ULAT SA MINDANAO CONVENTION - ni Sis Bebie Pollan at Bro. Bernard Neri
- May 12, 2006 - 6:00 A.M. - Ang morning devotion ay pinangunahan ni Sis. Mishel Salinday. Nanguna naman sa panalangin si Bro. Alger Coraraton. Ang tagapagsalita ay si Bro. Ed Coraraton, pastor ng Iglesia ng Dios sa Davao at nagsalita sa paksang "Influencing Others" ang kanyang texto ay mula sa Filipos 2:12-16. Ang mga Kristiano ayon sa mensahe ay kailangang humikayat ng iba para sa Panginoon. Gaya ni Moises, aniya ay humikayat sa mga Israelita sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya at pagsunod sa Dios.
- 8:00 A.M. - Ginanap ang Christian Festival sa pamamagitan ng mga Bible activities gaya ng Bible Drill, Bible Hunt, Bible Quiz, at Bible Books.
- 10:00 A.M. - Nanguna si Sis. Mishel Salinday sa pag-awit ng mga himno. Nagbigay ng tanging awit ang mga kapatiran sa Saranggani Province. si Bro. Philbert Maleficio ang nagbigay ng mensahe sa paksang "Church Abide in Truth" na matatagpuan sa Gawa 27:31. Binigyang diin niya na ang Iglesia ng Dios ay siyang haligi at suhay ng katotohanan.
- 2:00 P.M. - Sa pang-hapon na gawain, nanguna si Sis. Rose Villanueva sa congregational singing at si Bro. Evo ang nanguna sa panalangin. Si Bro. Greg Escullar ang nagbigay ng mensahe mula sa aklat ng Marcos 16:14-20. Sa kanyang mensahe ipinaliwanag niya na walang katulad na kagalakan na maging anak ng Dios at mapabilang sa kanyang pamilya "Ang Iglesia ng Dios". Kanyang binigyang diin na walang makasalanan na kasama sa Iglesia ng Dios. At ang karapatan ng pangangaral ng tunay na ebangelio ay ipinagkatiwala lamang ng Dios sa mga ligtas sa kasalanan.
- 3:00 P.M. - Nagbigay ng lecture si Bro. Jet D. Batalla Jr. tungkol sa Iglesia at Pamamahala sa Iglesia. Sinundan ito ng question and answer portion. Maraming mga liwanag sa turo at aral ng Iglesia ng Dios ang lumitaw sa panahon ng talakayan. sa lecture ay naunawan ng marami na ang "The Christians, The Church of God, Inc ay gagawa at kikilos lamang sa mga bagay na ukol sa material at financial matters. At ang "Council of Elders" naman ang titingin at lulutas sa mga suliraning espiritual ng Iglesia.
- 6:30 P.M. - Ang Evangelistic Service sa gabi ay nanguna si Sis. Chym Pollan sa pag-awit ng mga choruses at si Sis Arma Neri naman sa congregational singing. Nanguna naman sa panalangin si Bro. Eliazar Omongos(asawa ni Sis Amor Arnado). Si Bro Jet Batalla ang nagbigay ng mensahe. Ang kanyang paksa ay "The Chuch, The Body of Christ" mula aklat ng Mateo 16:18. Ayon sa mensahe, si Cristo ang ulo ng Iglesia at ang Iglesia ay ang katawan. Ang lahat ng kasama sa katawan ay mga ligtas sa kasalanan. Naalis lamang ang mga kasama sa katawan sa pamamagitan ng kasalanan. Ayon sa mensahe ang mga ligtas na sa kasalanan ay kailangang magpatuloy sa kasakdalan.
- MAY 13, 2006, 6:00 A.M. - Nanguna si Sis Cherry Pacauncis sa devotional singing. Ang tagapagsalita ay si Bro. Alger Coraraton ng Saranggani Province. Ang kanyang paksa ay "The Servant of God"(Ang Alipin ng Dios). Sa kanyang mensahe, ang alipin o lingkod ng Dios ay hindi gumagawa ng kasalanan. Siya ay ilaw ng sanglibutan at taglay ang katangian ng tunay na Kristiano na makikita sa I Cor. 13:13.
- 8:00 A.M. - Nagpatuloy ang Christian Festival sa pamamagitan ng mga Bible activities.
- 10:00 A.M. - Ang tagapagsalita ay si Bro. Bernard Neri. Ang kanyang paksa ay "Not all Using the Name of the Church of God Stand for the Truth" Sa kanyang mensahe, ang Iglesia ay naninindigan sa aral na Pag-aaring ganap, Lubusang pagpapakabanal at kahinhinan.
- 2:00 P.M. - Si Sis Metzi Pollan ang naguna sa congregational singing at si Bro. Artemio Baldecanas sa panalangin at tanging awit kasama si Bro. Eliazar Omongos. Isang oration naman ang ibinigay ni Bro. Gerson Uhaub. Si Bro. Greg Escullar ang muling tagapagsalita sa pakasang "Ang Tamang Pag-uugali sa Iglesia ng Dios", 1 Tim 3:15. Sa mensaheng ito ay kumilos ang Espiritu Santo at marami sa mga nakikinig kasama ang mga ministro ay lumuhod, lumuluha sa iba't ibang kadahilanan. Purihin ang Dios sa kanyang pagkilos!
- 3:30 P.M. - Ipinagpatuloy ni Bro Jet ang lecture tungkol sa Iglesia. Maraming mga liwanag ang lalo pang nahayag sa lecture.
- 7:00 P.M. - Nanguna si Sis. Haia Cheen Pollan sa devotional singing. Ang naging taga-pagsalita ay si Bro. Jet. Ang kanyang paksa ay "Pag-ingatang Walang Kapintasan" hango sa 1 Thess 5:23. Aniya, "kalooban ng Dios na ang kanyang mga anak ay mamuhay ng banal at walang dungis sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito". Hinamon niya ang mga mananampalataya na maging mapagbantay upang maingatang huwag mawala ang perlas ng kaligtasan.
- May 14, 2006, 8:00 A.M. - Si Sis. Bebie Pollan ang nanguna sa devotional singing. At si Bro. Ed Coraraton naman ang panalangin. Pinangunahan naman ni Bro. Evo Rabino ang Sunday School sa paksang "Healing through Intercession".
- 9:30 A.M. - Pagkatapos ng Sunday School ay ang Worship Service, at ang tagapagsalita ay si Bro. Greg Escullar. ang kanyang mensahe ay mula sa aklat ni Nehemias 4:7-14 "Alalahanin mo ang Dios". Muli ang banal na Espiritu ay gumawa at maraming kaluluwa ang lumapit sa altar upang magsisi ng kanilang mga kasalanan. Purihin ang dakilang Dios!
- 2:30 P.M. - Si Bro. Artemio Baldecanas ang mensahero sa pang-hapong serbisyo siya ay nagsalita sa paksang " Ang Matatag na Bahay ng Dios".
- 4:00 P.M. - Ginanap ang pag-babautismo sa tubig sa labing-tatlong kaluluwa sa Pendon's Spring Resort.
- 6:30 P.M. - Sa huling gabi ng convention ay nanguna si Sis Lydia Ontong sa devotional singing, sumunod si Sis. Arma Neri sa congregational singing. Si Bro. Jet ang naging taga-pagsalita at naghatid sa mensaheng "Bakit ang Sinaunang Iglesia ay Matagumpay? Ano ang Lihim Nito?". Sa mensaheng ito ay maraming mga taga Mindanano ang nahamon upang magpatuloy sa kanilang pananampalataya sa Panginoon. Purihin ang Dios!
Mula sa isyu ng Daan ng katotohanan, Volume 1, number 1(August 2006)
No comments:
Post a Comment