Saturday, August 12, 2006

PAKIKITUNGO SA INGGIT

Ang mga maunlad na mga tao ay laging kina-iinggitan ng mga iba. Kung ikaw ay tatayo sa inyong mga paa, o nagtaas ng inyong tinig, o itangi mo ang iyong sarili mula sa karamihan, mararanasan mo ang galit ng isang mayroong inggit. Ang mga sermon ay pinangangaral laban sa inggit na nasa sa atin, datapuwa’t madalang kung mayroon man, na makarinig tayo ng sermon kung paanong pakitunguhan ang inggit kung ikaw a isang biktima nito.

Mayroong di kukulang sa tatlong mga hahilan kung bakit ang mga tao ay may inggit sa iyo
    1. Ang mga tao ay may inggit sa inyong tagumpay. Ito'y totoo lalo na kung ang iba ay damang dama nila ang pakikipagpaligsahan sa iyo. Tiyak na totoo kung ikaw ay sa lantad na nakikipagpaligsahan at nagtatagumpay.
    2. Ang mga tao ay maaaring mainggit sa iyong kabutihan. Ang mga taong naging biktima ng masasamang bisyo o ugali ay kinaiingitan ang mga wala nito. Sinabi ni Salomon, "...at bawat gawang mainam na dahil dito ay pinananaghilian ang tao ng kaniyang kapuwa". (Ecc. 4:4) Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon. (Awitt 106:16) Kung ang magandang ugali ng mga banal ay hindi makalampas sa inggit ng mga tao, ito'y totoo rin sa panahong ito.
    3. Ang mga tao ay may inggit sa inyong pag-aari o kanilang iniiisip na mayroon ka. Ang matagumpay na hanapbuhay ni Isaac sampu nang kaniyang kayamanan at maraming pag-aaring kawan ay kinainggitan siya ng mga Filisteo.

Ano ang ating magagawa sa inggit? Ano ang ating magiging pakikitungo bilang Cristiano na maging mabisa kung siya ay naging biktima ng inggit? Mayroong apat na mga payo".

  1. Idalangin ang sapat na biyaya na magtagumpay laban sa inggit ng mga iba. Ang maraming saloobin ng mga iba ay hindi ka kailangang madumhan. Ang gumanti ay magdadagdag lamang ng init sa apoy. sinabi ni Ginoong Tomas Brown, "Bayaang ang katantandaan ang magbigay ng kulubot sa inyong noo at hindi ang inggit; masiyahan kang kainggitan ka huwag lamang ikaw ang mainggit sa kanila.
  2. Dumalangin upang maunawaan ang pinanggagalingan ng inggit. Maaring nagkaroon ng inggit ang mga iba hadil sa pinagmamapuri mo ang inyong tagumpay sa kanilang harapan. Ang pagkaunawa sa pinanggagalingan ng apoy ay makapagpapaliit sa alab at maaring makapapatay pa sa apoy.
  3. Dumalangin ng biyaya na maging mapagtiis habang ang Dios ang gagawa upang lunasan itong inggit. Si Jose ay pinagbili bilang alipin ng kaniyang mainggiting mga kapatid, pinasama ng isang babaing makalaman, at nakalimutan ng kapuwa bilanggong kaniyang tinulungan. Nang siya'y naging ministro na ng bayang Egipto, nakaharap niya ang kaniang mga kapatid na naging mainggitin sa kaniya at kaniyang sinabi sa kanila, "Para sa inyo inisip ninyong masama laban sa akin, datapuwa't ang Dios ay ginawa Niyang mabuti".
  4. Dumalangin ng biyaya na makapagpatawad. Isang pagtutulungan ng mga mainggiting saserdote at isang walang panininindigang gobernador na nagpapako kay Cristo sa krus. Datapuwa't ang unang wika ng Panginoon sa krus ay isang dalangin sa Ama, "Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.

Wala sa atin ang ligtas sa inggit ng mga iba. Datapuwa't umasa tayo sa biyaya ng Dios na tayo'y maging katimbang sa hamon.

No comments: