Friday, July 14, 2006
Ginanap ang ika-32 taong anibersaryo ng Iglesia ng Dios noong Hulyo 9, 2006 sa Paniqui, Talac. Dinaluhan ito ng mga kapatiran sa ibat-ibang lugar ng Luzon. May nagmula sa Benguet, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Tarlac. Bulacan, Rizal, Samar, Marinduque at Metro Manila. Dumating din ang mga kapatid galing ng Cayman Island na sina Bro. Arnold Chichoco, at ang kayang asawa Sis Ruth at Sis. Edna Guiwa. Ang tema sa taong ito ay "STRENGHTEN THE CHURCH". Nakasama din si Tatay Rodrigo Banisa ng km 4, La Trinidadl, Benguet ang kauna-unahang bunga ng 'THE WAY OF BROADCAST" sa RPN 9, DZBS, Baguio City.
Pinasimulan ang gawain sa umaga sa pamamagitan ng Sunday School na pinangunahan ni Bro. Manny Yangco. Ang Topic ay "The Baptism of the Converted Eunuch". Ang nagbigay ng mensahe ay Si Sis. Meldy Santiago, Pastor ng Sta. Maria, Bulacan. Ang pamagat ng kanyang mensahe ay "Edifying the Church" hango sa 1 Cor 14:12. Ayon sa kanya upang mapatibay ang Iglesia kailangan gumawa sa ikaliligtas ng mga kaluluwa, kailangang mapabanal ang bawat kasapi sa Iglesia, kailangan ding lumalim sa pagibig at katotohanan at kailangan din ng pagkakaisa ng sa Espitiru. Napakagandang mensahe ito na nagbigay lakas sa bawat dumalo sa pagtitipong ito.
Pagkatapos ng pananghalian muling nagpatuloy ang pagdiriwang sa hapon. Nag-ulat ang bawat distrito sa magandang bunga ng gawain ng Iglesia. Ang nagbigay mensahe ay si Bro. Jet Batalla Jr., Pastor ng La Trinidad, Benguet. Ang pamagat ng mensahe ay "Mga Dahilan Bakit nawawala ang Lakas ng Iglesia", hango sa Apoc. 3:1-6. Tinalakay niya ang mga sumusunod na dahilan: makasanlibutan bagay, pagwawalang bahala, ang kapalaluan(pride), kasakiman sa mga bagay na material, kawalan ng kaalaman sa salita ng Dios at kakulangan sa panalangin. Marami ang lumapit sa altar upang hanapin ang Dios sa kanilang buhay. Matagumpay ang gawaing ito sapagkat bawat isa ay napagpala sa mga awit, patotoo at mensahe.
Ang isang mahalagang bagay na ating pinasasalamatan sa Dios ay ang patuloy na presensya ng ginamit ng Panginoon upang makita natin ang tunay na Liwanag walang iba kundi ang ating Minamahal na Pastor, Victoriano Luzong. Siya ang ginamit ng Panginoon upang makita natin ang katotohanan na mayron lang isang Iglesia at ang Kaligtasan mula sa kasalanan. Patuloy nating idalangin ang lingkod ng Dios na ito na palakasin pa siya at magamit pa siya ng Dios sa kanyang ubasan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment