Sunday, July 30, 2006

ANONG IBIG SABIHIN NG MAGTIWALA SA PANGINOON

Mula sa aklat na Heart Talks by C. W. Naylor
Isinalin sa Tagalog ni
Sis. Meldy Santiago
Usapan 1


ANONG IBIG SABIHIN NG MAGTIWALA SA PANGINOON
(What it means to trust the Lord)

Sa bawat bahagi ng Biblia, tayo’y paulit-ulit na inaaralan na magtiwala sa Panginoon. Binabalaan tayo laban sa pagtitiwala sa mga pamunuam, kayamanan o sa ating sarili man, sapagkat ang lahat ng pagtitiwalang ito ay walang kabuluhan. Ang pagtitiwala sa Panginoon ay pinapahiwatig sa pagiging mapayapa, mapagpala at nagbubunga ng mga kanais-nais. Ito ang ating pag-asa, ating kalakasan, ating kaligtasan at ating saklolo.

Ngunit ano ba ang kahulugan ng pagtitiwala? hindi ibig sabihin nito ang kawalang-ingat o pagwawalang bahala. Ang pabayaan na lang ang isang bagay at sabihing “Ah sa palagay ko naman ay magiging maayos ang lahat” ay hindi pagtitiwala. Ang pagpapabaya ay hindi pagtitiwala. Ang pagtitiwala ay isang positibong kaisipan, Ito’y tunay at may katiyakan, hindi isang pagbabakasakali. Ito’y isang malinaw na pananaw ng kaluluwa at isip. Ang pagkaunawa sa ating pangangailangan at sa kasapatan naman ng Dios sa ating pangangailangan. Ito’y ang abutin ang Dios at manalig sa Kanya.

Ang kaluluwang tunay na nagtitiwala ay hindi matatangay ng bawat hangin. Hinahampas man siya ng alon pero di siya maihahagis sa batuhan; dahil siyang nagtitiwala ay malakas, dahil nasa Kanya ang lakas ng Dios.

Ang pagtitiwala ay hindi nangangahulugan ng pagpikit ng ating mata sa katotohanan. Walang ganoong bagay na “bulag na pananampalataya’. Ang pagtitiwala ay tumitingin sa tunay na pangyayari, Nakikita nito ang babala ng panganib at pinaguukulan niya ito ng pansin. Nakikita nito ang pangangailangan at hindi sinusubukang pagtakpan ito. Nakikita ang kahirapan at hindi niwawalang bahala ang mga ito. Ngunit sa kabila ng nakikita niyang ito, tumitingin siya sa likod ng mga ito at nakikita niya ang Dios, ang kanyang sapat na tulong at saklolo. Nakikita niya ang kahigitan ng Dios sa mga pangangailangan niya sa mga panganib, sa mga kahirapan at hindi siya napadadaig sa mga ito.

Walang takot sa pagtitiwala ang dalawa ay magkasalungat. Kung tayo’y natatakot, hindi tayo lubos na nagtitiwala. Ang takot ay nagpapahirap! Gaano karami ang palagi na lamang na ginugulo ng takot. Natatakot sila sa diablo, pagsubok, tukso, hangin, kidlat, magnanakaw, at sa kung anu-ano pa. Ang kanilang mga araw ay sinasamahan ng takot sa mga bagay-bagay. Ang kanilang mga kapayapaan ay nawawala at nagugulumihanan ang kanilang mga puso. Sa lahat ng ito ang pagtitiwala ang lunas. Hindi ibig sabihin na kung ikaw ay nagtitiwala ay wala ng makakagulat o makasisindak sa iyo o hindi ka na makakadama ng pisikal na takot sa panahon ng panganib, kundi sa ganoong pagkakataon, ang pagtitiwala ang nagbibigay sa atin ng kamalayan na alam ng Dios ang lahat at ipinagmamalasakit Nya tayo at ang Kanyang presensya ay nasa atin.

Nang si John Wesley ay tumatawid sa Atlantica mula sa Englatera patungong America upang maging misyonero sa India. Ang barkong kanyang sinasakyan ay naka sagupa ng isang malakas na bagyo, na tila baga lahat silang nakasakay ay mapapahamak. Marami na ang mga nababagabag at natatakot at nawawalan ng pagasa. Isa si John Wesley sa mga bilang na ito. Sa gitna ng malakas na bagyo natuon ang pansin ni John Wesley sa ilang Morabiano na nakaupong payapa at di nagagambala sa panganib ng bagyo. Nagtaka si John Wesley sa kanilang mapayapang mukha. Nagtanong sya kung bakit ganito sila. Sumagot ang mga ito at sinabing silay nagtitiwala sa Panginoon at mayroon sila sa kanilang kalooban ng kamalayan na pinoprotektahan at iniingatan sila ng Dios. Hindi sila natatakot sapagkat walang dapat ikatakot ang isang Cristiano sa panahong iyon. Wala pa si John Wesley ng ganoong karanasan ngunit kanyang natutuhan sa mga simpleng taong Cristiano na yon. Iyon ang naging dahilan upang hanapin niya ang karanasang ito.

Walang kabagabagan sa pagtitiwala. Kung tayo’y nababagabag sa isang bagay,hindi pa natin lubos na ipinagkatiwala ito sa Dios. Inaalis ng pagtitiwala ang kabagabagan. Maraming mga tao na ginagamit ang malaking bahagi ng kanilang lakas sa pag -aalala lamang. Lagi na lang na may bumabagabag sa kanila, ang kanilang mga araw at gabi ay puno ng kabagabagan. Nakagawian na nila ang mabalisa. Napakaliit na ang puwang ng kapayapaan, katiwasayan at katiyakan sa kanilang mga buhay. Ang lunas sa lahat ng ito ay pagtitiwala. Bumubulong ito sa ating puso na wala tayong dapat na ikabahala. Hinahamon nya tayo na magpakatapang, tinitiyak sa atin na ang Dios ang ating kanlungan at kalakasan, na nasa Kanyang mga kamay ang lahat at gagawin Nya ang mabuti para sa atin.

O' Kaluluwa, tigilan mo na ang pag-aalala, at magtiwala ka. Ito ang higit na mabuti. Kung masusumpungan mo ang iyong sarili na mababahala, tumigil ka at alisin mo ang iyong pansin o paningin sa bagay na bumabagabag sa iyo. Tumingin ka sa itaas, patuloy kang tumingin hanggang makita mo ang Dios at ang Kanyang walang hanggang pagkalinga sa iyo. Alalahanin mo na kapag ikaw ay nababagabag, hindi ka nagtitiwala. At kung ikaw ay nagtitiwala, hindi ka nababalisa. Ang kabalisahan ay nagpapatamlay, nagpapahina ng loob, at nakawawala ng lakas natin. Hindi ito makatutulong sa atin sa ano mang paraan. Ito’y laging hadlang sa atin. Nais ng Dios na dalhin tayo sa mapayapa at matiwasay na buhay gaya ng gabing tag-araw. Ibig nyang mawalan tayo ng kabalisahan tulad ng mga ibon at mga lirio na malaya sa kabagabagan. Ang pagtitiwala ang magdadala sa atin sa ganitong karanasan, “Hindi ka ba magsasanay na magtiwala?” “Na inyong ilagak ang inyong kabalisahan, sapagkat ipinagmamalasakit niya kayo”

Walang pagrereklamo sa pagtitiwala. Kung ang lahat ay ipinagkatiwala na sa Dios, naghahatid ito ng kasiyahan sa pakikipag-ugnayan ng Dios sa atin. Nakakaawit tayo mula sa puso na “Ang paraan ng Dios ang mabuti, hindi ako magrereklamo. Kung tayo’y nagtitiwala , madali para sa atin ang magpuri sa Dios. Puno ng pasasalamat ang ating puso at pagpupuri. Kung ikaw ay nagrereklamo, ito’y dahil sa hindi ka nagtitiwala. Walang mapait na damdamin kung hindi nangyari ang isang bagay na iniisip nating dapat sanang mangyari kung tayo’y magtitiwala. Ang kapaitan ay mula sa pusong rebelde, at walang pagrerebelde sa isang nagtitiwala. Ang pagtitiwala ay lagimg makapagsasabing “Hindi ang aking kalooban kundi ang kalooban Mo ang siyang masunod,”

Sa pagtitiwala, may kapayapaan, ang kapayapaan ng Dios na di malirip. May katiwasayan sa puso ng nagtitiwala. Walang pag-aalinlangan sa pagtitiwala, sapagkat ang pag-aalinlangan ay natatabunan ng katiyakan at ang katiyakan ay nagbibigay kapayapaan at katiwasayan.

Ang pagtitiwala ay nagpapalagay ng loob. Ipinahihintulot nitong makita natin ang Dios sa Kanyang tunay na katangian. Ito ang nag-papatunay sa atin ng kadakilaan at kagandahang loob ng Kanyang pag-ibig. Nagbibigay ito ng kamalayan sa atin ng Kanyang kapangyarihan at sa pamamagitan nito ay lumilimlim tayo sa ilalim ng Kanyang mga pakpak. Sa pamamagitan nito ay nawawala ang kapangyarihan ng kaaway natin, ng panganib, ng takot. Alam nating tayo’y may katiwasayan at kapahingahan. Sabi Niya “Makakasumpong ka ng kapahingahan sa iyong kaluluwa”. Siyang nagtitiwala ay nakakasumpong ng kapahingahang ito. Hindi tayo binigyan ng Dios ng kaguluhan at kagulumihanan, ang sabi Niya “Sa akin ay mayroon kayong kapayapaan” at muli “Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Hindi ba ito mahalagang pangako? “Totoo ba ito sa iyong buhay? Ibig ng Dios na maging totoo ito sa iyo. Ang pagtitiwala ang gagawa nito sa iyo.

Hindi ito magiging tunay hangga’t hindi mo natutuhang magtiwala. Ang pagtitiwala ang ugat na humahawak at nagpapalago sa puno ng buhay Cristiano. Ang pagtitiwala ang nagiging dahilan upang ito’y mamulaklak at magbunga, at habang lalo kang nagtitiwala, lalo namang dumarami at sumasagana at lalong kusang dumadaloy ang magiging bunga ng iyong katuwiran.

Nasabi ko na ang ilang bagay tungkol sa pagtitiwala. Ngayon ay ibig ko namang sabihin ang iba pang bagay na napapaloob sa pagtitiwala. Ang pagtitiwala ay pagpapasakop. Madalas na nabibigo ang Dios na gawin ang isang bagay para sa atin dahil hindi natin Sya pinabayaan na gawin ito. Nais natin magplano para sa ating sarili. Nais nating magawa ang isang bagay sa paraan na tila mabuti sa atin sariling karunungan. Marami sa atin ang gaya ng isang babae na sinabi ang kanyang asawa na madalas silang umaalis at nangangabayong magkasama, na kung minsan ay natatakot ang kanilang kabayo, at kung ito’y matakot na, ang asawang babae ay matatakot din at ibig na biglang hawakang mahigpit ang tali kung kaya, kailangan niyang kontrolin pareho ang kabayo at ang kanyang asawa naging lalong mabigat ang kanyng trabaho. Sa halip na kabayo lang ang kokontrolin niya, maging ang asawa ay dapat ding kontrolin.

Gaano karami sa atin ang katulad ng babaeng ito! Kapag may ano mang banta ng masama, tayo’y naaalarma at sinusubukang tulungan ang Dios sa Kanyang gagawin. Nadarama nating hindi sapat na ipaubaya na lang ang lahat sa Kanyang mga kamay ang mga pangyayari. Ang ating hindi pagsasakop sa Kanya ay madalas na nagpapalala sa pangyayari at lalong bumibigat para sa Dios na pangunahan tayo kaysa sa pangunahan ang pangyayari. Ang magtiwala sa Dios, ibig sabihin alisin natin ang ating kamay sa pagkakahawak sa mga pangyayari. Ibig sabihin hayaan natin ang Dios sa Kanyang paraan at pabayaang gawin ang alam Niyang makabubuti sa atin. Maaring mahirap pag-aralan, ngunit hahadlangan mo ang Dios hangga’t di mo natutuhang magpasakop sa Kanya.

Sapagkat Dios ang gumagawa sa inyo, maging sa pagnanansa at sa paggawa, ayon sa Kanyang mabuting kalooban (Fil.2:13). Kung ang yong buhay ay napasuko sa Dios, gagawa Siya ayon sa pagnanasa at sa paggawa. Siya’y tutulong sa pagpaplano at sa pagsasagawa ng plano. Pangungunahan ka sa pagpili at pagtupad sa pinili. Kung di mo pa kayang magpasakop sa Kanya, di mo pa naabot ang kalagayan na kaya mo ng magtiwala. Kailangan mo munang bumitiw sa iyong sarili at sa pangyayari at ang pagtitiwala ay magiging natural at magiging madali. Paano kang magtitiwala sa Kanya kung hindi ka handang gawin para sa Kanya ang nkakalugod sa Kanya. Kung naisuko mo na ang lahat sa Kanya, at nasa Kanyang kaparaanan na ang lahat, ang mapagpalang bunga ng pagtitiwala ay darating sa yong buhay.

Sa pagtitiwala, naroon ang pagsunod. Ibig sabihin, gumawa ka kasama ng Dios upang magkaroon ng bunga. Hindi maaaring maupo na lang tayo at pagsalikupin ang mga kamay na walang ginagawa at umasa na lang na mangyayari ang isang bagay.. Kailangang maging tagagawa tayo at di tagatakas sa gawain. Ang taong dumadalangin sa masaganang ani, ngunit wala namang inihandang lupang taniman at halamang pananim ay dumadalangin ng walang kabuluhan. Ang pananampalataya at gawa ay kailangang magkasama. Kailangang pabayaan natin ang Dios na pangunahan tayo sa ating pagpapagal at turuan tayo sa ating dapat na pagpagalan. Kailangang handa tayong gumawa kung nais Nyang tayo’y gumawa sa paraan na nais Nya. Ang layunin nating magtiwala ay mawawalan ng halaga kung hindi tayo handang sumunod. Ito ang pinagmumulan ng problema ng maraming tao. Handa silang sumunod hanggat ang utos ay ayon sa kanilang kagustuhan, ngunit kung ito’y taliwas na sa kanilang nais ay ayaw na nilang sumunod. Ang ating pagsunod ay kailangang lubos at bukal sa kalooban, kung hindi, hindi tayo makapagtitiwala.

Ang pagtitiwala’y may pagtitiis. Kahit ang Dios ay hindi pinapangyari ang lahat ng mga bagay ng madalian. Inaaralan tayo na “sapagkat kayo’y nangangailangan ng pagtitiis, sapagkat kung inyong magawa ang kalooban ng Dios ay magsisitanggap kayo ng pangako”(Heb.10:36). Madalas na ibig nating matugunan agad ang ating dalangin, kung hindi dumating agad ang sagot, nawawalan na tayo ng pagtitiis at iniisip nating hindi na tutugon ang Dios. Walang saysay kung ating mamadaliin ang Dios. Hinahadlangan lang natin Siya kung magmamadali tayo. Tandaan natin, hindi Siya gagawa ayon sa plano natin kundi ayon sa plano Niya. Ang panahon sa Kanya na mkapangyarihan sa lahat ay iba sa panahon natin.

Isang kapatid ang nagpahayag ng kanyang suliranin, “kapag ibig kong magawa ang isang bagay, nais kong mangyari ito agad” Maraming taong hindi kayang magtiis at maghintay. Nais nilang ngayon na. Ito’y malaking hadlang sa kanilang pananampalataya. Sinabi sa Awit 37:7 “Ikaw ay magpahinga sa Panginoon at maghintay kang may pagtitiis sa Kanya” Hindi lang tayo dapat maghintay sa Kanya na may pagtitiis na gawinang Kanyang layunin kundi kasabay noon ay magpahinga rin tayo sa Kanya. May mga taong kayang mghintay, ngunit di kayang magpahinga. Hindi sila mapalagay at di makatiis, nais nilang madaliin ang Panginoon. Kadalasan ang resulta, hindi nagtatagal ang kanilang pananampalataya . Kailangang dagdagan natin ng pagtitiis ang pananampalataya upang maging mabisa. Kung ikaw ay talagang nagtitiwala, kaya mong maging mapagtiis. Maaaring hindi ito madali, pero habang napapasakdal ang iyong pagtitiwala, saka naman nagiging madali ang pagtitis.

Ang pagtitiwala sa Dios ay isang aktibo at positibong bagay. Ang pagtitiwala sa Panginoon na ililigtas tayo, naroon ang pagtitiwala sa Kanya na gagawin Nya ito. Ito’y nagdadala sa iyo sa paniniwalang ginawa na Nya ito. Mayroong tiyak na kamalayan ng katuparan nito. Hindi tayo naiiwan na nag-aalinlangan, umaasa pa, o nanghuhula lang kundi mayroon tayong positibong pagtitiwala na nagbubunga ng positibong resulta. Ganoon din sa pagpapakabanal. Ang positibong pananampalataya ay naghahatid ng positibong karanasan. At hanggat nananatili din ang positibong pagtitiwala , nananatili din ang positibong karanasan. Kapag lamang nagumpisang magduda at saka nawawala ang katiyakan ng karanasan. Kung iingatan mo ang iyong pagtitiwala, iingatan din ng Dios ang iyong karanasan. Dito nakasalalay ang sikreto ng patuloy na pagtatagumpay. Maaaring may labanan, subalit ang pagtitiwala ang sandigan ng tiyak na tagumpay.

Ang pagtitiwala sa Dios sa kagalingan ay higit sa pagtangging pumunta sa manggagamot at tumangging uminom ng gamot. May mga taong hindi talaga nagtitiwala sa Dios pero ayaw ding uminom ng gamot. Hindi sinasanay na magtiwala sa Dios sa panahon ng karamdaman. Pinababayaan nilang ganoon na lamang at umasang gagaling din naman, pero hindi sa Dios nagtitiwala ng kagalingan.. Sa ganuong paraan gumagaling din sa natural na paraan. Ngunit ang dalangin ng pananampalatya ay mabisa. Kung minsan, dahil sa epekto sa isip ng karamdaman, hindi magawang magtiwala ng tao. Subalit kung magawa lang niyang magtiwala ng positibo at aktibo, susunod ang resulta ng pagtitiwala.

May lkaligtasan o katiwasayan ang magtiwala sa Panginoon. Sinabi ni Isaias “Ako’y magtitiwala at hindi matatakot (Isa.12:2). Iyan ang ibig ng Dios sa atin na pagtitiwala. Ibig Nyang maging palagay ang loob natin sa Kanya. Ngunit kung minsan tumitingin tayo sa mga pangyayari at ito’y nagiging malaki at mabigat sa tunay na pangyayari at nagiging maliit ang tingin natin sa ating sarili. Naniniwala tayong iingatan at tutulungan tayo ng Dios pero hindi natin mapapatay ang takot. Ang nadarama natin ay kagaya ng takot kung tayo’y nasa labas ng kulungan ng isang mabangis na leon. Alam nating di tayo kayang abutin, alam nating ligtas tayo sa mga pangil, at mga kuko nito. Pero naroon pa rin at di mapigilang makadama ng takot na dapat ay wala tayo sa lugar na yon. Kung ang leon ay lumapit sa tabi ng kulungan palapit sa atin, wala sa loob natin na biglang lumayo, ngunit naroon ang ating pagtitiwala sa mga rehas na nakaharang at di tayo tumatakbo papalayo.
Sinabi ng mga Awit sa atin kung ano ang gagawin kung magkaroon tayo ng ganuong takot “sa panahon na ako’y matakot, aking ilalagak ang aking tiwala sa Iyo” (Awit 56:3). Manatili tayong magtiwala. Hindi tayo sisisihain o susumbatan ng Dios sa takot na di maiiwasan, kundi sa takot na sanhi ng kawalang pananampalataya. Magtiwala tayo sa Dios. Ito ang pinakaligtas na bagay na magagawa mo at hinding-hindi ka Niya bibiguin.*

Wednesday, July 26, 2006

MAS MAHALAGA ANG MGA BAGAY NA ISPIRITUAL

"Of what value is the summa cumlaude without the spiritual strength, the epitome is misdirection and mis education".


Sa panahong ito ay napakaraming mga advance technology. Ang tao ay napakatalino dahilan sa mga invention nila na paliit ng paliit ang mga cellphones at puede na rin manood sa cellphones. Lalong lao na sa internet na kung saan makikita mo ang kausap mo. Pati ang mga kantang napakarami ay mailalagay sa isang maliit na parang ballpen sa nakasabit sa leeg. Yan ang Mp3. Talagang nakakamangha ang talino ng tao sa ngayon.

Subalit alam ninyo ang lahat ng katalinuhang ito ay bale wala kung hindi natin kikilalanin ang ating Panginoon bilang sariling tagapagligtas. Makatapos man tayo ng ilang kurso subalit kung hindi natin nalalaman ang kalooban ng ating Panginoon ay wala ring kwenta, Maging tayo man ang pinakamatalino sa mundong ito ngunit kung di mo alam ang salita ng Dios, ikaw ay kaawa-awa sapagkat ang mga bagay na yan ay dito lamang sa sanlibutang ito Subalit ang nagawa natin sa ispiritual ay siya lamang ating mapapakinabangan. Kung ang pisikal na katawan ay kumakain ng material upang lumakas gayon din ang ating kaluluwa kailangang pakainin din ng spiritual na kaalaman. Upang huwag tayong mapahamak sa ating buhay sa sanlibutang ito kailangan tanggapin natin ang Panginoon sa ating buhay. Pagsisihan lahat ng nagawang kasalanan at talikuran ang dating gawaing masama. Sundin natin ang kalooban ng Dios. Kailangan lumago tayo sa ispiritual at huwag ng bumalik sa dating buhay. Magiba tayo ng ating landas. Iwanan natin ang lumang pagkatao ng sa ganon masunod natin ang kalooban ng Dios.
Sabi sa I Cor. 1;19, " Iwawalat ko ang karunungan ng marurunong, isasawala ko ang kabaitan ng mababait". Kaya ang karunungan sa Dios lamang ang mananatili magpakailan man. Ito ang hanapin natin sa buhay na ito upang makasama natin and Dios magpakailanman.
Sis. Wilma Flores Batalla
La Trinidad, Benguet

Wednesday, July 19, 2006

PAG-IBIG MAKA-DIOS

"Pag-ibig ma-kaDios", anong kahulugan?
Hindi ito alam kung di karanasan!
Di ito katutubo at di nalalaman
Ng likas ng tao sa kaniyang buhay.

Ang pag-ibig na ito ang s'yang kailangan
Ng bawat kinapal upang makatanaan
Sa langit na bayan na pinaghandaan
Ng Panginoon sa Kanyang kaharian

Kung ikaw man ay isang makata
At tulad ng anghel sa pananalita.
Kung malaman mo man ang mga hiwaga,
Walang saysay ito kung walang pagsinta.

Ang pagsinta'y sa Dios at sa kapwa tao
Ito ay pag-ibig na maka-mundo
'Di ito makikita sa pagsasakripisyo
Na mayrong hangaring masamang motibo.

Ang pag-ibig na ito'y mapagpahinuhod.
Di mapagpalalo ang puso at loob
Ang pag-ibig na ito'y di nananaghili
Mapagkubaba't di nagmamapuri.

Pagibig maka-Dios ay Di nagkukulang
Hula'y matatapos ng ganon na lamang
Wika ay titigil, di pakikinabangan
Mga kaalama'y mawawalang kabuluhan.

Ngunit ang pag-ibig ay magtatagumpay
At di magwawakas magpakaiilan man
Ito'y ibibigay sa sinomang laan
Magbigay ng buhay sa Poong Maykapal!

By: Pastor V.T. Luzong
Paniqui, Tarlac

Saturday, July 15, 2006

PAGSISISI

Pagsisisi ang unang ipinangaral ng Panginoong Jesus sa mga tao sa pasimula ng kanyang ministerio dito sa lupa. Kung mayroon anomang panulukang bato ng kaligtasan ito'y ang pagsisisi. Ang kondisyon para maligtas ang tao ay pananampalataya. Ang kondisyon upang makapanampalataya ay ang pagsisisi. Kaya napakahalaga ng pagsisisi upang maligtas ang tao. Sapagkat ang kahulugan ng kaligtasan ay pagkalaya o maalis sa kasalanan. Kaya kailangan magsisisi ang tao upang siya'y maalis sa kasalanan. Ang pagsisisi ay ipinaguutos ng Dios (Gawa 17:30; 3:17; Isa. 55:7).

Ano ang kahulugan ng pagsisisi? Ito ay yaong "pagtalikod sa kasamaan pagkatapos ng pagdama sa sala(guilt), kalumbayan sa kasalanan, pagkamuhi dito, at ang taos-pusong pagnanais na lisanin ito". Sa banal na kasulatan ito'y nangangahulugang, "pagbabago ng kaisipan". Kaya pag nagsisi ang tao lubusan niyang iiwanan o tatalikuran ang mga kasalanan niyang ginagawa.

Ang pagsisi ay isang poot para sa mga minsan nating minahal. Isang lubusang lubusang pagtanggi sa isang kamay na bakal na pamumuno ng diablo. Ito'y pagtanggi na magpatuloy sa ilalim na pasakop ni satanas. Kaya sa isang nagsisi nawasak na ang gawa ng diablo sa kanyang buhay. Kaya ang isang nagsisi ay hindi na gumagawa ng kasalanan (1 Juan 3:8).

Ang kobiksiyon sa kasalanan ay kailangan upang makagpagsisi. Ito ay gawa ng Espiritu Santo sa puso ng tao. Hindi ito pagsisi datapuwat ito'y gabay patungo sa pagsisisi. Kailangan ng kalumbayan mula sa Dios (Godly sorrow) upang lubusang makapagsisi ang tao sa kanyang kasalanan (2 Cor. 7:10). Kalakip ng pagsisi ay pagpapahayag ng kasalanan (1 Juan 1:9), at pagnanais na isauli o isaayos ang mga maling nagawa sa Dios at sa kapwa. Sa pagpapahayag tanggapin ng isang tao na siya'y may sala (guilt). Sa Diyos natin ipahayag ang ating mga kasalanan. Tulad ng isang publikano, dahil sa kalumbayang mula sa Dios, sinabi nya, "Dios, Ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan(Lucas 18:13). Tulad din ng alibughang anak, nanalangin siya ng, "Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin (Lucas 15:12).
Kaya kailangan ng lubusang pgsisisi at taos pusong pagtalikod sa mga kasalanan upang ang tao ay makapanampalataya na siya'y napatawad ng Dios. Ito ang pananampalatayng nagliligtas na siang kondisyon upang ang tao maligtas sa kasalanan.

Friday, July 14, 2006

Ika-32 taong Anibersaryo ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas

Ginanap ang ika-32 taong anibersaryo ng Iglesia ng Dios noong Hulyo 9, 2006 sa Paniqui, Talac. Dinaluhan ito ng mga kapatiran sa ibat-ibang lugar ng Luzon. May nagmula sa Benguet, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac. Bulacan, Rizal, Samar, Marinduque at Metro Manila. Dumating din ang mga kapatid galing ng Cayman Island na sina Bro. Arnold Chichoco, at ang kayang asawa Sis Ruth at Sis. Edna Guiwa. Ang tema sa taong ito ay "STRENGHTEN THE CHURCH". Nakasama din si Tatay Rodrigo Banisa ng km 4, La Trinidadl, Benguet ang kauna-unahang bunga ng 'THE WAY OF BROADCAST" sa RPN 9, DZBS, Baguio City.
Pinasimulan ang gawain sa umaga sa pamamagitan ng Sunday School na pinangunahan ni Bro. Manny Yangco. Ang Topic ay "The Baptism of the Converted Eunuch". Ang nagbigay ng mensahe ay Si Sis. Meldy Santiago, Pastor ng Sta. Maria, Bulacan. Ang pamagat ng kanyang mensahe ay "Edifying the Church" hango sa 1 Cor 14:12. Ayon sa kanya upang mapatibay ang Iglesia kailangan gumawa sa ikaliligtas ng mga kaluluwa, kailangang mapabanal ang bawat kasapi sa Iglesia, kailangan ding lumalim sa pagibig at katotohanan at kailangan din ng pagkakaisa ng sa Espitiru. Napakagandang mensahe ito na nagbigay lakas sa bawat dumalo sa pagtitipong ito.
Pagkatapos ng pananghalian muling nagpatuloy ang pagdiriwang sa hapon. Nag-ulat ang bawat distrito sa magandang bunga ng gawain ng Iglesia. Ang nagbigay mensahe ay si Bro. Jet Batalla Jr., Pastor ng La Trinidad, Benguet. Ang pamagat ng mensahe ay "Mga Dahilan Bakit nawawala ang Lakas ng Iglesia", hango sa Apoc. 3:1-6. Tinalakay niya ang mga sumusunod na dahilan: makasanlibutan bagay, pagwawalang bahala, ang kapalaluan(pride), kasakiman sa mga bagay na material, kawalan ng kaalaman sa salita ng Dios at kakulangan sa panalangin. Marami ang lumapit sa altar upang hanapin ang Dios sa kanilang buhay. Matagumpay ang gawaing ito sapagkat bawat isa ay napagpala sa mga awit, patotoo at mensahe.
Ang isang mahalagang bagay na ating pinasasalamatan sa Dios ay ang patuloy na presensya ng ginamit ng Panginoon upang makita natin ang tunay na Liwanag walang iba kundi ang ating Minamahal na Pastor, Victoriano Luzong. Siya ang ginamit ng Panginoon upang makita natin ang katotohanan na mayron lang isang Iglesia at ang Kaligtasan mula sa kasalanan. Patuloy nating idalangin ang lingkod ng Dios na ito na palakasin pa siya at magamit pa siya ng Dios sa kanyang ubasan.

Thursday, July 13, 2006

"MY COMMITMENT"

"I'm a part of the fellowship of the unshamed. I have Holy Ghost power. The die has been cast. I have stepped over the line. The decision has been made. I'm a disciple of Christ. I won't look back, let up, slow down, back away, or be still.

"My past is redemmed. My present makes sense. My future is secure. I'm finished and done with low living, sight walking, small planning, smooth kness, colorless dreams, tamed vision, mundane talking, cheap living, and drafed goals.

I no longer need pre-eminence, prosperity, position, promotion, plaudits, or popularity. I don't have to be right, first, tops, recognized, praised, regarded, or rewarded. I now have live by faith, lean on His presence, walk by patience, lift by prayer, and labor by power.

"My face is set, my gait is fast, my goal is heaven, my road is narrow, my way is rough, my companions are few, my Guide reliable, my mission clear. I can not be bought, compromised, detoured, lured away, turned back, deluded, or delayed. I will not flinch in the face of sacrifice, hesitate in the presence of the adversary, or meander in the maze of mediocrity.

"I won't give up, preached up for the cause of Christ. I am a disciple of Jesus. I must go till He comes, give till I drop, preach till all know, and work till He stops me. And when He comes for his own, He will have no problem recognizing me - my banner will be clear."

Wednesday, July 12, 2006

Pinag-iba ng Espiritu ni Cristo sa Mapamunang Espiritu

Ang pinabanal na espiritu ay dalisay, mababa, mahabaging espiritu na malaya sa galit, malisya, pakunwaring papuri, puri sa sarili, sariling pagnanais, kataasan sa lahat ng anyo nito. Galit si Jesus sa kasalanan at pagpapaimbabaw ngunit iniibig ang mga makasalanan . Dumalangin at umiyak Siya dahil sa Jerusalem. Idinalangin Niya sa Dios ang kapatawaran ng Kaniyang mga kaaway na nagpapako sa Kaniya na sinasabi, "Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa", (Lukas 23:34).

Ang maasim, nakakasugat, mapanuya, at mapait na espiritu ay lubusan na di-kilala ang Espiritu ni Cristo. Kung ano siyang tunay sa puso at buhay ay tumutunog na higit na
malakas sa mga tainga ng mga tao kaysa sa kanyang sinasabi. Libo-libong mga tao na sumira sa kanilang karanasang Krsitiano sa pamamagitan ng pag-aanyo ng sabi-sabi, di-normal na kaisipan sa mga di pa ginagawa. Nawala na ang maka-Cristong espiritu, at itinulak sila ng diablo sa mapamunang espikritu, na isang huwad para sa Espiritu Santo.

Ang mapamunang espiritu ay nabubuhay sa mga kamalian, kabiguan at kahinaan ng mga iba. Ang mapamunang tao ay pinapaniwala niya ang kaniyang sarili na siya'y itinayo at itinalaga na iwasto ang mga iba. Kaya't tinitingnan niya ang lahat ng bagay at lahat ng mga tao maliban lamang sa kanilang mensahe, nakakakita pa rin siya ng kamalian sa kanila. Kung hindi siya makakita ng depekto sa kanilang buhay, pupunta siya sa nakaraang buhay nila at huhukayin ang mga bagay na pinatawad na ng Dios. Kung siy'ay mabigo sa kaniyang pamamaraan na ito, pupunahin naman niya ang kanilang pananamit o pagsasalita.
Ang mapamunang espiritu ay makamandag. Hindi lamang nilalason ang kaniyang sarili kundi pa naman ang mga iba. Ang isang mapamunang tao ay maibabaling niya ang mga iba laban sa mga anak ng Dios. Higit na katakutan ang kamandag na ito kaysa sa mga nakamamatay na mikrobyo na lumilipad sa hangin. Ito'y katulad ng tumutubong kanser. Hanggang hindi bunutin ito, kakainin niya ang maka-Cristong likas sa kaluluwa. Sa pagtingin sa mga iba na mayroong mapamunang espiritu ay sinisira ang larawan ng pinakamagandang ugali at ibig niyang ilarawan na napakapangit. Ginawa ito kay Jesus ng mga Fariseo.
Sa bawa't oras na ang tukso ay dumarating sa atin upang madaling hatulan ang iba ay naliligayahan sa kanilang kalamidad, kung tayo'y dumalangin para sa kanila, makatatagpo tayo ng pagpapala na higit na mayaman kaysa kanila. Sa bawa't oras na nananatili ang pananakit na nagawa sa atin maging sa ating mga isipan, at nagkaroon ng mapait na espiritu ay lumiit ang ating lakas espiritual.
Dapt nating alalahanin na hind natin madaling punahin ang isa sa mga banal ng Dios na hindi natin sinasaktan ang puso ni Jesus at nagbubunga ng pamamayat sa ating sariling kaluluwa. Pagsikapan natin na ang ating mga puso ay mapanatiling malambot at umaapaw sa dalisay, mapagkumbabang pagibig, na ito ay siya lamang uri ng kabanalan ayon sa Biblia.

Tuesday, July 11, 2006

ARTICLES OF FAITH - The Christians, The Church of God, Inc, Philippines

I. GOD HEAD
We believe in an eternal existent God, the Creator and Sovereign of the universe. Is Holy in nature, attributes and purposes. As God (Elohim) is manifested in three, divine persons, the Father, the Word (Son) and the Holy Spirit. The Father is greater in office or authority than all (john 14:28). He is the source of all spiritual things. The Word (Son) came from the Father (John 16:28. He is the Revealer of the Father (John 1:18). The Son is the Word, that was made flesh, the only Begotten of the Father, and existed with the Father (Phil. 2:6). The Holy Spirit proceeds forth from the Father and the Son (John 14:26; 15:26), and is eternal (Heb. 9:14). He is promised by Christ from the Father to all regenerated believers (John 14:16,17).
II. THE HOLY SCRIPTURES
We believe that the Bible is the Word of God written by holy men of old as they were moved by the Holy Spirit (2 Pet. 1:21). That we accept the Scriptures as our infallible guide in matter of conduct and doctrine (2 Tim. 3:15-17; I Pet. 1:25; 2:1,2; 2 Pet. 1:21). That the Holy Scripture is plenary inspired and is composed of sixty six(66) books, thirty seven(37) books of the Old Testament and twenty nine(29) books of the New Testament.
III. MAN'S FALL AND REDEMPTION
We believe man is created by God, made in the likeness and image of His Creator (Gen. 1:26,27), but through Adam's transgression, sin entered into the world (Rom. 5:12). That all have sinned and come short of the glory of God (Rom. 3:23). Jesus Christ, the Begotten Son of God was given by the Father to the human race that men can have redemption from sin. His shedded blood is the redemption (Rev. 5:9). Salvation from sin is a gift of God to man separated from good works and the work of the law whether moral or ceremonial, and is by grace through faith in Jesus Christ redemptive sacrifice on the cross of Calvary. Jesus Christ, the Son of God was manifested to destroy the works of the devil (1 John 3:8)
IV. THE ROOT OF SIN
We believe that the Root of Sin or original sin, is the corruption of the spiritual nature of all the offspring of Adam seen in the evidence that everyone is very far gone from the original righteousness and purity of our first parents of their creation, and inclined to evil and that continually (Gen 6:3; Rom. 3:12; 5:12,13; 1 Cor. 15:22). That in the Bible it is the termed as the carnal mind, the old man, and flesh (Rom. 8:7; 6:6; 8:5-7). That is continues to exist to a newly regenerated child of God though subdued, until eradicated and destroyed by the Baptism with the Holy Ghost (Acts 15:8-9; 1 John 3:8).
V. FREE WILL
We believe than man was created with an ability to choose between right and wrong. That he could accept or reject God's offer in this present life; therefore he is morally reponsible, "Whosoever will come and take of the water of life freely (John 4:14-15; Rev. 22:17). We further believe that man though in the possession of the experiences of regeneration and entire sanctification may fall from grace and apostatize; unless he wills to repent of his sin, he hopelessly and lost forever.
VI. REPENTANCE
We believe that true repentance toward God consist in a conviction of godly sorrow for, a heartfelt confession and forsaking of sin. This is brought about by the knowledge of God's goodness and His divine abhorrence to sin through the medium of the Holy Scriptures and the convicting power of the Holy Spirit That it is required of all men everywhere (Acts 17:30) those who have heard the gospel, the power of God unto salvation (Rom. 1:16; Rom. 2:4; Rom. 3:23; Mat. 3:2; 2 Cor. 7:10; John 16:7-11; Like 13:5).
VII. JUSTIFICATION, REGENERATION, ADOPTION
We believe that Justification is that gracious and judicial act of God, by which full pardon was granted from all guilt the penitent sinner who believes on Jesus Christ and receives Him as Lord and savior (Rom. 3:23-25; Rom. 5:1). We believe that Regeneration or the New Birth is that gracious work of God whereby the moral nature of the repentant sinner is spiritually quickened and given distinctly spiritual life, capable of faith, love and obedience ( 2 Cor. 5:17; Titus 3:4,5; 1 Pet. 23). We believe that Adoption is that gracious act of God by which the justified and regenerated believer is adopted into the family of God as a child (John 1:12; Rom.. 8:15; 2 Cor. 6:18; Gal. 4:5,6). We believe that Justification, regeneration and Adoption are concomitant in the experience of the believer and that to all of these gracious acts of God the Holy Spirit bears witness.
VIII. SANCTIFICATION
We believe that Entire Sanctification is that work of God subsequent to regeneration, by which the believer is cleansed from the root of sin or carnality, and brought into an entire devoutment to God, and the Holy obedience of love made perfect. That Entire Sanctification is wrought by the baptism with the Holy Spirit whereby the heart is cleansed from sin and made effect the abiding indwelling presence of the Holy Spirit, empowering the saint for a holy life and service to God. That entire Sanctification is provided by the blood of Christ, is wrought instantaneously by faith, preceded by entire consecration; and to this experience the Holy Spirit bears witness (Rom. 12:1; 6:11; 13:22; Gal. 2:20; Rom. 15:16; Heb. 13:12, 13; Heb 10:14,15). That the state of grace wrought by that work of God of Entire Sanctification is known by various terms representing its different phases, such as "Christian Perfection", Perfect Love", "Heart Purity", "Baptism with the Holy Ghost", "the fullness of Blessing" and "Christian Holiness".
IX. THE WITNESS OF THE HOLY SPIRIT
We believe that the witness of the Holy Spirit is that divine inward impression wrought in the soul, whereby the Spirit of God immediately and directly assures our spirit that spiritual conditions are met for salvation, and that the work of grace is completely made in the soul. The Spirit bears witness both to justification of the sinner and the sanctification of the believer (Rom. 8:16; Heb. 10:14,15).
X. GROWTH IN GRACE
We believe that growth in grace is necessary and possible to maintain a right relationship with God and the Church, both in regeneration and after sanctification (Eph. 5:15,16; 2 Pet. 3:18).
XI. THE SECOND COMING OF CHRIST
We believe that the Lord Jesus Christ will come again. That His coming will be bodily and literally on that "Day of the lord" and on that day the dead in Christ shall rise and the living believers will be changed and be caught up together with them in the cloud to meet the Lord in the air; and so shall they ever be with the Lord. We believe further that the coming of the Lord will be the end of the world (1 Thess. 4:41-18; Jude 14; 2 Pet. 3:9-13).
XII. RESURRECTION, JUDGMENT AND DESTINY
We believe in the resurrection of the dead; that the bodies of the just and of the unjust shall be raised at the same time at the coming of the Lord Jesus Christ (1 Cor. 15:52; 1 Thess 4:15,16; Phil. 3:21; Dan. 12:2). We believe in the future final judgment in which every man shall appear before Christ to be judged according to his deeds in this life (Mat. 25:31,32; Acts 17:31; Heb. 9:27; 2 Pet. 2;9; 3:7; 1 John 4:17; Jude 14,15). We believe that there is a future destiny of all men. We believe that the glorious and everlasting life is assured to all who are saved from sin and obediently followed Jesus Christ; and that the finally impending shall suffer without end in hell (John 6:38; Luke 24:51; Mat. 6:20; Mt. 5:29; 10:28; 23:33; Luke 16:23).
XIII. BAPTISM
We believe that Christian baptism is an ordinance of the New Testament for the people of God signifying the acceptance of the benefits of the atonement of Jesus Christ. It is to be administered to believers as a declaration of their faith in the Lord Jesus Christ as their savior. It is a symbol signifying the death of the old man and the spiritual resurrection to a new life in God. Baptism must be administered by immersion alone by any elder of the Church (Mat. 2819; Acts 2:38; 10:48; Gal. 3:27; Col. 2:12).
XIV. COMMUNION
We believe that the communion of the bread and wine instituted by our Lord Jesus Christ is essentially a New Testament ordinance as memorial of His sacrificial death, and is strictly limited to believers. By participating in the communion feast, believers show forth the death of the Lord Jesus Christ as efficacious to their salvation till He comes again. We believe further that the communion feast shows forth the believers faith in Christ and their love to the brethren (1 Cor. 11:24-30; Luke 22:10,20; Mt. 26:26-29).
XV. FEET WASHING
We believe that feet washing is an ordinance instituted by the Lord Jesus Christ and should be observe by the believers. That it is a symbol of humility and service. That as much as possible, it should follow the ordinance of the communion feast, though it could be administered alone (John 13:14).
XVI. THE LORD'S DAY
We believe and recognize the first day of the week which is Sunday as the Lord's day. That it is a day of worship for the Church. That the gathering on this commemoration of Christ's resurrection. That it was the custom of the early Christian to worship on the first day of the week beginning with the apostles up the present day believers, We believe Christian should stop from unnecessary labor to give way for Christian services and spiritual ministry to the people (Mat. 28; Mk, 16:2; Luke 24:1; John 20:1-19; Acts 20:7; 1 Cor 16:2).
XVII. DIVINE HEALING
We believe that divine healing is for the sickness of the physical body and is wrought by the power of God through the prayer of faith and the laying of hands on the sick. That it is provided for in the atonement of Christ and is the privilege of everyone that will believe it (Mt. 8:16,17; Isa. 53:5; Mk. 16:18; Jas. 5:14,15).
XVIII. UNITY OF BELIEVERS
We believe that all Christians should unite in one; that they speak the same thing and that there be no division among them, but that they should be perfectly joined together in the same mind and in the same judgment. We further believe that Christians should not be divided into factions, sects and denominations. That division engenders confusion among believers and non-believers alike. That Christians in sectism should get out and experience the blessed liberty in Christ (1 Cor 1:10; Rev. 18:4).
XIX. THE UNIVERSAL AND LOCAL CHURCH
We believe the universal church is that mystical body of Christ. He being being the head and all saved ones are members of it. That the composition of the Church includes those saints that are in heaven. That the membership roll of the Church is in heaven (1 Cor. 12:1-10; Col 2:19; Acts 2:47; Luke 10:20; Heb 12:23). We believe that the universal church is to be understood by the following callings in the Scriptures: "The Church of God", "Zion", "New Jerusalem", "Church of the firstborn", "The house of God", "The Temple of God". We believe that we should use "The Church of God" to identify the universal church since it is the dominant name set forth in the New Testament (Acts 20:28; 1 Cor. 1:2; 2 Cor. 1:1; Gal. 1:13; 1 Tim. 3:5,15; John 3:3; 1 Pet. 2:6; Gal 4:26; Heb 12:23; Rev. 3:12). We further believe that the local church or congregation should be called "The Church of God" as divinely inspired since it is a part of the universal church ( 1 Cor. 1:2; 2 Cor. 1:1).

Monday, July 10, 2006

ANG KALIGTASAN

Ang kaligtasan ay pinakadakilang paksa na salaysay ng Ebangelio, na siyang pinakamahalagang mensahe na ibinigay sa mga tao. Hinulaan ni Isaias na darating and Mesias at ililigtas ang kaniyang bayan, (Isa.35:4). Sinabi ng anghel kay Jose sa panaginip na si Maria na kaniyang asawa ay manganganak ng isang lalake at panganganlang Jesus, sapagakat ililigtas Niya ang kaniyang bayan mula sa kasalanan, (Mt. 1:21). Sinabi rin ni Jesus na Siya'y naparito upang iligtas ang nawala,(Lucas 19:10). Kaya't ang kaligtasan ay posible sa lahat.
Ano ang kahulugan ng Kaligtasan? Ang literal na kahulugan ng kaligtasan ay "pagkalaya" at sa kaniyang kahulugang espiritual ay "pagkalaya mula sa kasalanan", (Mat. 1:21; I Juan 3:5; Gal. 1:4). Handa ang Dios na isagawa ang "pagkalaya" mula sa kasalanan sa sinomang tao, (I Juan 1:9,7; Apoc 1:5). Hangga't hindi pa napalaya sa kasalanan ang sinoman, hindi pa siya masasabing ligtas na. Maraming umaangkin na sila'y kristiano datapuwa't hindi pa nila karanasan ang pagkalaya sa kasalanan. Patuloy pa rin silang nagkakasala araw-araw sa kanilang buhay. Sila raw ay "naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya" o sila'y "mga makasalanan na naligtas sa pamamagitan ng biyaya". Kaya ang taong naligtas na sa kasalanan ay di na gumagawa ng kasalanan, (I Juan 3:8-10). Ang layunin ng inyong pananampalataya ay ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa, (I Ped. 1:9). Sapagkat ang kaluluwa ang nagkakasala, (Eze. 18:4). Kaya kailangan maligtas ang kaluluwa sa pagkakasala. Walang kabuluhan ang relihiyon hangga't ang sinoman ay hindi nagkaroon ng tunay na karanasan sa kaniyang kaluluwa, (Felimon 6). Ang kaligtasan ay nagbubunga ng banal at matuwid na buhay sa kasalukuyang sanglibutan ito, (Tito 2:11-14). Kaya ang taong naligtas sa kasalanan ay hindi gumagawa ng kasalanan kundi nabubuhay na siya ng matuwid at banal sa sanglibutan ito.