Monday, April 30, 2007

DUBAI 13TH ANNIVERSARY

Dear Brother Jet,

Holy greetings in Jesus Name!


Ipinagdiwang namin ang ika-13 taong anibersaryo ng Iglesia ng Diyos noong Biyernes, April 20, 2007 dito sa Phil. Overseas Labor Office (OWWA) Dubai. Ang theme ay "Justification brings peace with God" Rom. 5:1. Mayroong mga humugit-kumulang na 50 kaluluwang dumalo, karamihan dito ay mga takas sa kanilang mga amo. Bagamat limitado ang oras (2 oras kasama ang Friday school at Divine Worship), halos lahat ay dumulog dahil sa ibat-iba nilang pangangailangan.
Salamat sa Panginoon naging tagumpay ang gawain ng Panginoon dito. Salamat sa inyong mga panalangin. Isusunod na lang namin ang mga picture dahil medyo may problema ang computer namin

In Christ service,

Brother Art and brethren

Monday, April 23, 2007

1ST CHRISTIAN YOUTH CAMP MEETING (April 4-8, 2007)



For more pictures open this link; http://picasaweb.google.com/jetbat

Wednesday, March 21, 2007

CALVARY'S TREE

Are you weak and heavy laden
Are you cumbered down with care
Does the weight upon your shoulders
Seem like more than you can bear?
Do you struggle with life's burdens
As you travel on life's road
Do you tend to bend and buckle
Under such a heavy load?

My friend, just think of Jesus
How He suffered and He died
For our sins and our transgressions
He was whipped and crucified.
Imagine how He stood the pain
It cut right to the bone
The anguish that He must have felt
Up there, so all alone.
Each strap that lashed across His back
Brought pain beyond belief
While soldiers laughed and scorned Him
How He prayed for some relief.
A crown of thorns was laid to rest
Upon His weary head
While angry crowds cried crucify
He suffered and He bled.

My friend, just think of Jesus
He was such a wretched sight
They bound Him to a rugged cross
He died without a fight.
The nails were driven through His hands
He moaned in agony
Yet, He would do it all again
He'd give His life for me.

So my friend, just think of Jesus
When you grumble and complain
You'll see Him there on Calvary
The place where He was slain.
That lowly figure on the cross
Will slowly come to life
You'll see the anguish in His eyes
The torment and the strife
You'll see the sweat upon His brow
The burdens that He bore
All the things that bring you pain
Won't matter anymore.

Wednesday, February 28, 2007

IKA-9 NA ANIBERSARYO NG IGLESIA NG DIOS SA SIGNAL VILLAGE, TAGUIG CITY- Ulat ni Bro. Christian Layante

Pagbati sa mga kapatid sa Panginoon ang aming ipinaaabot mula sa Kongregasyon ng Signal Village at pasasalamat sa lahat ng mga dumadalangin. Ang katatapos lamang na ika-9 na anibersaryo ng Signal Congregation na ginanap noong Feb. 4 ay tagumpay at salamat sa Panginoon na alam nating lahat na ang tagumpay ng bawat Gawain ay bunga rin ng taimtim na pananalangin ng mga kapatid sa iba’t ibang dako na tunay na nagmamahal sa Panginoon.

Ang gawain ng Panginoon ay pinasimulan sa pagpapaawit ni Sis. Lanie Layante para sa Morning Devotion at katulad ng mga sama-samang gawain ngmga kapatid sa iba’t-ibang kongregasyon ay napagpala na ang mga kapatid sa mga awit pa lamang. Sinundan ito ng panimulang panalangin ni Bro. Frank Palencia na tunay na naninindigan para sa ikatatagumpay ng gawain kaya naman ang Iglesya sa Signal ay patuloy na nagtatagumpay sa tulong na rin ng Panginoon.

Ang Sunday School ay pinangunahan naman ng isa rin sa mga magulang sa Iglesya na si Bro. Lino dela Cruz. Ang topic ng pag-aaral ay "Sons of God." Salamat sa Panginoon na marami ang napagpala. Muling nanariwa sa isipan ng bawat isa kung ano ba ang uri ng pamumuhay na dapat makita sa isang nagsasabing Anak ng Diyos. Sa mga nakakalimot, ito’y malinaw na pagpapaalala at magsilbi nawang kalakasan sa mga nanghihina.

Muling napuno ng awit ng mga Kristiyano ang panambahan sa pangunguna ng isa ring magulang na si Sis. Zeny dela Cruz, maybahay ni Bro. Lino dela Cruz. Purihin ang Panginoon! May mga magulang na patuloy na naninindigan sa Iglesya.

Si Bro. Jose Layante ang tumayong deacon. Isang magulang na bunga rin ng gawain sa Saudi Arabia at ginamit ng Panginoon upang kami na mga anak niya ay makakilala rin at tumanggap sa Kanya. Sinundan ito ng panalangin ng isa ring kapatid na si Bro. Bonifacio Jordan na atin pang idalangin na lalo pang pagpalaing ispiritwal ng Panginoon at magkaroon ng matibay na pananalig sa Kanya. Sa pagtatapos ng gawain, si Bro. Boni ay lumapit para sa pagpapasalamat at paghiling ng panibagong kalakasang ispiritwal sa panginoon. Salamat sa Panginoon!

Ang kongregasyon ng Quezon City at Sta. Maria, Bulacan ay naghandog ng tanging awit. Ang kanilang pag-awit ay laging inaabangan ng mga kapatid sa bawat pagtitipon. Nakakahamon ang kanilang kasiglahan sa paglilingkod!

Nagpahayag ng kanilang pagbati at pasasalamat si Sis. Meldy na matagumpay na ginagamit ng Panginoon sa Sta. Maria, Bulacan, si Bro. Manny Romasanta na magulang sa lugar ng San Pablo, si Sis. Nancy na maybahay ni Bro. Nelson ng Marinduque, Sis. Wilma Batalla ng Baguio City at si Bro. Eddie Rodil na lingkod ng Panginoon sa lugar ng Metro Manila.

Si Sis. Sarah Rose Marzan, isang kabataan na bunga nga mga magulang na tapat na naglilingkod ay naghandog ng tanging awit. Marami nawang kabataan ang patuloy na mahamon sa kanya. Ganundin sa mga magulang, mahamon nawa na ang kanilang mga anak ay matagumpay na maakay sa paglilingkod.

Bilang panghuli, si Bro. Jet Batalla ang ginamit ng Panginoon upang magpahayag ng Kanyang mensahe sa kalagitnaan ng Mananampalataya. Ang pamagat ng kanyang mensahe sa araw na iyon ay "Ang Daan na naging Makapangyarihan ang Diyos." Purihin ang Panginoon! Ang lahat ng mga dumalo mula sa mga kongregasyon ng Bicutan, Quezon City, San Pablo, Batangas, Bulacan, Binangonan, Tarlac at maging ang mag bisita ay pinagpala ng Panginoon. Marami ang lumapit. May lumapit para sa kapatawaran, at may mga lumapit para sa pagpapanumbalik ng kalakasang ispiritwal. Ganundin para sa lubusang pagpapakabanal.

Purihin ang Panginoon! Hindi Siya nagkukulang sa atin. Salamat na mayroon Siyang tapat na mga lingcod at salamat sa tagumpay ng bawat gawain!
Amen! Patuloy po tayong magdalanginan sa isa’t isa.

Wednesday, February 14, 2007

PRACTICAL THOUGHTS ON PREACHING - J. GRANT ANDERSON

INTRODUCTION

FIFTEEN YEARS of active service in the ministry of the Church of God has not failed to teach me some valuable lessons, a few of which I submit for your consideration, especially to those who areyounger in point of service than myself. God has chosenus to fill the highest calling in life. There is no other career that can compare with the ministry in the rich and satisfying relations into which it brings a man with his fellowmen, in the deep insight it gives into humannature, and also the chance of improving our own Christian character. The study of God’s love, of His workmanship and in nature, leads us into ever widening channels. Its delights never grow old; its interests never wane; its stimulus is never exhausted. Some of the following suggestions have been learned from sad experience, some from kindly admonitions, some from failures, some from successes, and some from hard study. I shall try to pass on to you those that have been especially beneficial to me.

WHAT PREACHING REALLY IS he scriptural idea of preaching is the communication of truth to mankind by men. To effective scriptural preaching there are two essential elements; namely, truth and personality.
CHARACTER OF AN EFFICIENT PREACHER
A successful preacher must necessarily be a successful man; for, relatively, as he lacks moral character he fails as a preacher, and the law of elimination will soon weed him out. He must be able to preach, not only a historical Christ, but also Christ as a mighty, living, moving force in the soul. The Bible states that Philip went to a certain city and preached Christ unto the people. Although a preacher might be able to compare, analyze and elucidate; to describe Christ’s holy nativity and incarnation with words of clearness and eloquence, yet if he were not in possession of the Christlife and his motives fired with a burning love for the souls of men—he were not preaching, but simply lecturing upon Christianity. Preparation for the ministry has endless ramifications, but it does not consist primarily in learning pulpit tricks, pulpit manners, how to sermonize or oratorical grace; it consists in teaching how to form Christian character, how to acquire self-control, how to correctly interpret the Scriptures. Preparation for the ministry consists in the tempering of a person’s whole nature until it becomes of such consistency and quality that is capable of transmitting to man a perfect, free and full gospel, not in words alone but in a living concrete form— as a living epistle, known and read of all men. College titles and degrees affixed or suffixed to a name have only a professional meaning, but only the ability we have to feed the Church of God will open and keep open to us the door of opportunity. Not in word only does true preaching consist; it must come through a man’s character, his affections, his whole intellectual and moral being. We often note the difference between the sermonizing of two different preachers after this manner— The gospel came over one of them to us, but it was tinged with too much of the preacher; the gospel came through the other man to us with all earnestness of his soul. The difference between real preaching and simply talking or lecturing is likely to be found in the object of the preacher. After listening to a certain man preach four or five times, we could almost write his biography, and we go away with a feeling of disappointment. We listen to another man, equally strong in personality, and we lose sight of the man, as in humility and tremendous earnestness he lifts up and exalts Christ. True preaching exhibits the soul culture of the preacher. Never, never allow the thought to come into your mind that you are preaching a great sermon, and never prepare to that end.

THE PURPOSE OF PREACHING

Never for one moment should we forget the solemn fact that we are messengers sent by the almighty God, with a message to a lost and fallen humanity who are tottering on the brink of eternal night and despair. We do not preach to show our skill or range of education, but like successful Paul we preach, “Not ourselves, but Christ crucified.” Who has not seen a man struggle to make a wonderful impression, but who notwithstanding the energy expended and the range and breadth of subject covered, face a restless and unconcerned congregation? Who has not seen such a “great discourse” followed by a talk from an awkward exhorter, who without discipline of mind, or knowledge of pulpit manners, climaxes or elocution, held the listeners spellbound; and all were sorry when he sat down? Wherein lies the difference? The former effort was a splendid treatise on the philosophy of the plan of salvation, and in an abstract way held up Christ before the people. The latter was a message of love and encouragement from our Father to the hungry souls of men. The former preached the ideal; the latter, the living Christ. The greatness of a sermon does not consist in its wide scope of relative matter covered, nor the cleverness of its delivery, but in its power to magnify Christ, to teach man his true relation to God, nature, humanity and duty. Remember then, the purpose of preaching should not be lost sight of, even for a moment, for it determines its character. It will cause one to think soberly when he considers carefully what the object of preaching really is. If the object of preaching is simply to make social conditions better, then lecture upon social science. If it is simply to save men from future punishment, lecture upon economy. If salvation is still in the future and no risk is being run in delay, then whisper softly and soothingly. But if salvation is present, now or never, if it comprehends power to break away from sin, and to live a holy life, if it is a fact that to die in sin is to be lost to God, to the pure and the blest, to all things lovable and desirable while eternal ages roll on and on, we should exert every energy, husband every resource, take advantage of every opportunity, and spend our whole time in active preaching with the burden of lost souls ever upon our hearts. Again, preparation for the ministry that does not have for its major object the bettering, enriching and widening of the moral and Christian character in the minister himself, is apt to cloud the mind as to what and of what a real sermon consists. A candidate for the ministry given only mental and ethical training judges sermons by some human standard of judgment. The good sermon is the one that accomplishes the end sought. One minister worries all the week because he cannot find a sermon that he thinks would be suitable for the following Sunday. That is an index of the lack of the rich graces of God, and shows a limited knowledge of what true preaching really consists. Asecond minister studies all week because he is expected to preach the following Sunday. He does better than thefirst because he does put forth some personal effort in gathering facts and truths, but his efforts show he does not fully understand the purpose of preaching, for he prepares because his congregation expects him to preach. A third is also engaged in study all the week; but his object is to gather truth, to interpret God’s will, and thus to enrich his own soul and enlarge his vision relative to the needs of his fellowmen. He has been storing away in his mental and moral nature a mine of wealth, of deepconsideration, of personal duty, of appreciation of God’s goodness, and this has resulted in deeper love and a broader view of life. Knowing the strong and the weak points of his flock, he does not lack for a message. He steps before them on Sunday morning in possession of a certain richness which they soon detect and which they will strive to obtain. He does not think so much of his sermon as he does of the message that is burning in his heart. His presence and words invite them—“Follow me as I have followed Christ.”

EDUCATION A VALUABLE ASSET

God can use a man if his vocabulary consists of fifty words, but He could use him in a wider sphere if he could use one hundred and fifty words. The minister who is lazy, or who has learned to sneer at “book learning,” is foredoomed to either failure or a narrow field of labor. The church is today face to face with tremendous problems—problems that must be solved—such as a well-balanced attitude relative to church government, matters of conscience, finance, doctrine and of methods of defense with increase of liberty. Increase of knowledge brings an increase of dangers. Religious imitators from without, and from within, those whose conscience will allow almost any act, need attention from men who are capable of careful analysis. To be able to successfully combat the educated religious rickster (Gift of Tongues Movement, Latter-day Saints, Spiritualists, Nazarenes, Christian Science, etc.), a minister must know some things thoroughly and be able to set them forth clearly, not only in a Christian spirit, but logically and systematically. Our greatest danger, however, is from within. On this side we shall have to combat too much liberty of conscience in matters of dress; private interpretations upon certain doctrinal points; too liberal attitude toward other religious bodies; too much self in looking for centralization of power; adding too much human machinery that we weaken our power, etc., etc. We may in a Christian spirit sputter out our remonstrances to defects and but little attention will be given, but men will take off their hats and listen to a minister who has something to say and can say it well. The function of language is to convey ideas, and the better we understand how to say what we have in mind the greater will be our usefulness. Education gives at once variety and a good standing before an audience. Every hour’s study of the Bible, science, literature, language, history and philosophy, with the thought of enriching your own soul and of broadening out your mind that you may be of greater help to others, is necessary, commendable and desirable. The mower does not consider the time occupied in sharpening his sickle lost time.

MISCELLANEOUS SUGGESTIONS

Self-consciousness is a hindrance to effective preaching and should be overcome as quickly as possible. Every added power to master ourselves is an increase in efficiency. A minister who is governed by his feelings, or who is compelled to resort to artificial helps, too often gives his hearers the impression that he is weak. The minister with an undisciplined mind, or one that is super educated, labors at a disadvantage from the beginning of his discourse. He does not know how to begin, for he isaware of the power of first impressions; his mind is watching the movement of his hands, or struggling to make use of the proper word, for a grammatical error will be noticed by a certain man in the audience who has the reputation of being a critic. We pity such a speaker, but his weakness is not inherent. It comes from a lack of knowledge of himself—knowledge that persistent study alone will bring. We may attribute his lack of personal magnetism, but that is not the secret. His weakness is in his self-consciousness. That quality we do covet, called magnetism, which seems as scarce as radium, is not altogether an inherited quality, but primarily it begins to grow the day we lose sight of our sermon, our self, our hands and feet, our grammatical constructions, our rhetoric—the day we get our eyes upon God’s love to man, man’s awful danger, and the day there kindles in our heart a keen joy and appreciation of assisting mankind out of sin’s powerful grasp and of helping them to understand the true meaning of life. Paul’s great power consisted in a broad, educated mind and sympathetic heart, constrained by the power of Christ. The law of growth demands that any faculty or quality outside of duty is capable of culture and expansion. The measure of a preacher’s greatness lies in his ability to get a timely message from God, and to deliver it to hungry souls with everything else out of sight.

SOBERNESS ABSOLUTELY ESSENTIAL TO SUCCESS

Real preaching consists in handing truths which are as long and deep as eternity to souls that have an existence coequal with God. Whoever loses sight of these solemn facts is liable to introduce trash into his pulpit utterances, and thus temporarily backslide from preaching. A reallyapostolic ministry will give out from the pulpit sound, sober, sensible, earnest discourse about God, Christ, heaven, hell, immortality and eternity. To have a reputation as a pulpit clown is to limit your field of usefulness in no small degree. You may be called clever, but you will not be sought often in times of man’s deepest sorrow and anguish of heart; for, instinctively, if for no other reason, men at such times will desire the company of a more sober-minded man. Beware of joking, because it takes the keen edge off from seriousness and tears down moral fiber. Personal humor goes along with individuality and cannot be separated from the man.

COURAGE NECESSARY

This important quality does not come by deciding to be bold, for that argues egotism. We increase in courage the same as we increase in moral force—by a steady, healthy, normal growth. The thought that we are ambassadors of God, that we are dealing in eternal elements, that we are laying a foundation as firm is the throne of God, naturally begets a humble, holy boldness and courage. If we are a slave to men’s opinions, we should seek other employment.

CONCLUSION

Carefulness upon our part that we keep spiritual, and morally clean, with a passionate desire to be better and more efficient in the work into which God has called, and with which God has trusted us, will be the surest safeguard against the numerous evils and sins with which we are surrounded. The price of success in the ministry, as in any vocation, means tireless activity, eternal trueness, and an unquenchable desire to learn more of God and our fellow beings. I close with quotations from two wise men from two distinct ages: (a) “Wisdom is the principal thing; therefore get wisdom: and with all thy getting, get understanding” (Proverbs 4:7).—Solomon the King, B.C. 1000. (b) “If any of you lack wisdom, let him ask of God, that giveth to all men liberally, and upbraideth not: and it shall be given him” (James 1:5).—Apostle James, A.D. 60.
The Way of Truth (January, 2007)
—Reprinted from August, 1975 issue

HOW WE CAN LOVE GOD?

What marvelous results that would take place in the world, if all the populations of earth would simply keep the first great commandment, to love the Lord our God with all our heart, and mind, and strength. No individual can live a real peaceful, happy, and useful life, without being regenerated, and sanctified, and loving his Creator with all his heart. Even since the gospel has been given to the world, only a small proportion of men have willing to submit perfectly to the very law which conduces their highest well. And as to the masses of mankind, sinners are increasing hundreds of times faster than saints are, and all the nations that had the gospel first, such as Turkey, Egypt, Italy, and Spain, having turned away from it, are today the lowest and meanest of all nations, proving that the idea of converting the whole world in the gospel dispensation, is not Scriptural, and only a carnal dream. But if the sons of men would from the heart, keep the first great commandment, what heavenly changes would in a few weeks pass over the face of the world. All the politics of every nation on earth, as they now exist, would entirely cease. Jails, penitentiaries, court houses, police force, armies and navies, would pass away. Thousands of occupations for greed, or ambition, or sinful pleasure, would never more be pursued. The industries of men would be simple, perfectly honest, without guile, without over taxing the workers, and filled with happy labor. The educational institutions would turn the intellect away from false philosophy into the true science of creation, and open up beautiful fields of knowledge in every direction, finding God everywhere. Even though sickness and death should remain, yet so much would be done to care for the poor, and sick, and so many prevailing prayers of faith offered up to God, that trouble and sickness of all kinds would be reduced to a minimum. Only think what immense changes would take place on earth, by the world wide keeping of only one commandment of our God. This helps us to get a larger view of who God is; when one single short commandment, has enough in it to turn this almost demonized world into a veritable paradise. If it had not been that our souls have been degraded by sin, God would never have to command us to love Him. It is sin that has necessitated the giving of a law. When we are properly enlightened, the loving of God with all the heart is the sweetest joy in all creation, and if we only have enough about who God is, and what He is to us, we would be on our knees imploring Him for the privilege of loving Him all we wanted. The reason why so few people love God, is because they do not have in them by nature the kind of love to love Him with. God can only be truly loved with His own love. We must have Divine love imparted into our hearts, by the operation of the Holy Spirit, before we can truly and scripturally love God.

Wednesday, February 07, 2007

THE CHURCH IN BAGUIO MOVED TO THIER NEW HOUSE OF WORSHIP

Muling lumipat ang mga kapatiran sa Benguet ng lugar ng panambahan noong Feb. 4, 2007. Mula sa Asin, Baguio City bumalik sila sa La Trinidad sa bahay na ipinagkaloob ni Bro. Melton. Ang address nito ay LD #72, Lubas Proper, La Trinidad, Benguet. Kung kalooban ng Dios ito na ang permamenteng sambahan ng mga Kristiano dito sa Benguet.

Wednesday, January 31, 2007

17TH YEAR ANNIVERSARY OF THE CHURCH OF GOD AT SAN RAFAEL, BULACAN

Ang ika-17 taong anibersaryo ng Iglesia ng Dios sa San Rafael ay naganap noong Enero 28, 2007. Masiglang naghahanda ang mga kapatiran sa lugar na ito ng dumating ang mga kapatid na mula sa Sta. Maria at Norzagaray, Bulacan. Kasunod nila ay ang mga kapatid na mula sa Paniqui, Tarlac na sina Bro. Jet, Sis. Mryna Asuncion, Bro. Manet, Bro. Sergio Santos at Sis. Nora Bandola. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga taga Quezon City, Signal Village, Taguig City at Bicutan, Taguig. Mababakas ang kagalakan sa mukha ng mga kapatid habang nagbabatian ng banal na halik ang bawat isa.
Nagpasimula ang gawain sa pamamagitan ng pag-awit ng mga himno sa pangunguna ni Sis. Yeyet Barro. Malugod na tinanggap ang mga kapatid sa kanilang pagdalo sa anibersaryong ito. Pinangunahan ni Bro. Jet ang panalangin at sa kanyang panalangin ay damang-dama namin ang pangunguna ng Espiritu Santo.
Nanguna si Sis. Meldy Santiago, pastor ng Sta. Maria, Bulacan sa Paaaralang Lingguhan. Ipinaliwanag niyang mabuti ang tungkol sa Iglesia na siyang Ina nating lahat. Sa tulong ng mga kapatid naipaliwanag na mabuti ito sa mga kapatiran. Na ang pangunahing tungkulin ng Iglesia ay manganak, nangangahulugan na ang kanyang Iglesia ay gagamitin ng Diyos sa ikalalapit ng mga kaluluwa upang maligtas.

Pinangunahan ni Sis. Marilou Dela Cruz isang matapat na ministro ng Iglesia ng Dios dito sa San Rafael. Bakas na bakas ang kagalakan sa kanyang mukha sa muling pagsapit ng kanilang anibersaryo. Nagbigay ng patotoo si Bro. Nestor na isang ama dito at matapat na naglingkod sa lugar na ito. Nagbigay ng mga tanging awit ang congregasyon ng Norzagaray , Signal at Sta Maria. Isinalaysay ni Sis. Marilou ang maikling kasaysayan kung paano naitatag ang Iglesia ng Dios dito. Sa kanilang maliit at preskong kapilya ay sinariwa ang labing-pitong taong katapatan ng Dios sa Kanyang gawain sa lugar na ito. Kasunod nito ang ay ang tanging awit na ibinigay ng mga bata sa kongregasyong ito.

Nang maibigay na ng pagkakataon sa mensahero na si Bro. Jet ay nagbigay din siya ng maikling pagbabalik tanaw sa kanyang pag-gawa sa lugar na ito. Siya ang ginamit ng Panginoon sa mga unang taon sa pasimula ng gawain dito. Marami ang tumanggap pero marami din ang tumalikod. Ngunit salamat sa Dios na may naiwang tapat na nagpatuloy sa paglilingkod sa Dios sa lugar na ito. Kung kayat may paisa-isang naidagdag at muling nagbunga ang pagpapapagal ng mga tapat na lingkod Niya.

Ang Mensahe ng Panginoon ay "The Beauty of the Chruch of God can be seen in the Evening Time". Mula sa talata sa aklat ng Ezekiel 34;10-12 at Apoc.14:1-5. Ang kagandahan ng Iglesia ay makikita sa madilim na panahon na ito. Na kung saan laganap ang sekta ng mga relihiyon. Ngunit sa gitna ng kadiliman ay magliliwanag ang kagandahan ng tunay na Iglesia. Makikita ang kagandahan ng pagkakaisa, kagandahan ng kaligtasan. Walang kabilang sa Iglesia na hindi ligtas dahil ang kaligtasan ang paraan upang mapabilang sa Iglesia. Makikita din ang kagandahan ng kalinisan at pagsunod. Ang mga anak ng Dios ay malinis ang pamumuhay at masunurin sa kaloooban ng Dios. Ang kagandahan ng kabanalan at pagibig ay makikita sa Iglesia sa huling araw. Ang kabanalan at pag-iibigan ang namamayani sa ating kalagitnaan . Walang ingitan at pagaaway sa ating kalagitnaan. Ang lubusang napabanal lamang ang makakarating sa Langit. Ito ang binigyang diin sa kanyang mensahe.

Sa panahon ng altar call may 31 kaluluwa ang lumapit. Anim sa mga ito ay nagsisi at ang mga iba'y inihandog ang kanilang buhay sa Panginoon. Purihin ang Panginoon sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa aming kalagitnaan. Tunay na ang Dios ay buhay.

Sis. Armela Palasigue
Nag-ulat

E-MAIL FROM SAUDI ARABIA

Dear Kuya Jet,

Pagbati sa ngalan ng Panginoong Jesus na ating tagapagligtas. Muli po akong sumulat sa inyo upang akin pong maipabot ang taus-puso kong pasasalamat sa Panginoon at sa inyong patuloy na paglilingkod sa Kanya. Salamat po sa patuloy ninyong paghatid ng mga pagpapala sa pamamagitan ng Daan ng Katotohanan. Araw-araw ko pong binubuksan ito at ako po ay napagpapala sa mga mensahe at mga larawan ng mga kapatid na aking nakikita. Tunay po na nagiging hamon sa akin ang mga kapatiran na patuloy na naglilingkod mula noon hanggang ngayon.

Marahil ay marami na ang hindi nakakikilala sa akin. Ako po ay tumanggap sa Panginoon noong 1991 sa aming bahay sa Bagcok, Paniqui sa pamamagitan nina Kuya Manny Yangco at Kuya Florencio. Marami po kaming kabataan na tumangap sa Bagcok at lagi naming nakakasama sa gawain si Ate Judith. Naging aktibo po ako noon sa paglilingkod sa Panginoon kaya nakakasama po ako sa mga revivals, mga overnight at mid-night prayer meetings at naka-attend din po ako ng mga seminar tuwing Abril. Kaya isa pong malaking hamon sa akin tuwing nakikita ko ang mga kapatiran sa larawan na patuloy na naglilingkod. Dahil mula noong ako ay tumanggap sa Panginoon ay nakikita ko na sila hanggang ngayon ay di pa rin nagbago ang kanilang init sa paglilingkod. Tunay nga na walang imposible sa Diyos kung tayo lamang ay magiging tapat sa Kanya.

Malaking pagpapala po ang naibibigay ng Daan ng Katotohanan sa akin dito dahil marami po akong nalalaman tungkol sa Salita ng Diyos at tungkol sa mga gawain diyan sa Pilipinas. Tunay nga na patuloy na lumalago ang Kanyang gawain. Salamat sa mga tunay na anak ng Diyos na patuloy na nagpapagamit upang maging pagpapala sa mga tulad kong nasa malayong lugar at sa mga taong nangangailangan ng hamon.

Nais ko rin pong ipaabot ang aking pasasalamat kina Ate Judith, Kuya Rey at Sis. Nora sa patuloy nilang paglilingkod sa lugar ng Bagcok. Salamat dahil nagpapatuloy po ang gawain sa aming tahanan. Nais ko rin pong pasalamatan ang mga kapatiran sa patuloy nilang pananalangin sa akin at sa aking sambahayan. Salamat din kuya Jet dahil naisama sa Daan ng Katotohanan ang mga kanta na aking ginawa. Kung loloobin po ng Panginoon ay magbabakasyon po ako sa March 20. Isama po ninyo sa panalangin ang nalalapit ko pong bakasyon. Hanggang sa muli ko pong liham. Pagpalain po kayo ng Dakilang Diyos na Buhay.


Nagpapasalamat at Dumadalangin,
Bro. Jaime
(OFW, Saudi Arabia)

Tuesday, January 30, 2007

FUTURE SITE OF OUR CHAPEL (BAGUIO CITY)

Ang Iglesia sa Baguio City ay malilipat sa Lubas Proper La Trinidad, Benguet. Nahipo ang puso ni Bro Melton Ladiocan na ipagkaloob ang kanyang manang lupa mula sa kanyang ama upang mapagpatayuan ng panambahan sa lugar na ito. Ito ay may sukat na 165 sq. meters. May nakatayo ng building ngunit di pa tapos ito. Kaya ipanalangin natin na magkaloob ang Dios ng magugol sa pagpapagawa ng kapilya dito.



God willing dito gaganapin ang pinaplanong Christian Youth Convention sa darating na Abril sa taong ito. Ipanalangin natin ang planong ito na matupad sa tulong ninyo lalong lalo na ng Panginoon.

THE REVIVAL OF MID-NIGHT PRAYER MEETING

Noong mga 1980's at unang taong ng 1990's ginaganap namin ang midnight prayer meeting. Sa panahong yon talagang nadadama namin ang pagkilos ng Espiritu sa aming kalagitnaan.Malapit ang aming mga kalooban. Nadadama namin ang "sweet fellowship" ng mga kapatiran. Ginaganap pa namin ang birthday celebration sa panahong yon.

Hanggang sa naging quarterly na lang ginanap ito at nawala din ang birthday celebrations. Sa puso ng bawat kapatid ninasa namin na maibalik ang bagay na ito. Aming laging naalala ang matamis na pakikisama ng Espiritu Santo at ng mga kapatid. Kaya noong Enero 26, 2007 muli naming ginanap ang gawain ito na nagpalakas at nagpatibay sa aming pananampalataya.

Ayon kay Sis. Josephine Domrique nailagay sa kanyang puso na maibalik ang gawaing ito kaya sinabi niya mga kapatiran ito at pinagkaisahan naman agad ito. (Si Sis. Josephine ay naging studyante ni Bro Jet noong High School Sa Balaoang, Paniqui, Tarlac. Tumanggap siya sa Panginoon noong siya ay Second Year High School pa lamang. Siya ngayon ay Principal na sa isan Elementary School Sa Paniqui South Dist. Napangasawa niya si Bro. Antonio Domrique na siyang pastor ng Barang, Paniqui, Tarlac na naging estudyante din Bro. Jet at isa siyang Agricultural Engineer sa isang kompanya.)

Sa pagbabalik tanaw ng mga nakaraan naalala ni Bro. Ninoy Zabala na kailangang sila ay lumangoy sa ilog sa Barangobong dahil nasira ang tulay noon upang makadalo lamang sa midnight prayer meeting. (Si Bro. Ninoy ay dati ding estudyante ni Bro. Jet. Third Year High School siya ng tumanggap sa Panginoon. Siya ngayon ay Civil Engineer na at isa na siyang contractor).

Naalala din ni Bro. Arnold Ordonio ang matamis na pakikisama ng bawat kabataan sa araw na yon Nasabi niya na hindi lang midnight noon kundi overnight pa. (Si Bro. Arnold, isa pang naging estudyante ni Bro. Jet ay isa ng Elementary Teacher sa public sa Paniqui, Tarlac. Ang kanyang kabiyak ay si Sis. Raquel Guiwa anak ni Ate Edna Guiwa). Noon naglalakad lamang ang mag kabataaan ng mga 3 hanggang 5 kilometro para lamang makadalo sa mga gawain.
Sa gabing ito nadama namin ang pag-ibig ng Dios muli namin inilapit ang aming sarili sa Panginoon. Napagpala kami sa mga patotoo at sa mensahe na ng Dios sa pamamagitan ni Bro. Jet. Ang tema ng mensahe ay "Church of God, Endeavor to keep our Unity". Upang mapanatili ang pagkakaisa kailangang kumilos tayo na iisa na tulad ng katawan. Sapagkat ang Iglesia ay naihalintulad sa isang katawan. Kailangan mabautismo ang bawat isa ng Espiritu Santo upang mapanatili ang pagkakaisa. Sapagkat inaalis nito ang karnalidad, lalo na ang pagkabaha-bahagi at pakampikampi. Ang Bautismo ng Espirtu Santo ang nagbubunga ng pagkakaisa. Upang mapanatili ang pagkakaisa kailangan magkaroon tayo ng pagpapakababa. Kung tayo ay nagkamali handa tayong humungi ng patawad. Ipinagpapauna natin ang kapurihan sa iba. Di natin sinasabi na mas magaling tayo kaysa sa iba. Upang mapanatili ang pagkakaisa kailangan tayong makipagkaisa sa mga kristiano (Psa. 133:1-3). Kailangan ingatan natin ang pagkakaisa ng Espritu at pananamalataya.Maaring tayong magka-isa sa Espiritu ngunit kung minsan tayo ay di nagkakaisa sa doktrina. Kaya kailangang magkaisa tayo sa isang pananampalataya na nasa Bibliya. Nagkakaroon ng dibisyon dahil sa pagkakaiba -iba ng katuruan. Kailangan din ng pagkakasundo ng mga namumuno sa iglesia upang mapanatili ang pagkakisa.

Pagkatapos ng mensahe kami ay nanalangin ng taos puso. Nadama namin ang Espiritu santo sa aming kalagitanaan at kami'y pinagpala ng Dios sa gabing yon. Sa susunod na buwan sa huling biernes gaganapin naming muli ang midnight prayer meeting sa Balaoang Chapel. Idalangin natin ang gawaing ito na lalong maging matagumpay. Purihin ang Dios.
(For more pictures visit http://cogphoto.blogspot.com)

Monday, January 22, 2007

HISTORY OF THE CHURCH OF GOD - Binangonan, Rizal

Sabi sa aklat ni propeta Isaias 55:11a ang ganito:

"Maging gayon ang aking salita na lumalabas sa bibig ko. Hindi babalik sa akin na walang bunga".


Ayon sa salaysay ni Tatay Ely (Facunla), ay dumating ang Salita ng Dios sa lugar ng Binangonan noong taong 1995, kung saan ay nadestino sila bilang OIC ng mga security guard upang magtanod sa isang pribadong kompanya dito. Dahilan sa pasaning inilagay ng Dios sa kaniyang puso ay isinayos niya ang lingguhang Evangelistic service sa kanilang barracks. Ang kasama niyang mga guwardiya at ilang kapitbahay ang mga nakikinig. Ayon sa kaniya, siya ang song leader, gitarista, pagpapatotoo at preacher na umabot ng dalawang taon na walang tumatanggap. Hanggang nagkaroon sila ng ugnayan ni Kuya Ninoy Zabala ng Balaoang, Paniqui, Tarlac upang mag-joined force sa gawain ng Panginoon sa lugar na ito. Tuwing araw ng Linggo ay nagkakaroon ng regular worship service na ginaganap sa inuupahan naming bahay, hindi na sa barracks. Kaming tatlong (3) magkakapatid ang nakikinig kung minsan ay mayroon din naiimbintang bisita, hanggang sa dumating na rin sa lugar na ito ang buong sambahayn ni Tatay Bert Domondon ng Balaoang Paniqui, Tarlac. Dahil dito masasabi ng isang kongregasyon na ang Binangonan. Ngunit sabi ng mga kapatiran ay isang "outreach " lang daw ang Binangonan dahil wala pang "revival" na naganap bukod doon ay wala pa daw ibang mukha na nadagdag. Kaya ang tawag sa amin noon ay "Immigrant Christians". Ang taguring ito ay nagbigay sa amin ng hamon upang lalo pang gumawa at mag-sumigasig.

Hanggang sa dumating ang Enero 12, 2002 na magkaroon ng isang (1) araw na Special Revival na dinaluhan ng mga kapatid mula sa iba't ibang kapatiran sa Metro Manila. Dumating din sina Bro. Ed Luzong at Uncle Ollen bilang panauhing magbibigay ng mensahe. Sa serbisyong ito may apat (4) na kaluluwa ang lumapit sa pagsisi subalit sila ay natanim sa batuhan at dawagan. Sa puntong ito ay naging ganap na Kongregasyon ang gawain ng Dios sa lugar na ito sa pamamagitan palit-palitang pagbibigay mensahe kapag Sunday Worship Service nila Kuya Ninoy, Tatay Bert at Tatay Ely. At talagang mayroong lumalapit sa pagsisi ngunit sumisibol kapag dakay nalalanta. At mayroon ding nagpapatuloy. Sa ganito umusad ang gawain ng Panginoon sa lugar na ito. Sa tulong ng mga kapatid na nagbigay ng Financial na tulong ay naitayo ang aming kapilya. Salamat sa Dios kay Tatay Bert na kaniyang ipinagkaloob na walang bayad ang espasyo ng pangalawang palapag ng kanilang bahay na siyang kinatitirikan ngayon ng aming kapilya.

Sa ngayon ay hinihiling namin sa lahat ng mga kapatiran na patuloy po ninyo kaming idalangin upang kaming lahat ay makapagpatuloy na taglay ang kagalakan., kasiglahan at pag-ibig sa aming mga puso na lalo pang gumawa sa ubasan ng Panginoon Hesukristo sa lugar na ito ng Binangonan, Rizal. God Bless to all.


Nagsalaysay'


Sis. Jenny Facunla




(Si Sis. Jenny ay anak ni Bro. Ely Facunla, Pastor ng Church of God, Binangonan, Rzal)

Friday, January 19, 2007

ULAT TUNGKOL SA IKA-PITONG ANIBERSARYO NG IGLESIA NG DIOS SA BAGUIO CITY - Bro. Stevenson Timango

Salamat sa Panginoon sa tagumpay ng ika-pitong taong anibersaryo ng Iglesia ng Dios sa Baguio City. Ito ay naganap noong Enero 14, 2007 sa k.m. 4, Asin Road, Baguio City.

Humigit kumulang limampung katao ang mga dumalo na kinabibilangan ng mga kapatiran galing sa Dubai, Tarlac at Pangasinan. Si Sis. Judith Batalla ang itinayo ng Panginoon bilang Sunday School teacher at si Bro. Arnold Ordonio naman ang mensahero. Naging pagpala rin sa bawat isa ang mga dumalong bisita na mga mag-aaral ni Sis. Lovelyn Hogat. Sila'y mga pipi't bingi ngunit naroon sa kanilang mga puso ang pagnanais na makaunawa sa Salita ng Dios. Sa pamamagitan ng "sign language" na isinagawa ni Sis. Lovelyn ay naunawaan nila ang mga himno, sunday school at ang mensahe na ipinarating ng Panginoon sa kanila sa pamamagitan ng kanyang mga lingkod. Salamat sa Panginoon na may kapatiran tayong katulad ni Sis. Lovelyn na may kaloob sa pagtuturo ng mga may kapansanan . Nawa'y ipanalangin natin siya na magamit siyang malinis na kasangkapan upang maabot ng tunay na ebangelyo ang mga pipi at bingi. Nawa may maligtas din na katulad nila.

Naging pagpala ang Sunday School na pinangunahan ni Sis. Judith. Ipinaliwanag niya ang paksang "Pagkakapatiran kay Kristo". May dalawang uri ng pamilya sa mundong ito; ang pamilya ng Dios at ang pamilya ng diablo. Upang ang isang makasalanan ay maging kapatiran kay kristo kailangang magsisi siya ng kanyang kasalanan at mamuhay siya ng banal. Yan ang pasimula na siya'y tawaging kristiano o kapatid kay Cristo at hindi na makasalanan. Binigyang pansin din ni Sis Judith ang katotohanang kinamumuhian ng Dios , ang pagkabaha-bahagi. Nais Niya na maipon sa iisang kawan ang Kanyang mga tupa o anak.


Pagkatapos ng Sunday School ay napadako kami sa Divine Worship. Isa sa naging bahagi nito ay ang pagpapahayag ng kasaysayan ng Iglesia ng Dios sa Lungsod ng Baguio. Ang mga nagsaysay ay sina Sis. Imee Cuadra at Sis. Raquel Ordonio. Si Sis. Raquel ang isa sa mga pioneer ng gawain sa Baguio City. Naging malaking hamon sa bawat isa ang kanyang naisaysay tungkol sa pagsisimula ng gawain dito. Ayon sa kanya, may plano ang Dios kung bakit pinahintulutan Niyang palipat-lipat ang kapilya o panambahan sa lugar na ito. Sapagkat s bawat lugar na lilipatan may mga taong maliligtas.

Sa pagpapatuloy ng gawain natunghayan namin ang patotoo ng dalawang kaluluwa na naging bunga ng Radio broadcast. Sina Bro. Melton Ladiocan at Bro. Rodrigo Baniza na pawang taga La trinidad. Si Bro. Melton ay dating Scout Ranger, nakulong sa Benguet Provincial Jail na kung saan nabasa niya ang The Way of Truth Magazine. Sa pamamagitan nito ay namulat siya sa katotohanan. Hanggang sa marinig niya ang programang The Way of truth Broadcast sa radio. mababasa ninyo ang kanyang patotoo sa http://cyfphilippines.blogspot.com. Si Bro. Rodrigo Baniza naman ay isang kaluluwang naghahanap ng katuwiran at katotohanan. Isang gabi napihit niya sa kanyang radyo ang istasyong kung saan nasasahimpapawid ang The Way of Truth Broadcast. Sa patuloy niyang pakikinig nagpasya siyang dumalo sa gawain na noo'y ginagaganap pa sa "Upper Room" sa Km 4, La trinidad. Hindi naglaon siya ay tumanggap sa Panginoon . Isang patunay na ang Dios ay gumagawa lagi ng paraan upang masumpungan ang mga tupang naliligaw.


Nang kami napadako na sa mensahe mga 11:55 na ng umaga sa pasimula pa lang ay napakaganda na ang mensahe ng Panginoon sa pamamgitan ni Bro. Arnold Ordonio, pastor ng Balaoang, Paniqui, Tarlac. Ang kanyang mensahe ay hango sa aming tema na "Without Holiness no man shall see the Lord" na nasa Heb 12:14. Pagkatapos ng mensahe, apat na kaluluwa ang lumapit sa Panginoon. isa rito si Arriane kapatid ng isang dating bilanggo na aming dinadalaw sa BenguetProvincial Jail. Purihin natin ang Dios sa tagumpay ng kanyang gawain dito.

Pagkatapos ng pananghalian kami ay nagkaisang dalawin si Danny Yap ng Camp Dangwa masugid na taga pakinig ng The Way of Truth Broadcast. Nagkaroon kami ng Bible Study sa kanilang tahanan kasama ang kanyang katiwala. Ipanalangin natin siya na maligtas at mapagaling siya sa kanyang karamdaman na di alam ng mga doctor kung ano ito. Ito ang ulat ng aming ika-pitong taong anibersaryo dito sa Baguio City. Ang biyaya at pagpapala ng Panginoon ang suma-ating lahat.

Thursday, January 11, 2007

COMMENT FROM BRO. JAIME TAGARA IN SAUDI

Dear Kuya Jet,

Una po sa lahat ay nais kong pasalamatan ang Dakilang Diyos sa patuloy Niyang pag-iingat sa bawat-isa na naglilingkod sa Kanya. Lubos pong kasiyahan ang aking nadama ng akin pong mabasa ang Daan ng Katotohanan. Kahit nandito po ako sa malayong lugar ay para na rin po akong nakadalo sa convention dahil nakita ko po ang mga larawan na kuha sa convention. Nagbigay po ito ng malaking hamon sa akin upang patuloy po akong maglingkod at lumago sa aking pananampalataya. Salamat dahil pinagkalooban po kayo ng Diyos ng talento upang maipaabot ang babasahing ito sa akin at sa iba pang mananampalataya sa buong mundo. Kayo po ay malaking hamon sa bawat Kristiyano dahil sa patuloy ninyong katapatan. Buong puso po akong nagpapasalamat sa Diyos at sa inyo dahil isa po ako sa labis na napagpapala ng babasahing ito. Dalangin ko po ang patuloy na paglago ng gawain ng Diyos at paglawak pa ng Daan ng Katotohanan. Pagpalain po kayo ng Dakilang Diyos na Buhay. Maraming maraming salamat po!!!



Lubos na nagpapasalamat,

Bro. Jaime Tagara Jr.
Saudi Arabia

Thursday, January 04, 2007

COMMENT FROM SIS. JHEN EUGENIO FROM TAIWAN

Dear Kuya Jet,

Pagbati sa matamis na pangalan ng ating Panginoong Tagapagligtas!
Una po sa lahat ay nais kong pasalamatan ang Panginoon sa patuloy Nyang pag-iingat ng aking tinanggap sa Kanya. Tunay na ang Dios ay hindi nagkukulang sa lahat ng bagay hanggang tayo ay patuloy na umaasa sa Kanyang Dakilang pag-ibig at kahabagan.
Musta na po kayo at ang convention? Nag-email po ako dahil nais ko pong ipaabot ang aking pasasalamat sa inyo. Pinupuri ko po ang Dios sa karunungan na ipinagkakaloob sa inyo upang sa pamamagitan ng internet ay mabigyan din ako ng pagpapala sa mga gawain ng Dios sa panahon ng convention. Sa pamamagitan po ng blogspot ng daan ng katotohonan ay napapagpala ako sa mga report bagamat di po nyo ako kasama ay nakakatamo din po ako ng ambon ng pagpapala ng convention. Diko po mapigil lumuha habang nagbbrowse at nagbabasa ng mga report damang dama ko ang kanyang pagpapala Nya. Di ko po malirip ang kabutihan ng Dios sapagkat unti-unti ko pong nakikita ang kanyang pagkilos upang patuloy na maipalaganap ang kanyang gawain. di po malayong mangyari na darating ang panahon na maari naring mapakinggan ang broadcast ng daan ng katotohan sa net. Lam ko po na mangyayari yan sa kaparaanan narin ng Dios. Naniniwala po ako na sa lahat ng bagay ay may layunin Siya. Dalangin ko po sa Dios na patuloy Nya kayong gamitin sa kaganapan ng Kanyang mga plano. Umasa po kayo sa aking panalangin. Nawa'y idalangin nyo rin po kami sa Panginoon na di lang kami makapanitili sa Kanya kundi makahikayat din ng mga kaluluwa palapit sa Kanya. Hanggang dito nalang po. Bukas nalang po uli. Intayin ko po uli ang report nyo. God Bless....

Dumadalangin,
Sis. Jhen