Tuesday, August 21, 2007

ANG BUHAY KO NOON, ANG BUHAY KO NGAYON By Sis. Dada Valdivia

Musmos pa lang ako ay naimulat na
Mayroon daw Dios ang sabi ni Ina
Dapat dumalangi't luluhod sa Kanya
Siya ang tutulong lalo't may problema.

Sa harap ng altar ay nag-oorasyon
Sama-sama kami pagsapit ng hapon
Mayro'n pang rebulto na tinitingnan ko
Upang marinig Niya ang mga daing ko.

Anong tagal naman ng pananalangin
Naiinip ako at halos antukin
Paano ba naman may dasal pang Latin
Di ko naman alam ang ibig sabihin.

Mabilis lumipas ang maraming taon
Nalugmok sa sala't di na makaahon
Kahit dumalangin lalong nababaon
Sa dusa't hilahil sa'n man pumaro'n.

Hanggang isang araw may nag-abot ng kamay
Panginoon Jesus na handang dumamay
Inalis sa hukay ng pagkakasala
Nang ako'y magsisi't manampalataya.

Labis ang papuri at pasasalamat
Sa Panginoong Jesus na Tagapagligtas
Di man nararapat ako'y naging anak
Na nahahandang maglingkod ng tapat.

Akala ko noon ang salitang banal
Ay nakaraan na't sa Biblia lamang
Subalit ng ito'y maging karanasan
Totoo nga pala ang buhay na banal.

No comments: