Saturday, July 15, 2006

PAGSISISI

Pagsisisi ang unang ipinangaral ng Panginoong Jesus sa mga tao sa pasimula ng kanyang ministerio dito sa lupa. Kung mayroon anomang panulukang bato ng kaligtasan ito'y ang pagsisisi. Ang kondisyon para maligtas ang tao ay pananampalataya. Ang kondisyon upang makapanampalataya ay ang pagsisisi. Kaya napakahalaga ng pagsisisi upang maligtas ang tao. Sapagkat ang kahulugan ng kaligtasan ay pagkalaya o maalis sa kasalanan. Kaya kailangan magsisisi ang tao upang siya'y maalis sa kasalanan. Ang pagsisisi ay ipinaguutos ng Dios (Gawa 17:30; 3:17; Isa. 55:7).

Ano ang kahulugan ng pagsisisi? Ito ay yaong "pagtalikod sa kasamaan pagkatapos ng pagdama sa sala(guilt), kalumbayan sa kasalanan, pagkamuhi dito, at ang taos-pusong pagnanais na lisanin ito". Sa banal na kasulatan ito'y nangangahulugang, "pagbabago ng kaisipan". Kaya pag nagsisi ang tao lubusan niyang iiwanan o tatalikuran ang mga kasalanan niyang ginagawa.

Ang pagsisi ay isang poot para sa mga minsan nating minahal. Isang lubusang lubusang pagtanggi sa isang kamay na bakal na pamumuno ng diablo. Ito'y pagtanggi na magpatuloy sa ilalim na pasakop ni satanas. Kaya sa isang nagsisi nawasak na ang gawa ng diablo sa kanyang buhay. Kaya ang isang nagsisi ay hindi na gumagawa ng kasalanan (1 Juan 3:8).

Ang kobiksiyon sa kasalanan ay kailangan upang makagpagsisi. Ito ay gawa ng Espiritu Santo sa puso ng tao. Hindi ito pagsisi datapuwat ito'y gabay patungo sa pagsisisi. Kailangan ng kalumbayan mula sa Dios (Godly sorrow) upang lubusang makapagsisi ang tao sa kanyang kasalanan (2 Cor. 7:10). Kalakip ng pagsisi ay pagpapahayag ng kasalanan (1 Juan 1:9), at pagnanais na isauli o isaayos ang mga maling nagawa sa Dios at sa kapwa. Sa pagpapahayag tanggapin ng isang tao na siya'y may sala (guilt). Sa Diyos natin ipahayag ang ating mga kasalanan. Tulad ng isang publikano, dahil sa kalumbayang mula sa Dios, sinabi nya, "Dios, Ikaw ay mahabag sa akin, na isang makasalanan(Lucas 18:13). Tulad din ng alibughang anak, nanalangin siya ng, "Ama, nagkasala ako laban sa langit at sa iyong paningin (Lucas 15:12).
Kaya kailangan ng lubusang pgsisisi at taos pusong pagtalikod sa mga kasalanan upang ang tao ay makapanampalataya na siya'y napatawad ng Dios. Ito ang pananampalatayng nagliligtas na siang kondisyon upang ang tao maligtas sa kasalanan.

No comments: