Thursday, September 14, 2006

ANG PANTUBOS

Isa sa mga dakilang doktrina at katotohanan sa Biblia ay ang doktrina ng "Pantubos". Minsan lamang matatagpuan ang salitang "Pantubos" sa bagong tipan. Ito ay nasa aklat ng mga taga Roma 5:11. Ano ang kahulugan ng salitang "Pantubos"? Ito ay ang pampalubag loob na inihandog sa banal na katarungan sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo para sa mga kasalanan ng sanglibutan. Sa bisa nito, lahat ng mga tunay na nagsisi at sumampalataya kay Cristo ay personal na pinagkaisa sa Dios, pinalaya sa kabayaran ng kaniyang sala, at naging tagpagmana ng buhay na walang hanggan".

Ang buhay, dugo, pagdurusa at kamatayan ni Cristo na inihandog ay upang tugunin ang banal na katarungan ng Dios na hindi maaaring gawin ng tao sapagkat pagbabayaran niya ito sa walang hanggang kaparusahan sa impierno. Ito ang pantubos ni Cristo na ginawa. Dahil sa kasalanan na ginawa ng tao, naipagbili niya ang kaniyang sarili sa kasalanan. Dahil dito, Siya'y naging alipin ng kasalanan (Juan 8:34).

No comments: