Wednesday, August 30, 2006

LIVE BROADCAST BY BRO. JET

Tuesday, August 29, 2006

ANG NALALAPIT NA ANIBERSARYO NG IGLESIA NG DIOS SA AURORA

Idalangin natin ang pagdiriwang ng pagkatatag ng Iglesia ng Dios sa Dipaculao, Aurora sa Sept. 10, 2006. Nawa makapag balik-loob ang mga nag back slide sa lugar na yan. Idalangin natin ang tagumpay ng gawaing ito ng Panginoon. Idalangin natin ang mga gumagawa dyan na sina, Bro. Elmer at kanyang asawa si Sis. Myla.

Friday, August 25, 2006

PAGKALAYA SA KASALANAN AT BABILONIA-Patotoo ni Bro. Bernard Lastado

Pagbati sa inyo sa ngalan ng ating Panginoong Jesucristo! Ako po ang isang kapatid sa Panginoon, Bro. Bernard Lustado,ng Iglesia ng Dios sa Mariduque. Nagpapasalamat ako sa Dios na sa gawain Niya’y makabahagi kahit di karapatdapat sa kanyang harapan. Salamat sa Kanya na sa buhay ko’y pinatunayan ng Panginoon ang pangako Niya na kung ang isang tapat na puso’y naghahanap sa Dios ay masusumpungan Siya. Nawa’y maging hamon ang kasaysayn ng aking buhay bilang isang manananpalataya.

Taong 1975 nang ako’y isilang sa isang ordinaryong pamilya. Dalawang taon na gulang palang ako ng dapuan ng sakit na polyo. Ginawa ng aking magulang ang lahat upang ako’y maipagamot, subalit hindi niloob ng Dios na makalakad pa ng maayos. Nagkaisip ako sa kalagayang ganito at maraming beses na dumating sa buhay ko ang magkaroon ng awa (self-pity) sa sarili at may panahong tumawag pa ako kay Satanas upang makalakad dahil hindi ako kayang tulungan ng relihiyong kinamulatan ko. Kahit na may kapansanan ay nagsisikap ako na maging relihiyoso sa pagbabakasakaling matulungan sa minsa’y itinuring kong masaklap na kalagayan. Hanggang isang araw ay nakita ko ang aking sarili na kabilang na rin sa sekta ng relihiyon sa ganon ding dahilan ang ako’y makalakad.



Ang pag-anib ko sa ibang relihiyon o sekta ay para bang nagpalubag –loob sa dati kong damdamin, inakala kong ito na marahil ang tama subalit hindi pala. Nang amarinig ko ang aral ng Iglesia ng Dios nakita kong ako pala ay nasa kasalanan pa rin. Mahigit sampung taon akong inalipin ng mapanlinlang na katuruan ng sektang aking kinaaniban sapagakat hindi nila itinuturo na ang tao ay maaring maalis sa kasalanan at maka-pamuhay na hindi nagkakasala. Inakala ko noon na tunay na akong anak ng Dios, hindi pa pala. Dahil kahit na ako’y umaawit at tumutugtog ng papuri sa Dios at nangangaral ng salita ng Dios, patuloy pa rin akong nakakagawa ng kasalanan na ilan ay hayag at marami ay lihim. Kahabaghabag ang kalagayan ko sa harapan ng Panginoon dahil lahat ay walang kabuluhan ang aking mga ginagawa para sa Panginoon dahil sa maling pananampalataya.



Salamat sa Dios sapagakat Siya ang gumawa ng paraan upang ako at ang asawa at mga anak ay makalaya sa pandaraya ng Diablo. Salamat sa Dios sapagakat hinahanap Niya ang mga kaluluwang tunay na umiibig sa Kaniya. Salamat sapagkat napatunayan ko na ang Dios ay makapangyarihan, kaya Niyang magbago ng buhay ng tao, kaya Niyang alisin ang kasalanan sa puso ng tao at kaya ng Dios na tulungan ang sinumang nagsisisi na namuhay na hindi na nagkakasala sa kasalukuyang sanglibutang ito. Isang kahangahangang aral itong aking nasumpungan, isang purong ebangelyo na hindi itinuturo at hindi ipinamumuhay ng kahit aling sekta ng relihiyon, ang mamuhay ako ng may kabanalan sa panahong kasalukuyan ng sanglibutan ito. Nawa’y maranasan din ng iba ang dakilang karanasang ito, ang kaligtasan at kabanalan ng buhay.



Sa ngayon ay 30 taong gulang na ako at wala nang nararamdamang awa sa sarili sapagkat sa langit na bayan ng mga banal ay wala ng kapighatian, wala ng kahirapan, sakit, pagluha at kapansanan. Wala ng negatibo doon. Salamat sa Dios ang aking sambahayan ay kasama ko ngayong naglilingkod sa Dios sa kabila ng aking kapansanan. Tunay na kapayapaan at kapanatagan ang dulot ng kaligtasan. Salamat sa mga kapatid na ginamit ng Dios upang marinig ko ang aral ng Iglesia ng Dios, sina Bro. Lino Dela Cruz at Bro. Nelson Plata matatapat na lingkod ng Dios sa Marinduque. PURIHIN ANG DIOS!

Thursday, August 24, 2006

SHADOW OF LIFE BEHIND BARS - Bro. Chalie Caburian

I was once a prisoner of world deeds,
A conqueror of one's life pleasure,
That never gave me contentment,
A life love is not counted a treasure.

I was aggressive of human applause,
Measured strengths by people I overcome,
That I thought, is the best way to gain power,
A life where I seem to be the best of the rest.

Ambitions, reputations were my focused goal,
Fame is but a partner I won't leave,
Then still I found myself never satisfied,
Till I was pushed to be trampled underfoot.

I was thrown to a dark room,
Where my life course was changed,
I was pushed to wander of my real self,
Till I found myself shameful before God.

On this enlightenment I saw,
I started to look for Him, the one neglected before,
I wanted to remove the guilt by myself,
And for the first time, I knelt down and humble myself.

I said sorry! Yes a sincere sorry,
A strange felling then filled my inner self,
I felt forgiveness and love, Never to be found in the world,
And realized God's burden through Christ's death.

Yes life doesn't end there for trials and temptations abounds,
But he faithfully said, "call upon me in the day of trouble,
I will deliver thee: and thou shall glorify me!
Now, boldly I can say HALLELUJAH!

(Si Bro. Charlie ay naligtas sa La Trinidad Distirct Jail Benguet Province kasama ang kanyang kapatid na si Bro. Adrian noong 2002. Sa pagamin ng kanilang mga kasalanan nailipat sila sa National Bilibid Prison sa Muntinlupa noong taon 2003. Nagakroon ng mga gawain sa lugar na yan. May mga naligtas na rin. Si Bro. Charlie ay makakalaya bago matapos ang taong ito.)

Tuesday, August 22, 2006

PRAYER REQUESTS

Idalangin natin ang mga kapatiran natin na nasa ibang bansa na nakatira at nagtratrabaho na doon. Nawa ingatan sila ng Panginoon sa kanilang buhay. Dalangin natin na makapanatili at magtagumpay sila sa kanilang buhay espiritual.

  • Ang mga kapatiran sa Amerika ay sila Bro. Lucindo "Dong" Canlas at ang kanyang pamilya na nasa Suisun City, California, Bro. Bernie Novilla at ang kanyang Pamilya na nasa Hawthorne, California, Sis. Maryfe Esteban Campos & family na nasa San Jose, California, Sis Melit Dela Cruz nasa Oregon State. Idalangin natin na pakapagbalik-loob si Anita Neri Agustin na nasa San Jose, California.
  • Sa Canada ay ang pamilya ni Bro. Ding at Sis Bel Del Leon
  • Sa Dubai ay ang pamilya ni Bro. Arthur Logan at mga kapatiran doon.
  • Sa Taiwan ay sila Bro Jessie Dacoco at ang kanyang asawa na si Sis. Cristy, Bro. Joseph Pagar, Sis. Armela Palasigue, Jennifer Eugenio
  • Sa Hong-kong ay sila Sis Lyn Mangoma, Sis Minerva Mangoma at Analyn Garcia
  • Sa Singapore ay si Nanay Dora Baniza na asawa ni Tatay Rodrigo ng km. 4, La trinidad, Benguet.
  • Sa Italy ay Pamilya ni Bro. Eddie Santos

Kung mayron kayong mga prayer request mag email lang po kayo sa jet_batalla@yahoo.com. God bless you.

Saturday, August 19, 2006

ULAT SA MINDANAO CONVENTION - ni Sis Bebie Pollan at Bro. Bernard Neri

Salamat sa Dios sa matagumpay na Mindanao convention ngayong 2006. Salamat sa pagtugon ng Dios sa ating dalangin upang maganap ang taunang pagtitipon ng mga Kristiano dito sa Mindanao. Ang mga kapatid na dumalo ay mula sa mga kongregasyon ng Davao del Sur, Saranggani Province, Malaybalay City, Maramag, Don Carlos, Luzon at Negros Occidental. Maraming salamat sa Dios sa mga pagpapalang spiritual na ibinuhos ng Dios sa buong panahon ng pagtitipon ng mga Kristiano. Ang punong abala sa taong ito ay ang Bukidnon congregation na pinangungunahan ni Bro. Bernard Neri, pastor ng Iglesia ng Dios sa Bukidnon.
    • May 12, 2006 - 6:00 A.M. - Ang morning devotion ay pinangunahan ni Sis. Mishel Salinday. Nanguna naman sa panalangin si Bro. Alger Coraraton. Ang tagapagsalita ay si Bro. Ed Coraraton, pastor ng Iglesia ng Dios sa Davao at nagsalita sa paksang "Influencing Others" ang kanyang texto ay mula sa Filipos 2:12-16. Ang mga Kristiano ayon sa mensahe ay kailangang humikayat ng iba para sa Panginoon. Gaya ni Moises, aniya ay humikayat sa mga Israelita sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya at pagsunod sa Dios.
    • 8:00 A.M. - Ginanap ang Christian Festival sa pamamagitan ng mga Bible activities gaya ng Bible Drill, Bible Hunt, Bible Quiz, at Bible Books.
    • 10:00 A.M. - Nanguna si Sis. Mishel Salinday sa pag-awit ng mga himno. Nagbigay ng tanging awit ang mga kapatiran sa Saranggani Province. si Bro. Philbert Maleficio ang nagbigay ng mensahe sa paksang "Church Abide in Truth" na matatagpuan sa Gawa 27:31. Binigyang diin niya na ang Iglesia ng Dios ay siyang haligi at suhay ng katotohanan.
    • 2:00 P.M. - Sa pang-hapon na gawain, nanguna si Sis. Rose Villanueva sa congregational singing at si Bro. Evo ang nanguna sa panalangin. Si Bro. Greg Escullar ang nagbigay ng mensahe mula sa aklat ng Marcos 16:14-20. Sa kanyang mensahe ipinaliwanag niya na walang katulad na kagalakan na maging anak ng Dios at mapabilang sa kanyang pamilya "Ang Iglesia ng Dios". Kanyang binigyang diin na walang makasalanan na kasama sa Iglesia ng Dios. At ang karapatan ng pangangaral ng tunay na ebangelio ay ipinagkatiwala lamang ng Dios sa mga ligtas sa kasalanan.
    • 3:00 P.M. - Nagbigay ng lecture si Bro. Jet D. Batalla Jr. tungkol sa Iglesia at Pamamahala sa Iglesia. Sinundan ito ng question and answer portion. Maraming mga liwanag sa turo at aral ng Iglesia ng Dios ang lumitaw sa panahon ng talakayan. sa lecture ay naunawan ng marami na ang "The Christians, The Church of God, Inc ay gagawa at kikilos lamang sa mga bagay na ukol sa material at financial matters. At ang "Council of Elders" naman ang titingin at lulutas sa mga suliraning espiritual ng Iglesia.
    • 6:30 P.M. - Ang Evangelistic Service sa gabi ay nanguna si Sis. Chym Pollan sa pag-awit ng mga choruses at si Sis Arma Neri naman sa congregational singing. Nanguna naman sa panalangin si Bro. Eliazar Omongos(asawa ni Sis Amor Arnado). Si Bro Jet Batalla ang nagbigay ng mensahe. Ang kanyang paksa ay "The Chuch, The Body of Christ" mula aklat ng Mateo 16:18. Ayon sa mensahe, si Cristo ang ulo ng Iglesia at ang Iglesia ay ang katawan. Ang lahat ng kasama sa katawan ay mga ligtas sa kasalanan. Naalis lamang ang mga kasama sa katawan sa pamamagitan ng kasalanan. Ayon sa mensahe ang mga ligtas na sa kasalanan ay kailangang magpatuloy sa kasakdalan.
    • MAY 13, 2006, 6:00 A.M. - Nanguna si Sis Cherry Pacauncis sa devotional singing. Ang tagapagsalita ay si Bro. Alger Coraraton ng Saranggani Province. Ang kanyang paksa ay "The Servant of God"(Ang Alipin ng Dios). Sa kanyang mensahe, ang alipin o lingkod ng Dios ay hindi gumagawa ng kasalanan. Siya ay ilaw ng sanglibutan at taglay ang katangian ng tunay na Kristiano na makikita sa I Cor. 13:13.
    • 8:00 A.M. - Nagpatuloy ang Christian Festival sa pamamagitan ng mga Bible activities.
    • 10:00 A.M. - Ang tagapagsalita ay si Bro. Bernard Neri. Ang kanyang paksa ay "Not all Using the Name of the Church of God Stand for the Truth" Sa kanyang mensahe, ang Iglesia ay naninindigan sa aral na Pag-aaring ganap, Lubusang pagpapakabanal at kahinhinan.
    • 2:00 P.M. - Si Sis Metzi Pollan ang naguna sa congregational singing at si Bro. Artemio Baldecanas sa panalangin at tanging awit kasama si Bro. Eliazar Omongos. Isang oration naman ang ibinigay ni Bro. Gerson Uhaub. Si Bro. Greg Escullar ang muling tagapagsalita sa pakasang "Ang Tamang Pag-uugali sa Iglesia ng Dios", 1 Tim 3:15. Sa mensaheng ito ay kumilos ang Espiritu Santo at marami sa mga nakikinig kasama ang mga ministro ay lumuhod, lumuluha sa iba't ibang kadahilanan. Purihin ang Dios sa kanyang pagkilos!
    • 3:30 P.M. - Ipinagpatuloy ni Bro Jet ang lecture tungkol sa Iglesia. Maraming mga liwanag ang lalo pang nahayag sa lecture.
    • 7:00 P.M. - Nanguna si Sis. Haia Cheen Pollan sa devotional singing. Ang naging taga-pagsalita ay si Bro. Jet. Ang kanyang paksa ay "Pag-ingatang Walang Kapintasan" hango sa 1 Thess 5:23. Aniya, "kalooban ng Dios na ang kanyang mga anak ay mamuhay ng banal at walang dungis sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito". Hinamon niya ang mga mananampalataya na maging mapagbantay upang maingatang huwag mawala ang perlas ng kaligtasan.
    • May 14, 2006, 8:00 A.M. - Si Sis. Bebie Pollan ang nanguna sa devotional singing. At si Bro. Ed Coraraton naman ang panalangin. Pinangunahan naman ni Bro. Evo Rabino ang Sunday School sa paksang "Healing through Intercession".
    • 9:30 A.M. - Pagkatapos ng Sunday School ay ang Worship Service, at ang tagapagsalita ay si Bro. Greg Escullar. ang kanyang mensahe ay mula sa aklat ni Nehemias 4:7-14 "Alalahanin mo ang Dios". Muli ang banal na Espiritu ay gumawa at maraming kaluluwa ang lumapit sa altar upang magsisi ng kanilang mga kasalanan. Purihin ang dakilang Dios!
    • 2:30 P.M. - Si Bro. Artemio Baldecanas ang mensahero sa pang-hapong serbisyo siya ay nagsalita sa paksang " Ang Matatag na Bahay ng Dios".
    • 4:00 P.M. - Ginanap ang pag-babautismo sa tubig sa labing-tatlong kaluluwa sa Pendon's Spring Resort.
    • 6:30 P.M. - Sa huling gabi ng convention ay nanguna si Sis Lydia Ontong sa devotional singing, sumunod si Sis. Arma Neri sa congregational singing. Si Bro. Jet ang naging taga-pagsalita at naghatid sa mensaheng "Bakit ang Sinaunang Iglesia ay Matagumpay? Ano ang Lihim Nito?". Sa mensaheng ito ay maraming mga taga Mindanano ang nahamon upang magpatuloy sa kanilang pananampalataya sa Panginoon. Purihin ang Dios!

Mula sa isyu ng Daan ng katotohanan, Volume 1, number 1(August 2006)

Tuesday, August 15, 2006

ANG PATOTOO NI PASTOR VICTORIANO T. LUZONG

"Isang dakilang bagay na maranasan ko ang kaligtasan mula sa kasalanan. Mayroon ng 45 taon ngayon ng ipagkaloob sa akin ng mapagmahal na Dios ang biyayang ito. Sa tulong Niya hindi ko na bibitiwan ang kaligatsan na ito anomang mangyari. Ang pagibig Niya ay walang kapantay at hindi malirip ng pagiisip. Naniniwala ako na ang aking pagka-ligtas ay dahil sa "banal na katalagahan" (divine providence). Ito ikinagalak kung ipatotoo:

"Nang ako'y magbibinata na, nagkaroon ako ng sakit na ikamamatay. ang panahon na yaon ay bago nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at ng bansang Hapon dito sa Pacifico. Ang naging karamdaman ko ay desinterya. Sinabi ng doctor na tumingin sa akin ay wala na raw akong pag-asang gumaling at mamamatay na raw ako. Kaya't hindi na niya ako binigyan ng gamot at umuwi na siya. Ngunit sa susunod na araw ay gumaling ako. Isang himala ang pagpapagaling na ginawa ng Panginoon sa akin, na pinagtaka ng aking mga magulang. Yaon ang unang maka-Dios napagpapagaling(divine healing) na ginawa sa akin ng Dios. Nangyari ito na walang panalangin o pananampalataya man. Ang Dios ang nagpagaling sa akin!"

"Nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa, nakisama ako sa mga gerilya upang bumangon laban sa kanila. Nang mapalaya na ang bansa mula sa mga Hapones, itinayo muli ang pamahalaang komonwelt. Hindi kinilala ito at ng pamahalaan ng Amerika ang aming gerilya "outfit" na "HUKBALAHAP", sa halip inusig pa kami, kaysa ganting-palaan. Isa na ako sa mga na "wanted". Humanap ako ng kanlungan sa Lungsod ng Baguio at duon ko natagpuan ang Panginoong Jesucristo bilang sariling Tagapagligtas, ng taon 1949. Dahil sa aking walang hanggang pasasalamat sa Kaniyang kahabagan, ipinagkaloob ko ang aking sarili upang paglingkuran Siya sa Kaniyang kaharian sa pagkakaroon ng bahagi sa pangangaral ng katotohanan at ng ebangelio sa ating bayan, at saan man lugar ako isugo. Salamat din sa pagtawag Niya ng maraming mga kabataan sa paglilingkod sa kaniyang Iglesia. Mayroong isang putong ng buhay ang naghihintay para sa mga matatapat."

"Nagiisip ako ng iba't-ibang paraan kung paano ko Siya mapaglingkuran at makatulong sa pananampalataya ng mga banal. Ito siguro ang ibinigay ng Dios na maging misyon ko sa buhay." AMEN

(Kuha ito sa isyu ng ANG DAAN NG KATOTOHANAN, Abril, 1994)

Sunday, August 13, 2006

BICUTAN CHURCH OF GOD ANNIVERSARY

"Idalangin natin ang pagdiriwang ng pagkatatag ng Iglesia ng Dios Sa Bicutan, Taguig, Metro, Manila sa araw na ito, Aug. 13. Nawa pagpalain ng Dios ang gawaing ito sa pangunguna ni Bro. Arthtur Marzan. Idalangin natin ang tagumpay ng gawain. Nawa mag-ligtas Siya ng mga kaluluwa sa araw na ito."

Saturday, August 12, 2006

PAKIKITUNGO SA INGGIT

Ang mga maunlad na mga tao ay laging kina-iinggitan ng mga iba. Kung ikaw ay tatayo sa inyong mga paa, o nagtaas ng inyong tinig, o itangi mo ang iyong sarili mula sa karamihan, mararanasan mo ang galit ng isang mayroong inggit. Ang mga sermon ay pinangangaral laban sa inggit na nasa sa atin, datapuwa’t madalang kung mayroon man, na makarinig tayo ng sermon kung paanong pakitunguhan ang inggit kung ikaw a isang biktima nito.

Mayroong di kukulang sa tatlong mga hahilan kung bakit ang mga tao ay may inggit sa iyo
    1. Ang mga tao ay may inggit sa inyong tagumpay. Ito'y totoo lalo na kung ang iba ay damang dama nila ang pakikipagpaligsahan sa iyo. Tiyak na totoo kung ikaw ay sa lantad na nakikipagpaligsahan at nagtatagumpay.
    2. Ang mga tao ay maaaring mainggit sa iyong kabutihan. Ang mga taong naging biktima ng masasamang bisyo o ugali ay kinaiingitan ang mga wala nito. Sinabi ni Salomon, "...at bawat gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa". (Ecc. 4:4) Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon. (Awitt 106:16) Kung ang magandang ugali ng mga banal ay hindi makalampas sa inggit ng mga tao, ito'y totoo rin sa panahong ito.
    3. Ang mga tao ay may inggit sa inyong pag-aari o kanilang iniiisip na mayroon ka. Ang matagumpay na hanapbuhay ni Isaac sampu nang kaniyang kayamanan at maraming pag-aaring kawan ay kinainggitan siya ng mga Filisteo.

Ano ang ating magagawa sa inggit? Ano ang ating magiging pakikitungo bilang Cristiano na maging mabisa kung siya ay naging biktima ng inggit? Mayroong apat na mga payo".

  1. Idalangin ang sapat na biyaya na magtagumpay laban sa inggit ng mga iba. Ang maraming saloobin ng mga iba ay hindi ka kailangang madumhan. Ang gumanti ay magdadagdag lamang ng init sa apoy. sinabi ni Ginoong Tomas Brown, "Bayaang ang katantandaan ang magbigay ng kulubot sa inyong noo at hindi ang inggit; masiyahan kang kainggitan ka huwag lamang ikaw ang mainggit sa kanila.
  2. Dumalangin upang maunawaan ang pinanggagalingan ng inggit. Maaring nagkaroon ng inggit ang mga iba hadil sa pinagmamapuri mo ang inyong tagumpay sa kanilang harapan. Ang pagkaunawa sa pinanggagalingan ng apoy ay makapagpapaliit sa alab at maaring makapapatay pa sa apoy.
  3. Dumalangin ng biyaya na maging mapagtiis habang ang Dios ang gagawa upang lunasan itong inggit. Si Jose ay pinagbili bilang alipin ng kaniyang mainggiting mga kapatid, pinasama ng isang babaing makalaman, at nakalimutan ng kapuwa bilanggong kaniyang tinulungan. Nang siya'y naging ministro na ng bayang Egipto, nakaharap niya ang kaniang mga kapatid na naging mainggitin sa kaniya at kaniyang sinabi sa kanila, "Para sa inyo inisip ninyong masama laban sa akin, datapuwa't ang Dios ay ginawa Niyang mabuti".
  4. Dumalangin ng biyaya na makapagpatawad. Isang pagtutulungan ng mga mainggiting saserdote at isang walang panininindigang gobernador na nagpapako kay Cristo sa krus. Datapuwa't ang unang wika ng Panginoon sa krus ay isang dalangin sa Ama, "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.

Wala sa atin ang ligtas sa inggit ng mga iba. Datapuwa't umasa tayo sa biyaya ng Dios na tayo'y maging katimbang sa hamon.

Saturday, August 05, 2006

"ANG DAAN NG KATOTOHANAN" - Isang Tula

Bawa't taong naglalakad dito sa sanglibutan,
May daan na tinatahak na kanyang patutunguhan:
May dalawang daan lamang na kanyang pagpipilian,
Daan ng katotohanan o daan ng kamalian.

Ang daan na likha ng Dios, daan ng katotohanan:
Diablong likhang daan naman ay daan ng kamalian;
Kaya't taong naglalakad, ikaw ay may kalayaan
Na pumili ng daan mo na iyo ngang lalakaran.

Daan ng katotohanan 'pinahahayag ng Biblia,
Sa katauhan ni Cristo, Daang patungo sa Ama;
Siyang tanging isang daan at wala na ngang iba pa,
Kaya't lumakad kay Cristo at sa mga pangaral N'ya.

May daan tila matuwid sa mata mo kaibigan,
Ngunit ang dulo nga niyaon ay daan ng kamatayan;
Kaya't mag-ingat lumakad, ang payo ko minamahal,
Ang sariling unawa mo ay huwag gawing pagbatayan.

Daan ng katotohanan, ay daan ng kabanalan;
Tanging patungo sa langit, na daan ng mga banal;
Walang maruming papasok duon sa banal na Bayan;
Mga tanging nilinis lang, na mula sa kasalanan.

Daan ng katotohanan, ay si Jesucristong mahal,
Tumulo ang kanyang dugo upang tayo'y maging banal;
Hindi sa pangalan lamang, kundi sa tunay na buhay,
Malinis ang mga puso, salita't gawa'y dalisay.

Victoriano T. Luzong
Pastor
Paniqui, Tarlac

Wednesday, August 02, 2006

ABULOY O LUBUSANG HANDOG

Mayroong isang pabula(fable) ukol sa isang inahing manok at isang baboy na magkasamang naglalakad. Dumaan sila sa isang kapilya na nakasulat sa Bulletin board nito ang isang pakasa ng sermon para sa susunod na linggo: "PAANO NATING MATUTULUNGAN ANG MGA DUKHA". Nang makapag-isip ang inahing manok kaniyang sinabi, "Alam ko na gagawin natin. Bigyan natin ng hamon at itlog para sa almusal nila". "Masasabi mo yan kaibigang manok" sabi ng baboy, "sapagkat sa iyo yaon ay isang abuloy lamang, datupuwa't para sa akin ito'y lubusang handog".

Sa kabanalan ang Dios ay hindi humihingi ng abuloy: Siya'y humihingi ng lubusang paghahandog. Ang lubusang paghahandog na kaniyang nais ay hindi isang gawain lamang; ito'y saloobin din naman. Ito'y nagpapasimula bilang isang crisis o taos pusong pagpapasiya at nagpapatuloy bilang isang pamamaraan.

Si General William Booth, tagapagtayo ng Salvation Army, minsan siya'y tinanong kung ano ang dahilan ng kanyang kalakasang espiritual. Kaniyang sinagot, "Pag-aari ng Dios ang lahat ng nasa akin. Ito'y higit sa abuloy lamang; ito'y lubusang paghahandog. Napapaloob dito ang isang gawain ng paghahain muna dito'y lumilitaw ang isang habang buhay na saloobin ng lubusang paghahandog. Nang sabihin sa kaniya na siya'y patungo sa pagkabulag ng kaniyang mga mata. Sinabi ni General Booth, "Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko na may dalawang mata; ngayon gagawin ko ang magagwa ko na walang mata.

Sinabi ni George Muller. "May isang araw ng ako'y namatay, lubusang namatay kay George Muller (habang sinasabi niya ito, siya'y yumuko ng yumuko hanggang kaniyang nadatan ang sahig) ang kaniyang sariling opinyon, mga pagpili, mga panglasa, o maging sa aking mga kapatid at mga kaibigan. Mula noong pinag-aralan kong karapatdapat sa Dios lamang. Ito bay isang abuloy lamang? Hindi, ito'y isang paghahandog, lubusang paghahanog".

Sa kamatayan sa sarili nararanasan natin ang panahon ng lubusang paghahandog. Namamatay tayo sa sarili upang mabuhay tayo sa Dios, ang kahihinatnan ng lubusang paghahandog ay isang uri ng pagiging martir na unti-unti sa ating buhay ng lubusang paghahandog.

Nangangailangan ang Dios at nangangailangan Siya ngayon din ng mga nabubuhay ng mga martir ang mga taong ang kanilang buhay ay naka-alay sa kapakanan ni Cristo.

IKAW BA'Y ISANG ABULOY O LUBUSANG HANDOG S DIOS?

Tuesday, August 01, 2006

UNANG TAONG PAGDIRIWANG NG RADIO MINISTRY SA PILIPINAS

Noong August 1, 2005 nagsimula ang radio ministry ng The Church of God dito sa Pilipinas. Sa biyaya at tulong ng Panginoon nagpapatuloy pa rin ang gawaing ito. Kaya sa araw na ito ang unang taon anibersaryo ng The Way of Truth Broadcast dito sa Pilipinas. Pinasasalamatan namin ang mga kongregasyong tumutulong upang makapagpatuloy ang ministeriong ito. Sa kongregasyon ng Bicutan, Taguig. MM, sa pangunguna ni Bro. Arthur Marzan, Sa Kongregasyon ng Signal Village, Taguig, MM., sa pangunguna ni Bro. Frank Palencia, Sta. Maria, Bulacan sa pangunguna ni Sis. Meldy Santiago, Sa Iglesia ng Dios sa Ibaan, Batangas, sa pangunguna ni Bro. Luis Gamboa at Iglesia ng Dios sa Recuerdo, Nueva Ecija sa pangunguna ni Bro Renato Miguel. Iglesia ng Dios sa Barang, Paniqui, Tarlac sa pangunguna ni Bro. Antonio Domrique. Maraming salamat po sa suporta ninyo. Nawa pagpalain ng Dios ang gawain ng Dios sa inyong mga Lugar.
Pinasasalamatan din namin ang mga kapatiran na nagbibigay ng tulong sa ating radio ministry. Lalo na kina Bro. Eddie Santos & Family, Bro. Arnold Chichioco & Family, Paniqui, Tarlac, Sis. Dada Valdivia ng Quezon City at Sis. Myrna Asuncion ng Paniqui, Tarlac. Salamat din sa mga sumusunod na mga kapatid na tumutulong sa gawaing ito; Bro. Sergio Santos at ang kanyang asawa Sis Mercy ng Paniqui, Tarlac, Bro. Ninoy Zabala ng Balaoang, Paniqui, Tarlac, Bro Joseph Bagayan ng Paniqui, Bro. Rudy Delos Reyes Pastor ng Nipaco, Paniqui, Tarlac, Sis Armela Palasigue na nasa Taiwan, Bro. Cezar Claudio ng Dagupan City at sa mga di nabanggit ang mga pangalan nawa pagpalain kayo ng Dios sa inyong buhay.
Ipanalangin natin si Uncle Alvin Craig sa kanyang ministerio sa radio sa buong mundo na magpatuloy at magbunga ito ng mga kaluluwa. Ipanalangin din natin sina Uncle Alvin Craig, Uncle Donie Shenberger at Sis Kathy Craig na tumututulong sa ating Radio ministry. Maraming salamat sa mga kapatid na ito.
Patuloy nating idalangin ang ating radio ministry na magbunga ng mga kaluluwa na tatanggap sa Panginoon. Salamat sa Dios sa isang bungang kaluluwa ng ministeriong ito sa katauhan ni Tatay Rodrigo Banisa ng KM 4, La Trinidad, Benguet. Idalangin natin na siyay magpatuloy. Idalangin natin ang mga kapatiran na patuloy na sumuporta at dumalangin sa ating radio ministry. Ang gawaing ito ay umaasa lang sa tulong ng mga kapatid na nagmamahal sa ating Panginoon. Kung ibig po ninyong magbigay ng konting tulong email po ninyo si Sis Judith na siyang Treasurer ng Iglesia ng Dios sa Pilipinas.

"Kalooban ng Dios na dito sa Baguio City magkaroon ng Radio Ministry sapagkat dito nagkasama-sama ang ibat-ibang lahi ng mga tao. Sa ngayon ang Baguio ang sentro ng turismo sa ating bansa dahil siguro sa ganda ng klima at tanawin sa lugar na ito. Libolibong mga Koreano ang nagaaral at tumitira ngayon dito. Maliban sa kanila marami ding mga Amerikano, Taiwanese, Japanese, European ang nanahan at bumibisita dito. Idalangin natin na maabot ng Radio ang mga taong ito upang maipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon sa buong mundo. Sinimulan na din namin mag distribute ng The Way of truth sa mga tao dito. Nawa sa pamamagitan din nito maraming mga kaluluwa ang maabot ng mabuting balita ng Ating Panginoon.

Mayroon tayong pangitain na sa pamamagitan ng radio ay lalaganap ang tunay na turo dito sa ating bansa. Hindi lamang dito kundi sa bansang Asya. Maaring tayong mga Filipino ang gagamitin ng Panginoon upang maipalaganap ang ebanghelyo sa Kapwa nating Asyano. Magpasalamat tayo sa Dios sapagkat dito sa ating bansa unang nagkaroon ng Iglesia ng Dios. Kaya tayo'y magtulungan at magmahalan upang gamitin tayong malinis na kasangkapan sa pagpapalaganap ng kanyang Salita. Malaking gawain ang nakaatang sa ating balikat kaya maningas nating ipanalangin ang mga bagay na ito".

Idalangin natin ang mga broadcaster na sina Bro. Jet Batalla, Bro. Philip Obena, Sis Wilma Batalla, Sis. Daisy Sevellena, Sis. Aiza Canlas at Sis. Ivy Cuadra. Pagpalain Nawa sila ng Dios sa kanilang mga buhay.