Wednesday, September 06, 2006

ULAT SA NAGANAP NA SEMINAR SA LA TRINIDAD, BENGUET - Sis. Sylvia Colas

Purihin ang Dios, sapagakat isa ako sa mga nakasama sa pag-aaral ng doktrina ng Iglesia ng Dios na naganap sa unang pagkakataon sa La Trinidad, Benguet. Punong-puno ng pagpapala ang pag-aaral na ito sapagkat maliban sa malapit na kalooban ng bawat nagsisipag-aral at sa mga liwanag na nahayag ay kumilos din ang Espiritu Santo sa mga mensahe na aming narinig. Nagagalak ako na iulat ng detalyado ang dalawang linggong seminar na dinaluhan ng mahigit na tatlumpong (30) mga kapatid mula sa iba’t-ibang kongregasyon ng Central Luzon, Metro Manila, Rizal at Samar.
  • April 16, 2006 (Sunday) – Umalis kami mula sa Paniqui, Tarlac hapon ng Linggo at nakarating kami sa La Trinidad ng 9:00 P.M. Salamat sa Dios sa mapayapang paglalakbay . Dito nakasama namin sina Bro. Frank Palencia, pastor ng Signal Village, Taguig MM, Kasama nya si Bro. Christian Layante, Sis Jenny Facunla ng Binangonan, Rizal, at si Bro. Philip ng Ramos, Tarlac.

  • April 17, 2006 (Monday) – Ito ang unang araw ng seminar. Pinasimulan ito sa pamamagitan ng panalangin. Naghandog ng tanging awit si Bro. Frank. Nagkaroon din ng orientation. Sa araw na ito dumating din ang mga kapatid na mula sa Dagupan City congregation na sina Bro. Cesar Claudio at Bartolome De Guzman at gayon din sina Sis. Rebecca Faustino, Sis Amanda Valdivia ng Quezon City at Sis. Grace Potot ng Samar Province. Ang mga taga pagturo ay sina Bro. Jet Batalla Jr na nagturo ng Homilitics at Theology, Si Bro. Antonio Domrique ang nagturo ng Government of the Church at History of the Church, at si Bro. Manuelito Yangco naman sa Perferct Love at Personal Evangelism. Tatlo ang subject sa umaga at tatlo sa hapon. Kinagabihan, nagbigay ng mensahe si Bro. Jet Batalla sa Radio Broadcast ng The Way of Truth. Si Bro. Cesar Claudio naman ang nagbigay ng patotoo.

  • April 18, 2006 (Tuesday) - Dumating si Sis. Tess Vega ng Pasig City. May morning devotion awar-araw na ginaganap ng 5:00 AM. Pormal na nagumpisa ang pag-aaral. At sa gabi ay ang radio broadcast sa Baguio City at at Si Bro. Antonio Domrique ang nagbigay ng mensahe tungkol sa Iglesia. Nagbigay naman ng patotoo si Bro. Christian Layante.

  • April 19, 2006 (Wednesday) – Nagpatuloy ang seminar. Dumating si Sis. Ana Luisa ng Nipaco, Paniqui, Tarlac. Kinagabihan si Bro. Manny Yangco ang ngabigay ng mensahe sa The Way of Truth Broadcast sa radio at ako ang nagbigay ng patotoo. Si Sis. Emilou Callao ang nag anchorwoman.

  • April 20, 2006 (Thursday) – Nagkaroon ng morning devotion. Si Sis. Jenny Facunla ang nanguna sa devotional singing. Ako ang nagbigay ng exhortation at ang aking teksto ay mula sa Heb. 2:1-3. Ang radio broadcast ay pinangunahan ni Bro. Frank Palencia.
  • April 21, 2006 (Friday) – Nagpatuloy ang pag-aaral. Salamat sa Dios sa kanyang pangunguna sa mga tagapagturo upang maging maliwanag ang kanilang itinuturo sa amin. Nagkaroon din ng pag-aaral sa sign language na pinangunahan ni Sis. Lovelyn ng La Trinindad. Sa radio broadcast si Sis. Dada Valdivia ang nangaral sa Practical Christian Living. Si Sis. Grace Potot ang nagbigay ng patotoo at si Sis. Rebecca Faustino ang nag anchorwoman.
  • April 22, 2006 (Saturday) – Bumisita ang mga mag-aaral sa mga bilanggo ng District Jail ng La Trinidad, Benguet. Sa hapon naman ang aming grupo ay bumisita din sa mga bilanggo sa Provincial Jail. Si Bro. Jet Batalla ang nangaral tungkol sa kaligtasan. May tatlong kilometro din ang layo ng panambahan sa Provincial Jail.

  • April 24, 2006 (Monday) – Dumating sina Sis. Amanda Santiago, pastor ng Sta Maria, Bulacan kasama nya si Sis. Jennifer Eugenio. Nagpatuloy ang pag-aaral sa Salita ng Panginoon. Sa pagsasahimpapawid ng The Way of Truth sa radio ay nangaral si Sis. Meldy Santiago sa paksang “Worldliness”. Naging anchorwoman si Sis. Jennifer Eugenio at si Sis. Anne Garcia ang nagpatotoo.

  • April 25, 2006 (Tuesday) – Nagkaroon ng practicum sa pangangaral ang mga seminarnian sa morning devotion, umaga at hapon. Sa radio broadcast naman si Sis. Rose Marzan ang nangaral sa mensaheng “The Bride of Christ”.

  • April 26, 2006 (Wednesday) – Muli naming inumpisahan ang pag-aaral sa pamamagitan ng morning devotion. Tunay na napakasarap dumalanginat makipagusap sa Dios. Isang dakilang karapatan para sa mga Kristiano. Nagpatuloy ang pag-aaral sa anim na subject at salamat sa Dios sa mga liwanag na kaniyang ipinagkaloob. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga seminarians na umakyat sa isang bundok na malapit sa panambahan at mula sa itaas ng bundok na aming inakyat ay ang marami pang mga bundok na matataas at maliliit. Ito ay nagpapakita ng makapangyariang kamay ng Dios sa kanyang pag-lalang. Nagpatuloy ang talakayan sa pag-aaral sa mga doktrina ng Iglesia ng Dios at sa hapon ay lumabas ang mga seminarians para mag personal work ito ay requirement sa amin sa subject na Personal Evangelism. Sa gabi ay nangaral si Bro. Frank Palencia sa radio. Naging anchorwoman si Sis. Jenny Facunla.

  • April 27, 2006 (Thursday) – Si Bro. Philip Obena ang nagbigay ng mensahe para sa aming morning devotion. Ito ang huling araw ng aming seminar. Salamat sa Dios sa mga pagpapalang espiritual na aming tinanggap sa seminar na ito. Nangaral si Sis. Jennefer Eugenio sa radio. Sa loob ng dalawang linggo ng seminar ay walang nasayang na sandali sapagkat gunugol ito para sa Panginoon mula umaga hanggang gabi.
  • April 28, 2006 (Friday) – Ito ang pinakamasaya subalit malungkot na araw sa aming pag-aaral. Ang araw ng aming pagtatapos. Masaya, sapagkat kami ay magtatapos na at maraming natutuhan na aral patungkol sa Iglesia ng Dios. Malungkot sapagkat kami ay mag-hihiwalay-hiwalay na. Ganun paman kailangan na kami ay bumalik at umuwi sa aming mga kongregasyon kinabibilangan upang gumawa para sa Panginoon at tumulong sa Gawain. Sa aming pagtatapos ay nagbigay ng mensahe si Sis. Judith Batalla at hinamon ang mga mag-aaral upang maglingkod sa Panginoon.

(Si Sis. Sylvia ay Sunday School Teacher ng Iglesia ng Dios sa Dimawit, Dipaculao, Aurora)

No comments: