Monday, July 10, 2006

ANG KALIGTASAN

Ang kaligtasan ay pinakadakilang paksa na salaysay ng Ebangelio, na siyang pinakamahalagang mensahe na ibinigay sa mga tao. Hinulaan ni Isaias na darating and Mesias at ililigtas ang kaniyang bayan, (Isa.35:4). Sinabi ng anghel kay Jose sa panaginip na si Maria na kaniyang asawa ay manganganak ng isang lalake at panganganlang Jesus, sapagakat ililigtas Niya ang kaniyang bayan mula sa kasalanan, (Mt. 1:21). Sinabi rin ni Jesus na Siya'y naparito upang iligtas ang nawala,(Lucas 19:10). Kaya't ang kaligtasan ay posible sa lahat.
Ano ang kahulugan ng Kaligtasan? Ang literal na kahulugan ng kaligtasan ay "pagkalaya" at sa kaniyang kahulugang espiritual ay "pagkalaya mula sa kasalanan", (Mat. 1:21; I Juan 3:5; Gal. 1:4). Handa ang Dios na isagawa ang "pagkalaya" mula sa kasalanan sa sinomang tao, (I Juan 1:9,7; Apoc 1:5). Hangga't hindi pa napalaya sa kasalanan ang sinoman, hindi pa siya masasabing ligtas na. Maraming umaangkin na sila'y kristiano datapuwa't hindi pa nila karanasan ang pagkalaya sa kasalanan. Patuloy pa rin silang nagkakasala araw-araw sa kanilang buhay. Sila raw ay "naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya" o sila'y "mga makasalanan na naligtas sa pamamagitan ng biyaya". Kaya ang taong naligtas na sa kasalanan ay di na gumagawa ng kasalanan, (I Juan 3:8-10). Ang layunin ng inyong pananampalataya ay ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa, (I Ped. 1:9). Sapagkat ang kaluluwa ang nagkakasala, (Eze. 18:4). Kaya kailangan maligtas ang kaluluwa sa pagkakasala. Walang kabuluhan ang relihiyon hangga't ang sinoman ay hindi nagkaroon ng tunay na karanasan sa kaniyang kaluluwa, (Felimon 6). Ang kaligtasan ay nagbubunga ng banal at matuwid na buhay sa kasalukuyang sanglibutan ito, (Tito 2:11-14). Kaya ang taong naligtas sa kasalanan ay hindi gumagawa ng kasalanan kundi nabubuhay na siya ng matuwid at banal sa sanglibutan ito.

No comments: