Wednesday, August 02, 2006

ABULOY O LUBUSANG HANDOG

Mayroong isang pabula(fable) ukol sa isang inahing manok at isang baboy na magkasamang naglalakad. Dumaan sila sa isang kapilya na nakasulat sa Bulletin board nito ang isang pakasa ng sermon para sa susunod na linggo: "PAANO NATING MATUTULUNGAN ANG MGA DUKHA". Nang makapag-isip ang inahing manok kaniyang sinabi, "Alam ko na gagawin natin. Bigyan natin ng hamon at itlog para sa almusal nila". "Masasabi mo yan kaibigang manok" sabi ng baboy, "sapagkat sa iyo yaon ay isang abuloy lamang, datupuwa't para sa akin ito'y lubusang handog".

Sa kabanalan ang Dios ay hindi humihingi ng abuloy: Siya'y humihingi ng lubusang paghahandog. Ang lubusang paghahandog na kaniyang nais ay hindi isang gawain lamang; ito'y saloobin din naman. Ito'y nagpapasimula bilang isang crisis o taos pusong pagpapasiya at nagpapatuloy bilang isang pamamaraan.

Si General William Booth, tagapagtayo ng Salvation Army, minsan siya'y tinanong kung ano ang dahilan ng kanyang kalakasang espiritual. Kaniyang sinagot, "Pag-aari ng Dios ang lahat ng nasa akin. Ito'y higit sa abuloy lamang; ito'y lubusang paghahandog. Napapaloob dito ang isang gawain ng paghahain muna dito'y lumilitaw ang isang habang buhay na saloobin ng lubusang paghahandog. Nang sabihin sa kaniya na siya'y patungo sa pagkabulag ng kaniyang mga mata. Sinabi ni General Booth, "Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko na may dalawang mata; ngayon gagawin ko ang magagwa ko na walang mata.

Sinabi ni George Muller. "May isang araw ng ako'y namatay, lubusang namatay kay George Muller (habang sinasabi niya ito, siya'y yumuko ng yumuko hanggang kaniyang nadatan ang sahig) ang kaniyang sariling opinyon, mga pagpili, mga panglasa, o maging sa aking mga kapatid at mga kaibigan. Mula noong pinag-aralan kong karapatdapat sa Dios lamang. Ito bay isang abuloy lamang? Hindi, ito'y isang paghahandog, lubusang paghahanog".

Sa kamatayan sa sarili nararanasan natin ang panahon ng lubusang paghahandog. Namamatay tayo sa sarili upang mabuhay tayo sa Dios, ang kahihinatnan ng lubusang paghahandog ay isang uri ng pagiging martir na unti-unti sa ating buhay ng lubusang paghahandog.

Nangangailangan ang Dios at nangangailangan Siya ngayon din ng mga nabubuhay ng mga martir ang mga taong ang kanilang buhay ay naka-alay sa kapakanan ni Cristo.

IKAW BA'Y ISANG ABULOY O LUBUSANG HANDOG S DIOS?

No comments: