi pinapasukan kundi hinihimok ang mga hindi pa tumanggap sa Panginoon na tugunin ang pagtawag ng Dios sa kanila na magsisi sa kasalanan upang ibilang sila ng Panginoon sa Kanyang Iglesia at hindi pinapapasok upang maligtas. Sa tunay na iglesia lamang ng Dios pinapanagaral ang Kaligtasan sa kasalanan, na ang tao ay pwedeng mabuhay na di na gumagawa ng kasalanan; Ang Pagpapakabanal kung saan dinadalisay ang puso ng isang Cristiano upang maging krapat-dapat sa paglilingkod sa Kanya; Ang Modesty na kung ang tao ay tunay na tumanggap sa Panginoon at nais na sundin ang lahat ng kalooban at nakalulugod sa Kanya ay mamumuhay na may kahinhinan; Ang dalawang lugar lamang na pupuntahan ng tao pagkatapos ng buhay dito sa lupa, kung hindi sa langit ay sa impyerno. Ang mga namuhay sa kalooban ng Dios ay sa langit at ang namuhay sa kasalanan ay sa kaparusahan sa impyerno. Salamat sa Panginoon sa katotohanang hatid ng mensahe ng Panginoon. Nahamon ang bawat mga Cristiano na maging matapat sa katotohanang kanila nang natagpuan. Tinaposa ng serbisyo sa pamamagitan ng masiglang awit ng “Pagdiriwang ng Iglesia”. Salamat sa pagkalaya sa dakilang Babilaonia na walang iba kundi ang Sekta ng relihiyon. Ang mga kabilang sa Iglesia ng Dios ay malaya na sa Sekta! Sinundan ng masayang kainan at sharing/ fellowship ng mga kapatid at ang paghihiwalay ay tila kay hirap para sa bawat isa. Salamat sa matamisa na pakikisama ng bawat isa.
Kagalakan na makasama ang mga banal ng Dios mula sa ibat ibang kongregasyon maging ang mga kapatid sa Sta. Maria kongregasyon na matagal na di nakasama dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Sina sis. Roda, Sis. Christy Dacoco, Sis. Armela Palasigue at Bro. Frisco Pantino. Sa lahat ng mga matapat na dumadalangin sa pagtatagumpay ng gawain ng Dios dito sa Sta. Maria at sa mga matiyagang nagpagal, nakibahagi sa paggawa upang tumagal ng 11 taon ang Iglesia sa Sta. Maria at sa mga hangga ngayon ay patuloy na gumagawa at nakikipagtulungan sa pinakadakilang gawaing binigay ng Panginoon sa Kanyang mga pinili. Inspirasyon ang bawat isa upang patuloy na magalak sa paglilingkod. Higit sa lahat sa Pag ibig ng Dios Ama, Sa biyaya ng Panginoong Jesus at Sa kaaliwang dulot ng Banal na Espiritu. Sa Kanya ang papuri at kaluwalhatian magpakailanman!
(Si Sis. Meldy Santiago, pastor ng Sta. Maria, Bulacan ang nag report nito. See more pictures at http://cogphoto.blogspot .com)
No comments:
Post a Comment