Ang pinabanal na espiritu ay dalisay, mababa, mahabaging espiritu na malaya sa galit, malisya, pakunwaring papuri, puri sa sarili, sariling pagnanais, kataasan sa lahat ng anyo nito. Galit si Jesus sa kasalanan at pagpapaimbabaw ngunit iniibig ang mga makasalanan . Dumalangin at umiyak Siya dahil sa Jerusalem. Idinalangin Niya sa Dios ang kapatawaran ng Kaniyang mga kaaway na nagpapako sa Kaniya na sinasabi, "Ama patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa", (Lukas 23:34).
Ang maasim, nakakasugat, mapanuya, at mapait na espiritu ay lubusan na di-kilala ang Espiritu ni Cristo. Kung ano siyang tunay sa puso at buhay ay tumutunog na higit na malakas sa mga tainga ng mga tao kaysa sa kanyang sinasabi. Libo-libong mga tao na sumira sa kanilang karanasang Krsitiano sa pamamagitan ng pag-aanyo ng sabi-sabi, di-normal na kaisipan sa mga di pa ginagawa. Nawala na ang maka-Cristong espiritu, at itinulak sila ng diablo sa mapamunang espikritu, na isang huwad para sa Espiritu Santo.
Ang mapamunang espiritu ay nabubuhay sa mga kamalian, kabiguan at kahinaan ng mga iba. Ang mapamunang tao ay pinapaniwala niya ang kaniyang sarili na siya'y itinayo at itinalaga na iwasto ang mga iba. Kaya't tinitingnan niya ang lahat ng bagay at lahat ng mga tao maliban lamang sa kanilang mensahe, nakakakita pa rin siya ng kamalian sa kanila. Kung hindi siya makakita ng depekto sa kanilang buhay, pupunta siya sa nakaraang buhay nila at huhukayin ang mga bagay na pinatawad na ng Dios. Kung siy'ay mabigo sa kaniyang pamamaraan na ito, pupunahin naman niya ang kanilang pananamit o pagsasalita.
Ang mapamunang espiritu ay makamandag. Hindi lamang nilalason ang kaniyang sarili kundi pa naman ang mga iba. Ang isang mapamunang tao ay maibabaling niya ang mga iba laban sa mga anak ng Dios. Higit na katakutan ang kamandag na ito kaysa sa mga nakamamatay na mikrobyo na lumilipad sa hangin. Ito'y katulad ng tumutubong kanser. Hanggang hindi bunutin ito, kakainin niya ang maka-Cristong likas sa kaluluwa. Sa pagtingin sa mga iba na mayroong mapamunang espiritu ay sinisira ang larawan ng pinakamagandang ugali at ibig niyang ilarawan na napakapangit. Ginawa ito kay Jesus ng mga Fariseo.
Sa bawa't oras na ang tukso ay dumarating sa atin upang madaling hatulan ang iba ay naliligayahan sa kanilang kalamidad, kung tayo'y dumalangin para sa kanila, makatatagpo tayo ng pagpapala na higit na mayaman kaysa kanila. Sa bawa't oras na nananatili ang pananakit na nagawa sa atin maging sa ating mga isipan, at nagkaroon ng mapait na espiritu ay lumiit ang ating lakas espiritual.
Dapt nating alalahanin na hind natin madaling punahin ang isa sa mga banal ng Dios na hindi natin sinasaktan ang puso ni Jesus at nagbubunga ng pamamayat sa ating sariling kaluluwa. Pagsikapan natin na ang ating mga puso ay mapanatiling malambot at umaapaw sa dalisay, mapagkumbabang pagibig, na ito ay siya lamang uri ng kabanalan ayon sa Biblia.
No comments:
Post a Comment